THIRD PERSON'S POV
"Mawawala ang Earth Kingdom kung wala na sa Hari, Reyna at Prinsesa ang buhay"
Biglang naalala ni Sana ang nangyari sa Lightning Kingdom "I-Ibig sabihin ba nun wala na rin ang Lightning Kingdom?"
Napataas naman ang dalawang kilay ni Jisoo at nag-taka "Bakit? Natalo ba si Queen Nympha?"
Di nakasagot si Sana dahil di nya rin naman alam kung natalo o kung nag-wagi lang si Queen Nympha laban kay Ursula. Dahil ang nasa isip nya ay madaling natalo ni Ursula si Queen Nympha dahil mas malakas siya.
"Hindi siya natalo Sana"
"Pano ka naman nakakasiguro Jisoo?", tanong sakanya ni Sana nang nakalabas na sila sa gubat
"Nararamdaman ko lang"
Hanggang sa nakarating na silang lahat, kasama ang mga kawal sa palasyo ng Reyna. Pagkapasok nila ay nakita nila si Tzuyu na nag-hihintay sakanila sa hagdan.
Saka lang nakahinga ng maluwag si Tzuyu nung nakita nya ang kapatid at ang mga kaibigan nyang ligtas at wala ni isang sugat, napatakbo siya at niyakap si Nayeon.
"Kala ko may nangyari na sainyo"
Niyakap siya pabalik ni Nayeon "Nukaba malamang pinrutektuhan kami nila Jisoo! Buti nga sila may concern samin yung iba dyan.... Ay basta! Ikaw? Kamusta ka? Bat nag-change outfit ka?", pagpaparinig nya sa mga lalake
"Oo nga Tzu! Bat ka nagpalit?", tanong ni Sana
"Pinagpalit ako ng queen since nasa palasyo nya daw ako dapat pangpalasyo rin daw yung suot ko"
Lumabas ang reyna at lumapit sakanya si Rosé at Jennie para sabihin ang nangyari, matapos nilang sabihin ay pinapasok na sila sa loob para makapagbihid na rin.
TZUYU'S POV
Nakapagpalit na sila Nayeon at ngayon ay nagtipon-tipon kaming lahat sa kuwarto naming mga babae, kasama rin namin sila Jisoo.
"Nasan yung riddle?", tanong ni Lisa
Binigay ni Dahyun yung scroll kay Lisa at binasa nila ng mga kaibigan nya.
"Made by the power of Cronus handed down to man, stored in a piece of jewelry stoled by darkness, locked in the chamber of the creator", malakas na basa ni Jisoo
Napaisip rin silang apat "So isa to sa Crown of Nephia, Locket of time and Dialeum's bracelet?", tanong ni Rosé
"Yeah", sagot ni Dahyun
Nakita kong parang wala lang pake yung mga lalake, kumakanta lang ng mahina si Ace, si Brent nakapikit, si Joaquin nakatingin lang sa malayo habang si Austin nag-aayos lang ng buhok.
"Hoy!", tawag ko sakanila "Wala ba kayong balak tumulong mag-isip?"
Nagtinginan silang apat "Anong—"
"Sabagay wala naman kayong mga utak", pag-putol ko kay Austin
Tumayo siya "Aba naman patapusin mo muna kasi ako! Nag-iisip rin naman kami actually nga alam na namin kung ano yang tinutukoy ng riddle na yan eh"
Nag-kibit balikat ako "Ano?"
"Locket of time", sagot ni Ace na ikinakunot ng noo ko
"And how?", kibit balikat kong tanong
Tumayo siya "Locket of TIME, ang sabi sa riddle 'made by the power of Cronus' na ang God of Time. The book says na after ng battle ni Cronus at Zeus binigay ni Zeus sa mga tao ang oras by giving his father's necklace to Prince Otto which was the ruler of Greece back then. It wasn't confirmed if locket ba yun but in the book sabi that it's connected to Cronus' power which is time"
(A/N: Mga pangalan at yung kapangyarihan lang po ni Cronus ang tutuo dyan HAHAHHAHA)
"Alam mo naman pala eh bat di ka nagsasalita?", ani Jisoo "Anyway so ngayon na alam na natin kung anong bagay ang nasa riddle we need to figure out the other lines"
"Stoled by darkness. Darkness is obviously Ursula", sabi ni Dahyun
Now all that's left is kung saan nakatago ang locket. Saan at ano nga ba ang Chamber of the creator? At sino ang creator na tinutukoy ng riddle? Is it the Cronus yung gumawa nung locket or yung gumawa ng mundo? If yung gumawa ng mundo, yung mga mundo ba ng tao or tong mundo ng mga magicae?
"Lisa", tawag ni Rosé sa kaibigan nya
Napalingon naman kaagad sakanya si Lisa "May gumugulo ba sayo? You seem distracted"
"Kaya nga Lisa anong problema?", tanong naman sakanya ni Jennie
Hindi agad nakasagot si Lisa "It seems like ako lang ang nakaisip", nagsitinginan yung tatlo sa sagot nya
"Ang alin?", tanong pa ni Jisoo
"Hindi ba.... Hindi ba masusunog ang mga katawan ng mga taga Magix kung pupunta tayo sa mga mundo ng mga tao? Panong hindi iyon nangyare kay Ursula? Wala sa Magix ang mga nasabing bagay na ninakaw nya at hindi ba Nayeon sabi mo kaninang umaga na muntikan na kayong mahuli ni Ursula sa mall? Panong hindi siya nasunog?"
Halatang lahat kami ay nagulat sa sinabi nya. Napunta ang tingin ng mga lalake sakanya, nanigas sila Jisoo sa mga lugar nila. Napaisip nalang rin ako kung pano nangyari yun.
I'm not a smart person kaya feeling ko sasabog na yung utak ko. Ang daming tanong sa isip ko na di ko alam kung anong uunahin kong tanungin. Like how can the Roman Gods of Earth be connected dito sa Mundong to. Panong hindi nasunog si Ursula the moment na tumapak siya sa mundo naming mga tao? Bakit yung mundo pa namin ang napili nya? Bat hindi nalang yung sarili nyang mundo?
"Argh! Nakakabaliw naman to' sana kasama nalang rin ako sa mga nanigas", napahawak si Sana sa ulo nya
"Mag-focus na muna tayo sa riddle, makukuha rin natin yung mga sagot sa ibang tanong na nasa isip natin in time for now dyan na muna tayo sa riddle", sabi ni Brent
Tumango kaming lahat sa sinabi nya. Kailangan na nga muna namin mag-focus sa isang bagay at yun ay ang iligtas namin yung mundo namin.
"Sino ba kasing creator yung sinasabi?", kinuha ni Nayeon yung riddle kay Jisoo "Uhm Lisa sinong gumawa ng mundo nyo?", tanong nya sa katabi nya
"Si King Falkor", sagot naman ni Lisa "But patay na siya"
"Saan ang homeland ni Falkor?", nakatanggap ng malakas na batok si Brent mula kay Jennie
"Respetuhin mo yung pangalan nya pag may nakarinig sayo mapaparusahan ka", mahina nyang sabi "But sa Earth Kingdom ang homeland nya.... With his children"
Tumango si Brent "Good magpahinga na kayo we'll leave at twilight"
BINABASA MO ANG
LOST TIME
FantasyA story of dreams and hope that starts long long time ago 3 important items suddenly disappeared Maybe that's why but the world falls asleep Someone starts a game amid baffling time and space LOST TIME