21

61 4 0
                                    

TZUYU'S POV

"Bakit naman mapa imbis na kwintas ang nandito?", nagtatakang tanong ni Ace

"Tsaka tignan nyo oh", may tinuro pa siya na butas sa mapa "May butas tong parteng to"

"That might be—"

"Bawal english", pamumutol ni Austin kay Dahyun "Tali talino mo tas yun lang nakalimutan mo pa"

Di siya pinansin ni Dahyun "Siguro isa tong senyas na mali ang napuntahan nating lugar at ang tamang destinasyon natin ay yang lugar kung nasan ang butas"

"Parehas tayo ng iniisip", ani Brent "Nasa Earth Kingdom ang butas kaya may saysay pa rin yung pagpunta natin dito"

"Forest of Magix", napatingin kami kay Irene "Nasa Forest of Magix ang kwintas"

Biglang lumabas ung pangalan na 'Forest of Magix' sa mapa, dahilan para magulat kami.

"Dala nyo kanyan yung mga alicorns nyo?", humarap samin si Jisoo

Nanlaki ang mga mata namin at nagsitinginan kami nang narealize naming naiwan sila sa Lightning Kingdom dahil nagmamadali kaming makatakas.

"Hay balikan nyo nalang pag may time, sa ngayon unahin na muna natin ang locket of time"

Bumalik na kami sa 'guest room' para magpalit sana ng damit na nararapat sa pageexplore pero wala kasi kaming ganun. Sila Lisa meron pero kami wala.

Kaya humiram na muna kami kay Irene, at yung mga lalake humiram sa kung kanikaninong mga lalakeng nakikita nila.

Binigyan rin kami ng mga sandata, sa mga lalake espada habang sa mga babae naman pana.

Pagkatapos maghanda ng lahat ay nagsibabaan kami para magpaalam kay Queen Flora.

"Mahal na reyna", lumuhod na muna kami at tumayo "Kami'y aalis na"

"Bago kayo umalis ay hayaan nyo akong magpadala ng kaunting mga sundalo para tiyak na maging ligtas kayo sa inyong paglalakbay"

Tsk. Kailangan ba talaga? Wala naman kaming sinasabing samahan kami ng mga soldiers nya ah. Ayoko nga. Okay na ako sa kami kami lang.

Tsaka isa pa, kasama naman namin sila Jisoo. Ang lalakas kaya ng magic nila, baka nga imbis na kami yung protektahan kami pa yung magproprotekta.

"Mawalang galang na po mahal na reyna ngunit hindi po namin matatanggap ang iyong alok", sabi ni Jennie "Kaya po namin ang aming mga sarili"

Napaisip muna si Queen Flora bago sumagot "Sige, ngunit kung may nangyare sainyong masama dun ay magbigay senyas kayo"

Tumayo na kaming lahat "Kung ganon po ay aalis na kami para mas maraming oras ang magagamit namin sa gubat"

"Maari na kayong umalis"

Gumamit na muna kami ng mga kabayo para makapunta sa Forest of Magix. Uncomfortable ng para sakin kasi first time kong sumakay sa kabayo nung una akong sumakay kay Dahlia.

Tapos habang tumatakbo pa yung kabayo naiirita ako kasi pataas baba taas baba ako. Kala ko pa naman masarap sumakay sa kabayo. Yun pala hindi.

"Kumapit ka ng mahigpit baka mahulog ka", ani Ace na nasa tabi ko

Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagfofocus sa pagpapatakbo sa kabayo ko ng unti unti na akong nakakita ng mga matataas na puno sa malayo.

"Yan na ba yung Forest of Magix?", tanong ni Sana

"Oo", sagot sakanya ni Jisoo "Yan ang main forest ng magix, yan rin ang pinakamatanda sa mga gubat"

LOST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon