20

94 7 2
                                    

"Walang magandang idudulot ang pagiging negative", napalingon ako sa sinabi ni Ace

Nag-katitigan kaming dalawa ng mga 5 seconds bago kami tinawag nila Sana na sumunod na rin sakanila sa taas.

Ang weird talaga. Parang may nararamdaman ako na hindi ko mapaliwanag, di ako mapakali tas naiihi pa ako! Wala naman yung crush ko dito ah! Bat nagkakaganto ako?!

Pagkatapos namin umakyat ay may sinabi si Lisa "Wag kayong magiingles"

Ah oo nga noh. Ngayon ko lang rin napansin, bat marunong mag-english yung mga tao dito?

Pumasok na kami sa loob at habang naglalakad ay nagkwekwento ni Lisa "Dati kasi malaya pang nakakalabas pasok ang mga magicae sa mundo nyong mga tao kaya yun naadapt na pati yung mga salita nyo"

"Eh bat bawal dito?"

"Si Queen Flora kasi ay masyadong loyal sa sariling lahi ayaw nyang gumamit ng ibang language maliban sa original language ng Magix", tumigil kami sa paglalakad sa isang throne room nanaman pero wala pang nakaupo sa throne

"Hala wala yung queen sige ako na muna yung uupo", pagbibiro ni Nayeon "Joke lang baka gawin akong lupa nung queen"

Bigla kaming may narinig na yapak pababa at maya maya ay nakita na namin ang reyna na pababa sa hagdan. Nag-bow kaming lahat pagkaupo nya sa trono nya.

"Magandang araw sainyo mga binibini at binata ano ang rason nyo at naparito kayo sa kaharian ng kalikasan?", okay. it's been so long since nakarinig ako ng ganitong tagalog

"Magandang araw rin sainyo Reyna Flora. Naparito kami sa inyong kaharian dahil nais naming hanapin ang isa sa tatlong bagay na ninakaw ni Ursula", sabi ni Jennie "Humihingi po kami ng inyong permisyon para malayang gawin ng mga taong ito ang kanilang misyon"

"Nasa propesiya ang pangyayaring ito", sabi nya "Kaya't isa sainyo ay ang anak ng aming pumanaw na hari na si Hari Cormac at ang kanyang kabiyak na si Reyna Camellia"

"Isa sainyo ang magiging reyna at bilang pansamantalang tagapangalaga ng korona ay ako rin ang magpapasa sa koronang nasa ulo kong ito", nakangiti nyang tugon "Pinapayagan ko kayong ipagpatuloy ang misyon ninyo sa kaharian ng kalikasan"

Sabay sabay kaming nagbow "Maraming salamat po mahal na reyna", sabay sabay naming sigaw

"Walang anuman", inangat na namin yung mga ulo namin "Ngunit ibig kong malaman ang pangalan ninyong walo"

"Ah wala pong problema! Ako po si Joaquin", unang nagpakilala si Joaquin

Sunod naman si Austin "Ako po si Austin"

"Magandang araw po ako po si Ace"

"Ako si Brent", plain na sabi ni Brent

Binatukan ni Nayeon si Brent "Pag-pasensyahan nyo na po ang alaga kong hayop na ito. Sadyang wala po talaga siyang respeto", natawa si Queen Flora "Pero ako po si Nayeon"

"He— Magandang araw po ako po si Sana"

"Ako po si Tzuyu"

"Ako po si Dahyun"

"Masaya akong muling makakita ng mga tao.....Ramon", lumapit yung lalakeng sumalubong samin kanina "Ihatid mo sila sa kanilang silid"

Tumango si Ramon "Masusunod po mahal na reyna", nag-bow muna siya bago lumapit samin at sinenyasan kaming sumunod sakanya

Pagkadating namin sa kwarto namin ay di na ako nagulat nang makitang malaki yon. Mas malaki nga ato tong room na to kesa dun sa tinulugan namin sa Lightning Kingdom.

LOST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon