Chapter 2
Dear heart, paanu ba malalaman kapag inlove kana? Totoo ba ung sinasabi nila na nagkakaroon ng paru-paru ang tyan mo? Na lumalakas ang tibok ng puso mo? Na nagkakanda buhol-buhol ang systema mo? Kapag naramdaman mo ba ang mga 'yun, ibig sabihin nagmamahal ka na talaga? Ako kasi gulong-gulo pa.
"Palagi na kayong magkasama ni Daniel, so ano? Official na?" siniko ako ni Anna
Umismid ako. "Official ka dyan."
"Nafa-fall ka na no?"
Lumaki ang mata ko.
"What? Hindi no!"
"Sus.. Hindi daw. Maniwala ako sayo. Eh, halata naman na naiinlove kana doon sa tao."
Lumunok ako.
"Paanu mo naman nasabi?" tanung ko.
"Simple lang, noon kasi halos isinusuka mo 'yun. Marinig mo lang pangalan nya halos maduwal kana samantalang ngayon tignan mo, minsan hinayaan mo na syang sumama sa atin nila Alfred. Minsan sabay na kayong kumain tapos hindi kana naiirita kapag inaasar ka nya o kung may nagtatanung sayo sa hallway kung kayo ba talaga. Hay naku, Melody. You should've seen your face pag kaharap mo si Daniel. It's obvious that you're falling for him. stop being denial pwede ba?" Inirapan nya ako.
Nakatayo ako doon at natameme nalang sa sinabi nya. Hindi na ako nakasagot at inisip nalang ang sinabi nya buong araw hanggang sa mapagod na ako kakaisip.
Dear Heart, yes. I was denial at first. Alam kong meron pero pilit ko paring pinagsasawalang bahala 'yun. Nung niyakap nya ako nung nanalo sila sa championship ay doon ko unang naramdaman na tumibok ang puso ko ng para sa kanya. Pagkatapos nung araw na 'yun parang ayoko na. Nakaramdaman ako ng matinding takot. Matinding takot kasi alam kong oo, mayroon na nga. Pakiramdam ko, pagtatawanan nya ako kapag nalaman nyang gusto ko na sya. Kasi nga, ako pa 'tong nagsabi na hinding-hindi ako maiinlove sa kanya diba?
"Happy Valentines!" Malaki ang ngisi nya habang inaabot sa akin ang tatlong pirasong rosas na hawak nya. Tinitigan ko syang mabuti bago tinanggap 'yun.
"S-salamat." Lumunok ako.
"First time mong makatanggap ng bulaklak sa valentines?" Ngumisi sya ng para bang nangaasar.
"So? Anu ngayon kong first time ko?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Well, I'm glad that I am the first one who gave you flowers." Mahinang sabi nya.
Yumuko ako ng maramdaman kong naginit ang aking pisnge.
"Hey, are you blushing?" Aniya at sinilip ang mukha ko.
"I-i'm not!"
"You're blushing!" Humalakhak sya pagkatapos ay ikinulong ang pisnge ko sa dalawa nyang palad. Nanlaki ang mata ko ng bahagya syang lumapit sa akin para pagmasdang mabuti ang mukha ko.
"What the hell! Bitaw nga!" Tinapik ko ang kamay nya.
Humalakhak parin syang parang tanga sa tabi ko. Inirapan ko sya pagkatapos ay pinapakalma ang nagwawala kong puso.
"Hey, let's date." Napatingin ako ng marinig 'yun.
"What?"
"Let's date." Ulit nya. "It's Valentines. Infact, you're my girl dapat ay I-date talaga kita."
Sumimangot ako.
"Hindi ka parin tapos sa kalokohan mo na yan?"
"Kalokohan na ano? Na girlfriend kita? Hindi kalokohan 'yun."
BINABASA MO ANG
Dear Heart (Xavier Series #2)
Short StoryIs it possible to be friends with someone who broke your heart?