8

219 22 2
                                    

KINABUKASAN

TZUYU'S POV

"Sige Austin pag ikaw bumalik dito ihahampas ko sayo tong pintuan", binagsakan ko siya ng pinto at bumalik na sa kama "Bawalan mo nga yang manlalande mo! Ang kulit kulit"

*tok tok tok tok

Napasigaw nalang ako sa sobrang irita at binuksan ang pinto "Putangina mo naman Austin oh! Wala ka bang tenga ha? Gusto mong pahiramin kita? Letche"

"Austin patahimikin mo ako please, kahit ngayon lang", sigaw ni Dahyun

"Tabi lang naman tayo eh... Wala namang mali dun", hinampas ko kaagad si pandak sa sinabi nya

"Ang liit liit mo na nga ang lande lande mo pa!", pinagsisipa ko siya "Nasa pamamahay kita tandaan mo yan"

Pagkasara ko ng pinto ay tumawa si Dahyun kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tignan mo, may sakit na nga tas nakukuha pang tumawa.

Siguro para sa mga lalake, o kaya sa mga di nya kaclose ang cold nya. But when she's with us lagi yang tumatawa. Kaya napagkakamalang tanga minsan. Char.

Ayaw nya lang talaga sa mga strangers since hindi siya ganon nakikipaginteract sa mga tao,and most of all ayaw nya sa mga malalandi. Kaya sorry nalang kay Austin pero wala na siyang chance. Di pa siya nag-sisimulang manligaw pero basted na siya

"Tzuyu", narinig kong tinatawag ako ni Ace

Wala pa akong 2 minutes na nakaupo tas tatayo nanaman ako. Kengeneng mga lalake yan.

"Ano?!", tanong ko pagkabukas ko sa pinto

"Di pa kayo gutom? Nag-luto sila dun sa baba"

Humarap ako kay Dahyun "Dahyunieeeee gusto mong kumain?"

"Busog pa ako sige kayo nalang", tinakpan nya yung mukha nya ng kumot "At please wag nyong hahayaang umakyat si Austin"

"Sige putulin ko nalang yung paa", lumabas na ako at sinara yung pinto "Anong niluto nila?", tanong ko ng mag-simula na kaming mag-lakad

"Carbonara at beef steak lang", sagot nya

Napakibit balikat ako "Hula ko walang lasa"

"Uy hindi ah! Baka nga imbis na sakin ka mainlove sa niluto ko pa"

Sinipa ko siya ng mahina "San ka nakakitang taong nainlove sa— AHHHHHHHH", napasigaw ako ng muntikan akong madulas pababa sa hagdan pero buti nalang nahawakan pa ako ni Ace

Hinila nya ako pabalik sa pagkakatayo, okay na nga sana pero masyado siyang close kaya tinulak ko siya pagilid "Lumayo ka nga sakin"

Nauna akong bumaba at dali daling pumunta sakin sila Sana at Nayeon.

"Anong nangyare sayo? Bat sumigaw ka kanina?!", tanong ni Sana

"Muntikan na kasi akong mahulog sa hagdan"

"Ah? Eh bat di natuloy?", gusto ba nyang matuloy? Aba.

"Si Ace kasi hinila ako—"

"At sakanya ka nafall? OMYGAD YIEEEE"

Umiling iling nalang ako ng mabagal "Bala ka jan lakas ng tama mo", pumunta na ako sa dining room at nakita ko yung iba na nakaupo na duon at kumakain

Inabutan ako ni Ace ng plato tsaka ng spoon and fork "Oh yan para di ka na mapagod", inikutan ko siya ng mata at kumuha ng carbonara, wala kasi ako sa mood mag beef steak

Umupo ako sa tabi ni Sana "Nasan di Dahyunie?", tanong nya at napansin kong tumingin si Austin sa direksyon namin

"Nag-papahinga sa taas, lumala nga yung condition nya kasi diba ayaw nya sa mga taong malalaki yung bibig, maingay at makulit? Ang epal kasi nung isa dyan", pagpaparinig ko kay Austin "Sana yung taong yun nalang yung nagkasakit"

"Anong pangalan nung epal?", nakangising tanong ni Nayeon

"Austin................. Alam mo ba yung pangalan?", hindi siya sumagot, tumayo lang siya, nilagay ang plato sa sink at umalis na "WAG KANG MANGUGULO DYAN AUSTIN HA!!", pahabol kong sigaw

"Hala kayooooo galit na si Austin", parang batang sabi ni Joaquin

"May pake kami? May pake kami?", ani Nayeon "Bala siya dyan hayaan nyo siya"

Biglang tumayo si Ace at pumunta sa may swimming pool. Nagtataka namin siyang tinignan kasi parang may ginagalaw siya dun kaya nagsitayuan kami para tignan kung anong ginagawa nya.

Pagkarating namin dun, griller lang pala.

"Kala ko naman kung ano ng nahanap mo dyan!", sabi ni Sana "Oh anong gagawin mo dyan kanyan?"

"May barbecue kayo? Okaya hotdog?", tanong nya sa amin

Ahhh so mag grigrill siya? "Meron, mag-grigrill ka noh?"

Tumango siya "Oo"

"Perfect! Mag-swimming na rin kaya tayo! Mas fun pag ganon", pag-susuggest ni Nayeon

"Sige sige, hihiramin namin yung mga pang-swimming ng kuya nyo ha", paalam nila Joaquin at Brent

"Nagpaalam pa kayo eh yang suot nyo ngang damit di niyo pinagpaalam"

Nagsiakyatan kami para mag-bihis. Kaming mga babae nagtipon tipon sa kuwarto ko, sumama na rin si Dahyun samin pero hindi daw siya maliligo kasi baka mas lumala pa yung sakit nya. Tutulong nalang daw siyang maggrill.

Pagkababa namin nandun na yung mga lalake na nagswiswimming. Si Ace yung nag-grigrill. Tas si Joaquin at Brent nasa pool naglalaro.

Nasan si Austin?

Pinuntahan ko si Ace habang si Sana at Nayeon nagswimming na at si Dahyun nag-cr muna saglit.

"Si Austin?", umupo ako sa harap nya

Binigyan nya akong isang hotdog "Oh... Si Austin? Nasa taas"

"Galit ba talaga?"

Umiling siya "Nagsasawa na daw siya na laging hindi pinapansin ni Dahyun... Hindi daw kasi siya kinakausap in a good way. Kaya yun nagpaiwan sa loob"

"Ang bilis naman nya sumuko haha. Pero sabagay, ganun at ganun lang rin naman ang iaasal ni Dahy sakanya eh"

==============
Short update :(((

Kawawa naman po si Austin aww.

LOST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon