TZUYU'S POV
"AAAHHHHHHHH!"
"Tumahimik ka! Nagagambala mo ang nga nakatira dito"
"Sorry po sorry po!", panglimang beses na atang sinabi ni Sana yan pagkatapos nyang makakita ng iba't ibang uri ng insekto
Narito kami ngayon sa pinakagitna ng Forest of Magix. Ang sabi ni Princess Marine, ito lang raw ang may kayang maghandle ng kapangyarihan ng Locket of Time kaya ito lang ang posibleng pinuntahan ng Locket of Time.
"Ilang taon nang abandonado ang lugar na ito", sabi ni Princess Marine habang naglalakad kami "Ang huling punta ko dito ay nung bata pa kami ng mga kapatid ko"
May mga hawak kaming torches para makita namin ang daang nilalakaran namin para naman kung may butas hindi kami mahulog.
Katulad ng sabi ni Princess Marine, matagal nang abandonado ang lugar na to kaya malamang sa hindi marami na ring sira dito.
"Omg Tzu, dito na ata ako mamamatay", bulong ni Sana sakin, kanina pa kasi siya sigaw ng sigaw dahil andami naming nakikitang mga insekto, matatakutin pa naman tong si Sana
"Kalma ka lang kasi, kakainin ka wari ng mga insektong yan? Mas malaki ka sakanila girl, hello?"
Napatigil kami sa paglalakad nung bigla ring tumigil si Princess Marine. Anong meron? Mga limang segundo siguro kami nanatiling nakatayo sa same spot.
"Bat po tayo tumigil?", tanong ko pero di ako sinagot ni Princess Marine. Nakatayo lang siya dun na para bang may hinihintay siya.
Hanggang sa nakarinig kami ng malalaking mga hakbang. Bigla akong napaurong, napakapit si Sana sakin.
"This doesn't sound good", narinig kong sabi ni Dahyun
"Mauna na kayong pumunta sa puso ng gubat na to, ako ng bahala sa paparating na halimaw", sabi ni Princess Marine
"Hindi po namin alam kung paano mapunta duon. Princess Marine kami nalang—", naputol ang gustong sabihin ni Jisoo ng biglang yumugyog ang lupa.
Tumingin ako sa baba at nakitang may mga cracks na nabubuo. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang tinatayuan namin ko na nahuhulog. Narinig ko si Sana na nakakapit parin sakin habang sumisigaw, napapikit nalang ako.
Hinintay kong maramdaman na tumama ang katawan ko sa lupa ng malakas pero biglang bumagal ang paghulog ko at dahan dahang naglanding sa lupa.
"Wooh that was close!", minulat ko ang mata ko at nakita si Rose na nakatayo rin malapit samin
Naramdaman ko paring nakakapit si Sana sakin "Omygod omygod omygod"
Tinignan ko siya "Sana, okay na—", napatigil ako ng hindi ko siya nakita sa tabi ko. Pero naririnig ko ang boses nya at nararamdamang nakakapit siya sakin
Kinamot ko ang mata ko at tumingin ulit pero di ko parin siya nakita. Woah. This is starting to scare me ha.
Lumapit si Rose kasama si Ace sakin "Buti nalang nasaktuhan ko kayo", sabi ni Rose
"Nakikita nyo ba si Sana?", tanong ko sakanila
Napakunot sila ng noo at tumingin sa paligid "Hindi man. Bakit? Nakita mo ba siyang nahulog rin dito?", tanong ni Ace
"N-Nararamdaman ko siyang nakakapit sakin...."
"Tzu ano ba?! Tinatakot mo ako", nagulat sila ng narinig ang boses ni Sana "Huy bakit kayo ganyan? Nandito lang ako! Wag nyo nga akong jinojoke ng ganyan!"
"Hindi kami nagjojoke. Hindi ka talaga namin makita!", ani Ace
Napahigpit ang kapit nya sakin "Ano nangyayare?!", nagpapanic nyang tanong
BINABASA MO ANG
LOST TIME
FantasyA story of dreams and hope that starts long long time ago 3 important items suddenly disappeared Maybe that's why but the world falls asleep Someone starts a game amid baffling time and space LOST TIME