22

19 3 0
                                    

Dinala kami ni Marine sa bahay nya. It wasn't extraordinary or what. Simpleng bahay lang siya na gawa sa kahoy. Medyo spacious and cozy rin sa feeling.

"But still... The fact na may buhay pa sa Fratrem Magna", parang di parin makapaniwala yung apat sa nakikita nila ngayon

Ngumiti si Marine "Masyado lang maaga namatay ang mga kapatid ko", tumawa pa siya

"Malakas pa ho kayo, parang matagal pa po bago tuluyang mawawala ang Fratrem", nakangiting sabi ni Jisoo

"Ano ba kasi yung Fratrem Magna?", bulong ko kay Lisa

"Mga anak sila ni Falkor, sila ang apat na magkakapatid na pinanganak ng may gintong dugo na mapapasa sa magiging anak nila, but unfortunately, isa lang sakanila ang nagkaroon ng anak", sagot niya "Which makes me wonder, may anak po ba kayo Princess Marine?"

Ngiti lang ang isinagot nya sa amin. Bago niya kami isa isang inabutan ng tsaa at umupo sa bakanteng upuan.

"Bakit nga pala kayo narito? Alam kong tumigil ang oras sa mundo nyong mga tao pero ano namang kinalaman ng forest of magix sa nangyare sa mundo nyo?"

"Tumigil po ang oras dahil sa tatlong bagay na ninakaw ni Ursula, hindi nya nakayanan ang kapangyarihan ng tatlong bagay yun kaya ang pinepredict naming resulta ay sumabog at kumalat sa iba't ibang parte ng magix yung tatlong yun, and we received a scroll kung saan namin malalaman ang mga lugar ng bawat bagay", paliwanag ni Dahyun

"Ang tinutukoy po sa unang scroll ay ang Locket of Time na ginawa ni Cronos, ang sabi sa scroll, Locked in the chamber of the creator. Pumunta kami sa kamara nya sa Earth Kingdom pero wala doon. That's when we received the second scroll na pinapapunta naman kami dito", dagdag ni Jisoo

Napaisip muna ng saglit si Princess Marine bago siya magsalita "Ang pupuntahan ng mga bagay na yon ay ang mga bagay rin na kayang hawakan ang kapangyarihan nila", lumiwanag ang mukha nya at bigla siyang tumayo "Mag-handa kayo, talasan nyo ang mga sandata nyo. May pupuntahan tayo, pero bago ang lahat kumain muna kayo"

Tumayo siya at tumingin sakin "Ikaw", nagulat naman ako "Samahan mo akong magluto", nataranta muna ako bago ako sumunod kay Princess Marine sa kusina nya

Ang cute ng bahay niya, normally kasi Kapag ganitong mga tipong bahay sa gubat hindi maayos at sira sira. Pero tong hut ni Princess Marine ay sobrang tino, may kalakihan rin, may dalawang pinto sa gilid ng sala na sa tingin ko ay dalawang magkaibang kuwarto. Di ko nga lang alam kung may cr ba dito, okaya kung nag-ccr ba sila.

Naghiwa ako ng mga iba't ibang klase ng gulay, merong mga pamilyar tulad ng sibuyas at carrots pero karamihan sa mga pinapahiwa nya ay hindi na pamilyar. Di naman siguro nakakalason tong mga to diba? Hindi naman kalaban si Princess Marine diba?

Pinanood ko kung pano siya magluto at nakitang may nilagay siyang kulay violet na likido. Di ko na mapigilan yung sarili ko na magtanong.

"Ano po yan?"

Nilapag nya ang bote nang maubos na ito "Viribus, isang potion na nagbibigay lakas sa sinumang uminom nito"

"Hindi po ba mababawasan yung pag gana nya pag hinalo sa mga pagkain?"

Umiling siya "Mas nadadagdagan"

Napatango tango ako. Pagkatapos nun di na ako nagtanong ulit at pinanood nalang siya mag-luto. Hay nako araw araw may bago akong natutunan, at unti unti akong nasasanay sa mundong to. Sana naman hindi mabawasan yung pagiging tao ko huhuhu.

"Nandyan siya sa loob mo"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng prinsesa "Ano po?"

"Malamang ay hindi mo pa alam kung ano ang ibig sabihin ko sapagkat wala ka pang kaalaman", dugtong nya "Hindi ko maaring sabihin sayo, kailangan mong alamin gamit ang sarili mong pagsisikap"

Okay. Wala akong nagets dun. Kunwari nalang naiintindihan ko talaga siya kaya Tumango tango ako na para bang naenlighten talaga ako kahit na sa totoo ay hindi ko talaga alam kung anong sinasabi nya.

"Salamat sa pag-tulong, mag-handa ka na rin, sumama ka sa mga kasamahan mo", sabi nya habang hinahalo ang niluluto nya

"Sige po"

Umalis na ako dun at pumunta sa labas kung nasaan ang lahat.

"Tzu!!!", lumapit sa akin si Nayeon "Okay ka lang ba? May ginawa ba sayo yung lo-- si princess marine?"

"Wala naman", umupo ako sa tabi ni Sana "Nag-luto lang kami tas yun na yun"

Pinapatalim ng mga lalake yung mga espada nila. Di ko alam kung saan nila nakuha yung ginagamit nilang pampatalas pero meron silang ganon.

"Nakaka-amoy ako ng Viribrus", lapit sa amin ni Rose

"Ah oo, naglagay siya ng ganon sa soup na niluluto nya"

"Ano yun?", tanong ni Sana "Masarap ba yon?"

"Pampalakas daw", maikili kong sagot

Nagpatuloy kami sa pag-kwekwentuhan hanggang sa tinawag na kami ni Princess Marine na pumasok sa loob dahil handa na ang pagkain.

Umupo kami sa hapag kainan, katabi ko si Lisa at si Sana habang katapat ko naman si Ace.

Hinain na ni Princess Marine yung soup na ginawa nya. Tinikman ko iyon at napapikit ako ng mariin sa mata.

"ANG ASIM!!!!", sigaw ni Sana "TUBIG TUBIG!", dali nyang tinungga ang baso na nasa tabi ng mangkok nya at pagkainom nya ay agad nya rin itong tinanggal sa bibig nya at mas lalong napapakit "PATI TUBIG MAASIM!"

Hindi siya nag-oover react. Maasim nga talaga, eto ba yung epekto at ang lasa ng Viribrus?! Akala ko naman masarap yun pala napakaasim! Mauubos ko kaya to?

Tinignan ko sila Jennie at nakitang malapit na nilang maubos yung sakanila at na parang sanay na sila sa lasa nito dahil wala silang pinapakitang ekspresyon na tulad ng sa amin.

Nang naubos na naming lahat yung mga soup namin, lumabas kaming lahat kasama si Princess Marine. Eto na, simula na to ng paglalakbay namin.

LOST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon