TZUYU'S POV
Isinara ko na ang pintuan ng kuwartong pinagtutulugan namin dito ngayon dahil lahat naman kami ay nakalabas rin kaming lahat.
"Nasabi mo na ba sa Reyna, Jennie?", tanong ni Brent
Tumango si Jennie "Oo"
Bumaba na kami papunta sa labas ng palasyo. Wala yung mga alicorns namin kaya kapangyarihan nung apat na prinsesa yung dedependahan namin.
"Ilan ulit tayong lahat?", tanong ni Lisa
"12 kasama kayo", sagot ni Dahyun
Gumawa si Jennie ng apat na bubbles na may butas pa sa gitna, siguro dun kami papasok. And it made me think kung bat siya lang ang gumawa ng bubbles. Hindi ba pwede sila Lisa?
"Ay di pa ba namin nasasabi sayo Tzuyu?", biglang tanong ni Jisoo kaya napatingin ako sakanya "Ang kapangyarihan ko ay bakal, si Lisa naman apoy, Si Rosé hangin at si Jennie tubig"
Ganon yun? Okay.
"Tig isang lalake at isa samin tas isa rin sainyong mga babae bawat bubbles", ani Jennie
Ang naging kasama ko ay si Lisa at si Ace. Ewan ko pero dapat si Jisoo yung kasama namin pero sabi nila kaming tatlo nalang daw kasi kami yung mga maknae or should I say bunso?
Sila Joaquin, Sana at Jisoo sa pangalawang bubble kasi mga 4d sila. Di ko alam kung ano yung 4d pero siguro it's related sa pagiging weird? Di ko nga alam na may ganong salita pala.
Sa pangatlong bubbles naman ay yung mga maliliit yung mata hahaha. Di ko alam kung ano talagang pare pareho sakanila pero para sakin yung mga mata nila. Pag ngumingiti sila nawawala mga mata nila. Sila Dahyun, Austin at Rosé.
At yung sa panghuling bubble naman ay yung mga savage. Sila Brent, Nayeon at Jennie. I just hope na matitiis ni Jennie yung pag-aaway nila Nayeon at Brent.
"Nakaprogram ba tong bubble papuntang Earth Kingdom?", tanong ko kay Lisa
"Uhm... Programmed by Rosé's air? Basta't ganun si Rosé yung bahala", sagot naman nya "Tsaka pwede kayong umupo kung nangangawit na kayo"
"Bat di nalang tayo mag-lakad? Bat kailangang by air pa tayo magtratravel?", tanong ni Ace
"Mas mabilis kasi pag by air atsaka para wala rin tayong makasalubong na panganib, anyway malapit lang naman tayo sa Earth Kingdom kasi nasa North siya, ang Ice Kingdom ay nasa North West", sabi ni Lisa sabay upo
Umupo nalang rin ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang panuorin lang ang view from above. Kahit puro puno at snow lang ang nakikita maganda parin naman.
Biglang tumawa si Ace kaya napatingin kaming dalawa ni Lisa sakanya.
"Tayo lang ata yung normal ang atmosphere dito", natatawa nyang tanong habang pinapanood ang ibang bubbles
Kaya because of curiosity nilingon ko na rin yung ibang bubbles. Ang una kong nakita yung kila Sana. Si Joaquin nakaupong sumasayaw habang pumapapalakpak, si Jisoo nakatayong sumasayaw na parang........ manok? Si Sana naman duling ang mata tas nakalabas pa yung dila nya habang sumasayaw rin.
Kila Dahyun naman halatang halata mo kung gaano kawomanizer si Austin. Hayop siya. Ang dami nyang alam na kalandian.
And lastly yung kila Nayeon naman, parang anak ni Brent at Nayeon si Jennie. Nakaupo kasi si Jennie sa gitna nila habang nakatingala kasi nakatayong nag-aaway sila Nayeon at Brent. Nakakatuwa nga kasi ang daming actions na ginagawa ni eonnie.
Pagkatapos ng ilang oras ay natanaw ko na ang palasyo ng Earth Kingdom. Makikita mo mula dito sa taas kung gaano kaganda ang mga halaman at kung gaano rin sila kagreen.
Parang mga utak nyo.
"Yan na! Malapit na tayo", excited na sabi ni Lisa
"So sino yung queen at king ng earth kingdom?", tanong ni Ace
Biglang nawala yung ngiti ni Lisa "Patay na ang queen at king ng Earth Kingdom sila King Cormac at Queen Camellia... That's why they're all waiting for their princess"
"Wala bang mga kapatid yung king? Diba pwede naman maging incharge yung kapatid ng king pag ganon?", tanong ko
Umiling siya "Patay na rin sila... Prince Viktor died pagkatapos nilang maglaban ni King Cormac, walang may alam kung pano namatay si Princess Tansy at si Princess Fawnsy", sagot niya "But yung temporary leader nila ngayon ay si Queen Flora na pinsan ng apat na magkakapatid"
Unti unting bumaba ang mga bubbles namin sa labas ng gate ng palasyo ng Earth Kingdom.
Bago pa kami harangan ng mga guards ay pumunta sa harap yung apat na babae.
"Di nyo kami kilala?", mataray na tanong ni Jennie
Tinignan siya nung dalawang guards "Princess Jennie...", nag-bow sila bago umalis sa daanan namin
"Wow ikaw lang yung napansin", pabiro na sabi ni Jisoo
As expected maganda nga ang Earth Kingdom, nakahiwalay siya sa mismong parang city at kailangan mong dumaan sa bridge. Pero dahil kay Rosé ay di namin kinailangan pang lakarin ang bridge na yun.
Merong fountain sa gitna pagkapasok namin at dun ko lang rin napansin na nasa dagat pala tong castle na to.
May sumalubong saming matandang nakawhite na cape. Nag-bow rin siya bago mag-salita.
"Maligayang pag dating mga prinsesa", sabi nya at nginitian siya nung apat "Bakit kayo naparito?"
"Nandyan ba si Reyna Flora? May kailangan lang kaming pag-usapan", sabi ni Jisoo
Tumango yung matanda at napunta samin ang tingin nya "Mga tao! Kasama nyo po ba sila mga mahal na prinsesa?"
"Ah oo... Sila and pitong taong nakaligtas sa mahikang binasbas ni Ursula sa mundo nang mga tao at ngayon tinutulungan namin silang iligtas ang kanilang mundo", ani Rosé
Pagkatapos nun ay naglakad ulit kami. Para makarating sa pinakapalace ay dadaan pa kami ng bridge at aakyatin pa namin ang napakataas na hagdan. Ugh. Rip paa and legs.
"Aakyatin ko yan?!", gulat na tanong ni Brent
"Oo kaya dalian mong gilagid ka", agad na sagot sakanya ni Nayeon
Sumandal sa pader si Brent "Mag-hihintay nalang ako dito"
"Osige bala ka", ani Joaquin at umakyat na
Aakyat na rin sana ako pero hinila ni Nayeon si Brent "Di ah! Unfair ka! Kaya walang balance sa mundo eh"
Wala nang nagawa si Brent kundi sumama kasi hila hila siya ni Nayeon sa tenga. Lol. Gumawa pa ng alibi si eonnie eh alam ko namang gusto nya lang kasama si Brent tsk.
Napansin kong merong estatwa ng anghel na nakatayo sa taas ng dadaanan namin after ng stairs kaya tinanong ko si Rosé about dun.
"Bat may ganyan?", tanong ko sakanya
"That's Angel Cire ang sabi ng iba a monster was about to attach this castle pero sinalba nya ang buhay nya to save Earth Kingdom, that's why tinayo nila ang statue nya as a symbol of protection sa whole country", pag-eexplain nya
Protect the whole country huh? That made me think...
Pano kung kailanganin rin naming ibuwis ang buhay namin para maligtas ang buong mundo?
===============
hehehehe credits sa frend kong sexy sa name na cire HAHAHAHA u knoe hu u ar bishy. Btw Earth Kingdom's palace sa media hohohohoho^^^
BINABASA MO ANG
LOST TIME
FantasyA story of dreams and hope that starts long long time ago 3 important items suddenly disappeared Maybe that's why but the world falls asleep Someone starts a game amid baffling time and space LOST TIME