TZUYU'S POV
Nagising ako at ang una kong nakita ay ang kulay brown na dingding.
"Gising na siya!", may narinig akong hindi pamilyar na boses ng babae "Lisa! Jennie! Rose!", tawag nya pa at inabutan ako ng tubig
Syempre kinuha ko yun, at ininom. Inabot ko sakanya yung baso at tinignan ko siya ng mabuti.
"Onga pala", sabi nya "Hello I'm Jisoo from the iron kingdom, sa land of Sidero to be exact"
May dumating na tatlo pang babae, isang orange ang buhok, brown na buhok at blonde na buhok. Nakasuot rin sila ng mga gowns pero hindi kasing gara ng mga sinusuot sa loob ng mga palace.
"I'm Jennie, okay ka na ba?", tanong nung may kulay brown na buhok
I just nodded ulit.
"Your friends went out for a while by the way, they'll be back in an hour or 2", dugtong nya pa
"Asan ako?", tanong ko sakanila habang pinagmamasdan itong kuwarto kung asan ako
"Nasa ice kingdom ka", sagot nung may orange na buhok, ice kingdom? kaya pala sobrang malamig "Gusto mo bang kumain? Kakaluto lang naming ng pagkain sa baba"
Tumayo na ako at dun ko lang rin nakita na naka-gown rin pala ako.
Habang kumakain, tahimik lang kami, this is quite awkward tho. Nagtitinginan lang silang apat, para bang gusto nilang mag-usap pero iniisip nila na baka mao.p ako.
Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na sa lababo yung plato ko.
"Tzuyu!", tawag ni Jennie sakin kaya napatingin ako sakanya "Pupuntang bayan si Lisa gusto mong sumama?"
Napaisip muna ako ng konti bago ako tumango "Ah sige. Anong oras aalis?", tanong ko
"Maligo ka na aalis na kayo kanyan", at umalis siya
Ewan ko kung bakit pero natatakot ako sa mukha ni Jennie, feel ko handa nya akong kainin anytime. Mukha siyang ganon pero, maganda siya. Yung ganda nga lang nya pang matataray, yung mga taong masasama ganern pero sexy rin hehehehehe.
Si Jisoo naman, maamo yung itsura nya, mukha siyang anghel, parang opposite ni Jennie.
Yung dalawa di ko pa kilala, pero isa sakanila si Lisa, siguro yung mahabang buhok na blonde? Ewan ko.
Hinandaan ako ni Jisoo ng masusuot at pumasok na ako sa cr, pero naisip ko lang. Sobrang lamig siguro ng tubig dito noh? Kasi yelo lahat.
Lumabas ulit ako at lumapit kay Jisoo "Uhm Jisoo.... Pano iset sa warm water yung tubig?"
"Ha? Ay di pa pala namin nasasabi sayo... Di na kailangan kasi sa every body of water dito sa ice kingdom ay may barrier na kung saan hindi nahahawa yung tubig sa lamig ng lupa, kaya kahit umabot pa ng zero degrees ang kalamigan sa lupa, mananatili paring normal ang temperature ng tubig"
Woah. We're really in the world full of magic ano pa bang ineexpect ko? Malamang maraming hindi karaniwang bagay dito.
Bumalik na ako sa cr at naligo na. Nung una natatakot pa ako pero nung dumampi na yung tubig sa balat ko wala, naging normal nalang para sakin.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako, hindi ganon kakapal yung gown kaya kailangan pang magcoat after magbihis ay pumunta na ako kay Lisa.
"Ikaw si Lisa?", tanong ko sa may mahabang orange na buhok
BINABASA MO ANG
LOST TIME
FantasyA story of dreams and hope that starts long long time ago 3 important items suddenly disappeared Maybe that's why but the world falls asleep Someone starts a game amid baffling time and space LOST TIME