3

786 35 19
                                    

Tzuyu's POV

"Asan na ba yung cookie ko? ARGH NAMAN EHHH!!!!"

Nandito lang naman ako ngayon sa pantry nangangalkal sa bawat shelves para makahanap ng cookies... PERO WALA AKONG MAHANAP, like wtf?! Pag wala ako sa mood mag cookies nandyan lang sila pero ngayon na I'm craving for it nawawala na.

May magnanakaw ba ditto sa bahay?

"THAT'S IT! I'M DONE!", padabog akong umakayat papunta sa kwarto ko para maligo at magbihis pupunta nalang ako sa 7/11 para bumili ng isang dakmal ng cookies

Nagsuot lang ako ng black na shirt with white shorts at white converse saka ko binraid ang buhok ko. I grabbed my wallet at lumabas na ng kwarto.

"Uy Tzuyu! San ka pupunta?", tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Nayeon

"Sa 7/11"

Lumakad siya palapit sakin "Sama nga ako sayo, may pinapabili sakin si mama eh"

"Ok. Maglakad nalang tayo... Tutal malapit lang naman yun"

She nodded at naglakad na kami paalis ng bahay, papuntang 7/11. Hindi naman ganon kalayo yung 7/11 siguro it will take 30-20 minutes if maglalakad papunta duon.

Nung nakarating na kami duon ay nagsimula na kaming magshop. Para sa cookies ko at para duon sa mga groceries.

"Wait lang kuha lang ako nung water na may lasa neh? Wait for me here tutal mahirap pa naman hanapin yang kailangan mo ngayon....", paalam ko kay Nayeon bago ako lumipat ng panibagong aisle para mahanap yung water

I spotted the water pero isa nalang siya kaya lumakad ako papunta duon at kinuha yun nung nakuha ko na iyon ay napangiti nalang ako kasi mahal talaga ako ng tubig na to. Tiniran pa ako ng isa haha.

Habang naglalakad pabalik ng aisle ng 3 ay nagtext sakin si Nayeon.

FROM: Naomi Yeon

Uy! Asa cashier na ako!

Nagbago ako ng daanan at pumunta ako papuntang cashier. I saw her agad naman at siya na yung susunod so dali dali akong lumakad at nilagay sa cart yung water.

"Wow himala bat isa lang binili mo"

"Di ba obvious na kasi wala ng stocks? If meron pa duon malamang bumili ako ng mga lima para istock rin sa ref tss", sagot ko

Inikutan lang nya ako ng mata... Tinignan ko yung costumer sa harap namin at nagulat ako nung nakita ko kung gaano kadami yung binili nya. Jusq magtatayo at to ng sari sari store nux ang daming binili.

Napunta ang tingin ko sa wall clock at kumunot ang noo ko nung nakita kong hindi iyon gumagalaw. Lagi naman tong gumagana ah, ngayon lang hindi. Siguro nawala sa isip nung mga staff tong wall clock awts.

Di ko nalang iyon pinansin at naghintay na para sa turn namin.

Sinwipe na nung cashier yung nga pinamili namin duon sa laser thingy thing at pinlastick nya iyon nung natapos na. Di ko na pinaplastic yung water ko dahil iinumin ko siya on the way home.

Hindi ko na tinulungan si Nayeon buhatin yung dalawang plastic ng mga pinamili nya. Cookies at tubig lang naman pinamili ko.

While walking binuksan ko yung water ko at ininom yun- then suddenly may nakabunggo sakin at nabitawan ko yung bottle.

"Ay! Sorry Miss!", I looked at him

"Tss. Di ka kasi nag iingat. Ang luwang luwang ng daanan tas nabunggo mo pa ako?",sambit ko sakanya

"SORRY na nga eh S-O-R-R-Y SORRY"

I ignored him at kinontinue ko lang ang lakad ko.

"Wow thank you sa sagot mo ah. Sobrang na appreciate ko", sigaw nya pa

Halatang nakakairita ugali nya.

"Hoy Tzu, tulungan mo ako dito.... Buhatin mo tong isang plastic. Dali", utos ni Nayeon

"Ayaw ko nga. Sinamahan lang kita hindi tutulungan. Duh.", sabi ko at inunahan ko siya maglakad

Naramdaman kong may natamaan ako habang naglalakad. Tinignan ko iyon at nakakita ako ng weird looking watch. Not really weird para sa mata ng ibang tao pero para sakin na weweirdohan ako, tss kanina pa naman akong nakakaramdam na parang ang weird ng day na to

"Ano yan? Ay watch? Wow its so cute naman. Kunin mo nga Tzu"

Kinuha ko nga pero may napindot ako nung nakuha ko yun then something happened.

"Ay. Nag mannequin challenge sila Tzu, tara dali sali tayo. Wag kang kj!!!! Tumayo ka dyan dali habang wala pa satin yung camera!", utos ni Nayeon at hinila ako

Mannequin Challenge ba to? Tinignan ko yung paligid namin at pati nga pag hulog ng mga dahon tumigil.

"Nayeon. Hindi sila nag mamannequin challenge", sabi ko sakanya habang nagpopose na siya

"HUH? What do you mean?"

Nagring nalang bigla yung phone ko.

Dahyunniieee calling

Agad kong sinagot iyon

[Hello? Tzuyu!!!! Anong nangyayari?]

"Dahyun! Wala rin akong alam... Nagstop nalang lahat ng bagay dito"

[Dyan rin? Sino kasama mo?]

"Si Nayeon ikaw?Diba kasama mo si Sana sa mall kanina? Andyan parin ba kayo?"

[Well yeah! Naluluha na nga siya sa takot eh. Ay umiiyak na pala siya.... Nanood kasi kami dito sa cinema tas nagstop lahat ng bagay at yung movie nagstop dun sa nakakatakot na part..... Kayo asan kayo?]

"Malapit sa park. Puntahan nyo kami sa bahay namin"

[Sige Tzu. Ingat kayo dyan ha. Bye]

"Bye Dahyun"

"Si Dahyun yun?", tanong ni Nayeon

"OO. The same thing happened rin"

"Mannequin Challenge?"

AISH SERIOUSLY NAYEON "Fota hindi! Tumigil lang rin lahat ng bagay duon"

Nanlaki ang mata nya "What?! So h-h-hindi to ma-m- mannequi-n challenge?"

Tumango ako "Yeah. Tignan mo.... Tumigil LAHAT AS IN LAHAT. Sa tingin mo Nayeon pati yung mga dahon na nahuhulog, tubig na natatapon, ibon na lumilipad, makikimannequin challenge? DIBA HINDI?! Kaya tama ako na tumigil lahat ng bagay!!!"

"Maybe its because of that watch your holding"

Tumingin ako sa kamay ko at nakita ko nga yung watch. Tinignan ko iyon. Diba may napress akong button bago nangyari to? Asan na yung button ngayon?! ARGHHH.

"Bring that with you.... Tara sa baha-------"

"HEY!"

Nagulat kami nung narinig naming may mga sumigaw galing sa likuran namin at nakakita kami ng dalawang lalake.

Yung lalakeng nakabungguan ko.

At isang lalakeng kasing tangkad rin nya.

Lumapit sila sa amin.

"Ano nangyayari?", tanong nung isa pero di ako sumagot kahit na sakin siya nakatingin

"Di nga rin namin alam"-Nayeon "Tzuyu! Tara isama natin sila sa bahay"

"What?! Bakit?!!!!"

"Mga di rin sila na apektuhan ng pag frefreeze. Dapat lang na isama natin sila"

I didn't said anything at nauna na ako sa paglalakad

"I'll take that as a yes Tzu"

LOST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon