THIS IS THE LAST PART
-
Epilogue
Pakiramdam ko ay iniwan na ng lakas ang katawan ko. Tamad na tamad akong gumising kinabukasan at palagi nalang akong nanghihina. Nakatulala lang ako sa pagkaing nasa harap ko pero hindi ko naman ito magalaw. This is insane. Nababaliw na nga siguro ako. I'm a mess again. Wala na akong ginawang tama simula nung araw na 'yun. Lumunok ako at bumaling sa orasan. What's this? I'm late again.
Bumuntong-hininga ako at pumikit ng madiin. I haven't talk to Daniel since then, magbabakasyon na pero hindi parin kami nagiimikan. This is insane. Kahit na gustong-gusto kong maunang mag reach out sa kanya ay hindi ko naman magawa.
Sinabi ko sa sarili ko na magsisimula ako na kalimutan syang ulit at sa pagkakataong ito ay totoo na pero parang hindi ko masimulan, parang hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Pakiramdam ko kasi kahit saan ako tumingin ay naroon sya. Nakikita ko sya sa apat ng sulok ng apartment ko. Nakakabaliw, minsan kahit sa kapeng iniinom ko nakikita ko ang mukha nya.
Minsan kapag matutulog ako sa gabi naiisip ko sya, sa bawat pagpikit ng mata ko nakikita ko sya. Naaalala ko sya. Kahit na anung gawin ko naaalala ko sya.
I miss him and it's lonely.
Pumasok na ako sa klase pagkatapos noon. Pilit kong itinatatak sa isip ko ang mga lecture ng aming professor pero wala talaga. Minsan, tutungo nalang ako sa desk ko kasi sumasakit lang ang ulo ko pero wala naman akong maintindihan. Kadalasan, nagsasasakit-sakitan pa ako para lang makapag pahinga at makaidlip sa clinic dahil hindi ako makatulog sa bahay dahil sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko sya. Mas nakakatulog pa ako sa clinic kaysa sa sarili kong kama.
I don't want to go to the places that will remind me of him.
"Ok ka lang ba talaga? Anu bang nangyari sa inyo ni Daniel?" tanung ni Anna sa akin habang sabay kaming kumakain ng tanghalian.
"Ha?"
"Hindi na kayo nagsasabay mag-lunch ah. Di narin sya sumasama sa atin. Something's wrong?"
"Ahm. He's mad at me."
"Bakit?" gulat na tanung nya.
Tinikom ko ng mariin ang labi ko. I'm trying to filter my words.
"Alam mo.. si Daniel, hindi naman yan marunong magalit sayo eh. Baka kasi may iba pang rason? I don't think galit sya sayo. Maybe, marami lang ding problema ung tao?" Aniya.
Problem? Well maybe yes. But I heard his siblings Maxine and Adrian are already with good terms with both of their family.
"That's not what he said to me." Bulong ko.
"Anu bang sabi nya?"
"He thinks I'm tired of him. Nasasakal na daw ako sa possessiveness nya."
"What?"
"He's basically.. gave up on m-me." Parang nag crack ang boses ko sa huli kong sinabi.
Binitawan nya ang kanyang kutsara't-tinidor at tinitigan ako.
"Nasasakal ka nga ba?" tanung nya
Umiling-iling ako.
"No." Not even in slightest. Kahit kaylan hindi ko naramdaman 'yun sa kanya.
"Then what's the matter? Kung hindi pala, bakit hinahayaan mo lang syang malayo sayo ng ganito?" tanung nya.
Yumuko ako. Yeah. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ko na ganito ang sitwasyon namin.
BINABASA MO ANG
Dear Heart (Xavier Series #2)
Historia CortaIs it possible to be friends with someone who broke your heart?