Nakahiga ako ngayon sa isa sa mga kama dito sa kuwarto na binigay ni Queen Nympha. Kaming mga babae ang andito sa kuwartong to, nakahiwalay yung mga lalake.
Guest room na nila to and parang mas more pa to sa masters bedroom ng mga bahay back there at Seoul.
Tulog na yung tatlo at ako hindi parin dahil sa kakaisip sa mga nangyayare ngayon. Sa tutuo lang may part parin sa isip ko na panaginip lang lahat ng ito, at may part na nagsasabing tutuo talaga to. Pero bala na gagawin ko nalang kung anong dapat. Panaginip o hindi I still need to do something.
May narinig akong malakas na tunog bigla. Nagising na sila Sana and we all rushed to the balcony. May apoy, pero it's not just a regular fire.
It's a black fire.
"THE FUCK?!"", sigaw ni Nayeon at saktong may pumasok sa kuwarto namin
Some soldiers at sila Ace.
"Anong nangyayare?!", tanong ko sakanila
"May itim na apoy at inaatake ang Lightning kingdom obvious ba? Dalian nyo kailangan na nating tumakas!", pamimilosopo ni Brent
Sinundan na namin sila patungong ewan. First time ko pang pumasok sa isang secret passage. Pero bago kami makalabas dun sa secret passage na yun ay pinakuha muna kaming walo ng mga weapons and after nun ay mau bumukas na butas at bumaba kami sa stairs na andun saka sumara yung mga butas.
Nung nasa dulo na kami ay pinasakay kaming walo sa bangka kasama ang apat pang mga soldiers at isang nagbabangka. At lumabas kami sa castle.
At napanganga nalang ako sa nasaksi ko.
Andaming mga boses na sumisigaw, mga humigingi ng tulong at iyak. Nakikita ko pa ,kahit na nakatago kami, yung mga pinapatay at sinusunog na tao. It's too brutal.
Pagkaangat ko ng ulo ko, may isang dragon na nagbubuga ng black fire.
"Asan si Queen Nympha?", tanong ni Sana at nilink nya yung arms ko sakanya
"Kaharap nya si Ursula", sagot ni Austin "Wag kayong mag-alala, malakas si Queen Nympha, magtiwala lang kayo"
But I feel like mas malakas parin si Ursula, cause if mas malakas si Queen Nympha ay di nanakaw ni Ursula yung tatlong bagay.
Nakita kong nakatingin si Ace sakin "Ano?"
Umiling siya "Wala"
Umiwas na ako ng tingin at tinignan nalang kung saan kami papunta. Actually kinakabahan rin ako ngayon i just don't show it, kinakabahan ako na baka may makakita saming mga alagad ni Ursula, tas apat lang yung soldiers na kasama namin dito? Pano kung maoutnumber nila kami? Aish. Or kaya baka mabugahan kami ng apoy nung dragon na yun. Well magiging barbeque na kami.
Napansin ko nalang bigla na parang sumabog yung isang part ng palace ni Queen Nympha, ewan ko nga kung pano ko pa nakita na may kasamang tao dun eh ang layo-layo.
"Nakikipaglaban naba si Queen Nympha?", tanong ni Nayeon
That's really making me worry, pano nga kung natalo at namatay si Queen Nympha?
Matapos ang ilang oras ay di na namin naririnig ang nangyayari sa Lightning Kingdom, nasa forest nalang kami ngayon, tahimik ang lahat, yung iba tulog. Ako kasi pag nagising ako nagising na talaga ako, di ko na macontinue yung tulog ko as in sa gabi lang talaga ako nakakatulog except pag sa mga byahe.
"Saan po tayo ngayon?", tanong ni Brent sa isang soldier
"Sa ice kingdom", sagot ng isa sa mga soldiers na kasama namin ngayon
Pupunta kaming ice kingdom and yet nakanight- gowns lang ako. What a nice outfit for a cold place.
Pagkatapos ng ilang oras nang pagtratravel namin ay napansin kong biglang lumamig at unti unti akong nakakakita ng mga ice-bergs. Pero it's not an ordinary ice bergs, it's sky blue habang nagssparkle sila.
Hinawakan ni Sana yung isang ice berg at nagulat kaming lahat nung bigla siyang nag-glow. Pero agad rin nawala yung glow na yun.
"HALA PATRY!!!", ani Nayeon at ganon rin ang nangyari sakanya
Nakakatuwa kong gaano kami nasisilo dahil lang sa iceberg na iyon pero nagulat ulit kami nung biglang yumugyog yung bangka namin. Titanic na be itez?? Dejk.
Kumapit ako ng mahigpit nung lumakas yung pag-alog. At nagulat nalang ako nung biglang bumaliktad yung bangka namin. At nanigas ako sa lamig ng tubig.
Nasa malalim kaming parte ng dagat kaya nag-panic ako. Alam kong walang saysay yung pagpapanic ko pero di naman kasi mapiligilan yun lalo na pag buhay na ang nakasalalay.
Nakita ko sa gilid ko si Sana na wala ng malay, inikot ko pa ang paningin ko at nakita si Dahyun na parang ako, magalaw rin at si Nayeon na hinihila yung kamay nya mula sa..
Sirena?
Nanlaki yung mata ko nung nakita kong nawalan na rin sya ng malay, at unti unti na rin akong nawawalan ng hangin.
Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ring may kumuha sakin.
ACE'S POV
"ASAN YUNG MGA BABAE?!", sigaw ni Austin
Sumampa ako sa isang flat na iceberg at tinignan yung mga kasama ko saka ako nakahinga ng maluwan ng makita kong kumpleto kaming apat, pero yung mga babae wala dito.
Napatingin ako sa tubig at naisipan kong tumalon ulit para sagipin sila pero pinigilan ako ng kasama naming soldier.
"Wag ka munang tatalon. May mga sirena"
"Pano kung alagad sila ni Ursula?", tanong ko sakanya "Diba mapapahamak rin sila?"
Tumayo si Brent sa pagkakaupo nya "Don't be reckless Ace. Pano nga kung ganon? Hindi ba matatalo ka rin nila? Sure you know how to swim but are your skills enough to beat them? Mas may alam sila sa pag-langyo kesa sayo Ace"
Natahimik nalang ako sa sinabi nya.
"Pero how are we gonna save them? Hahayaan nalang ba natin silang mamatay?", ani Joaquin
Nabaling ang atensyon namin sa dagat ng may bulang namumuo malapit sa tinatayuan naming ice berg, kaya lumayo ako dun.
Matapos nang ilang saglit may lumabas na magandang babaeng bitbit-bit si Sana, meron pang sumunod na tatlo na dala dala sila Nayeon, Tzuyu at Dahyun.
"I believe they're your friends?", tanong ng babaeng nasa gitna na blonde ang buhok
Tumango kami at ngumiti naman sila, saka nila kami pinalapit sakanila para makuha namin yung mga babae. At dun lang namin nakita na may buntot pala sila.
In short sirena sila.
"Hi. I'm Rose, nice to meet you", sabi nang blonde at nag-bow
Sumunod namang magpakilala yung may mahabang buhok na kulay brown "I'm Jennie"
"Hello I'm Jisoo!", ngiti nang may mahaba ring buhok na kulay itim
"Lisa!", panghuling nagpakilala ang babaeng nasa dulo na may kulay orange na buhok
=======
YEY ANDITO NA ANG BLACKPINKKK!!! Hehehehehe!
BINABASA MO ANG
LOST TIME
FantasyA story of dreams and hope that starts long long time ago 3 important items suddenly disappeared Maybe that's why but the world falls asleep Someone starts a game amid baffling time and space LOST TIME