Note: Hello :3 Ang tagal ko na ding hindi nag-UD. Pasensya na kayo. XD Di ko alam kung kailan ang sunod sa part 2 nito, sinipag kasi ako ngayon at free din ako ngayon. Kaya eto ang sunod na chapter :) I will try na mapost ang sunod na chapter dito mamaya. TRY lang po kapag kinaya kong matype mamaya ay ipopost ko agad. At kapag naipost ko na ito hindi ko na alam kung kailan ang sunod doon. Salamat sa pag-intindi :)
---
(Third Person's POV)
Lahat ng mga estudyante sa infinite academy ay sobrang busy na sa kadahilanang bukas na ang pinaghahandaan nilang festival. Sa umaga magaganap ang mga booth at games, sa gabi naman ng araw na ito magaganap/ mangyayari ang concert nila. Habang ang lahat ay busy sa paghahanda sa festival na gaganapin, sa elementary department ng Infinite Academy ay may nagaganap na kakaibang pangyayari kung saan sina Chesca at Luis na parehas bata pa ay nagliligawan na. Pero kahit na ganito ay hindi pa nila alam ang talagang kahulugan ng pagliligawan. Masyado lang silang malapit sa isa't-isa. Dahil parehas nilang crush ang isa't-isa.
"Chesca! Sandali lang. Wag mo bilisan ang pagtakbo mo." Sigaw ni Luis na pagod na pagod na sa paghabol kay chesca sa garden ng elementary department.
"Bilisan mo kasi. Magpapahinga din tayo mamaya. Saka ang saya tumakbo dito. Ang daming bulaklak tas ang lambot lambot ng grass. Haha" Sagot naman ni Chesca dito. Kaya naman hindi na ininda ni Luis ang pagod niya at agad siyang tumakbo papunta kay Chesca at Binack hug ito bigla.
"Waaa! Luis wag mo'kong yakapin :3 Pawisan ka pa."
"Haha. Wag mo na lang pansinin." Sagot ni Luis at nagkulitan na lang sila ng nagkulitan ni Chesca sa Garden.
Habang nagkukulitan sila Chesca at Luis sa garden balisang balisa naman si Caroline na kasalukuyang nasa kwarto niya. Naalala na niya kasing lahat pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Briar ito. Dahil si Briar na kanyang hinahanap ay MIA pa. Missing in action. Kung saan saan na niya ito hinanap pero hindi niya pa din ito makita. Tinatawagan niya pero cannot be reach ito. Kaya naman naisip nito na siguro kasama nanaman nito si Cindy at nakikipaglandian na nanaman siya.
"Damn you,Briar." Sambit ni Caroline habang nakahiga siya at ibinato ang unan siya sa may pinto. Hindi nito maiwasan ang di magselos sa kadahilanang naaalala niya na kasal sila ni Briar at anak nila si Baby Blue. Kung paano niya nalaman ang lahat? Eto ang flashback.
Flashback..
"Kamusta na si Caroline?" Tanong ng ina ni Dianna sa ina ni Kiara.
"Okay lang. Ganun pa din. Malimit sumakit ang ulo niya pero wala pa rin naman siyang naaalala tungkol sa nakaraan niya."
"Mabuti naman kung ganun. Kung hindi masisira ang plano natin. Hindi niya dapat maalala na asawa niya si Briar at may anak sila."
"Alam ko yun. Hindi ako papayag na malaman niya yun." sagot ng ina ni Kiara. Ang hindi nila alam ay narinig sila ni Caroline na kasalukuyang nasa may pinto lang ng kwarto kung nasan sila.
End of Flashback.
Habang nagkakaganun si caroline hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa Academy. Busy ang lahat ng mga tao sa academy ngayon lalo na ang mga magpeperform sa concert. At sa kabila ng kabusyhan ng mga tao dito hindi nila naiwasan ang magulat kay Antonette. Dahil ang baklang Antonette na nakilala nila ay isang lalaki na ngayon. Kilos lalaki ang Antonette a.k.a Antonio Simon na kilala nila. At lahat ng mga kaibigan nito ay nagtataka sa pangyayaring yun. Tanging si Cynthia lang ang hindi nagulat dahil siya lang ang nakakaalam kung bakit ganito ang kilos ngayon ni Antonette. Dahil ang dahilan kung bakit naging lalaki na uli si Antonio ay dahil sa babaeng nanakit dito noon at ang dahilan din kung bakit nagpanggap na bakla si Antonio. Kahit nasasaktan si Cynthia sa pangyayaring ito ay hindi nito pinapahalata na nasasaktan siya.
"Wow lalaking lalaki ka na ah,Antonio. Haha." - Mary.
"Naseduce ka na ba ni Cynthia kaya ka tumuwid ng landas,Antonette? Haha. Tutuwid ka din pala e. " sambit ni Calvin.
"Pwede tigilan niyo ako? Tss -_- " Inis na sagot ni Antonette/Antonio sa kanila. Pero sa halip na sagutin nila ito ay tumawa nalang sina Calvin.
"Nga pala nakita niyo ba si Cynthia?" Tanong ni Antonette sa kanila.
"Bakit mo hinahanap? Miss mo no?" Pang-aasar na tanong ni Calvin.
"hindi e. Kanina pa nga din siyang wala dito e." Sagot ni Mary sa tanong niya.
"Ah. Okay. Sige salamat." sabi ni antonio at pagkatapos ay umalis na muna ito para ituloy ang mga kailangan niyang gawin.
Si Cynthia naman sa kabilang banda ay nasa amusement park lan gupang magpalipas ng oras. Dahil sa halip na sa bar siya magpunta at doon magmukmok mas pinili niyang sa amusement park na lang pumunta at doon magsaya kahit papano. Sa gitna ng pag-iisip niya ng sobra di niya napansin na may lumapit sa kanya at kanina pa siyang tinatanong pero hindi siya sumasagot dahil sa may malalim siyang iniisip. Saka palang niya napansin na may tao sa tabi niya ng sigawan siya nito. Pagkatapos siya nitong sigawan ay nabuhay ang diwa nito at nag-usap sila. Ito na ring taong ito ang nakasama ni Cynthia sa buong araw para magsaya.
Habang nagsasaya si Cynthia at busy ang iba sa academy sila Francis at Ingrid naman ay nagdedate. Inaya ni Francis magdate si Ingrid dahil ng kailangan daw niya bumawi dito lalo na at pinagselosan nito ang kama niya. Palagi na lang daw kasing natutulog si Francis at ang kama nito na lang ang palagi nitong kasama at hindi si Ingrid. Kaya naman bumabawi o babawi si Francis kay Ingrid para makabayad sa mga araw na hindi niya ito nakakasama. Kung saan saan sila pumunta at kinalimutan na muna nila ang problema na meron sila. Nagpakasaya silang dalawa sa date nila. Ginawa nilang dalawa ang date na hindi pa nila nagagawa noon. At dahil nga doon ay natuwa si Ingrid at pinatawad nito si Francis sa mga nagawa nito noon na pagdeadma sa kanya dahil sa palagi na lang itong tulog tuwing mag-aaya si Ingrid ng date sa kanya.
Habang busy naman ang lahat sa kanikanilang mga ginagawa. Sila Dale at Kiara ay kakatapos lamang magpractice para sa gagawin nilang performance mamaya sa concert.
"Eto tubig. Alam kong napagod ka sa kakapractice natin." Alalang sabi ni dale kay kiara. Agad namang tinanggap ni Kiara ang tubig na ibinibigay sa kanya ni Dale at nagpasalamat ito dito.
"Thanks." Sagot ni Kiara.
"Umuwi ka muna sa inyo. Kumuha ka ng mga gagamitin mo mamaya. Wag kang malelate mamaya ah? Saka kumain ka din. Bawal magskip alam mong ayaw kong nag iskip ka."
"Opo. Alam ko yun. Wag kang mag-alala. Sige uuwi na muna ako. Thanks Dale." Sagot ni kiara saka nito hinalikan si dale sa pisngi at umalis na ito.
Habang naglalakad si Kiara ay tuwang tuwa ito dahil sa mga ginagawa ni Dale sa kanya. Napakamaalaga ni Dale sa kanya ngayon at ramdam niyang mahal siya nito kaya naman sobra na lang ang saya niya. Pero ang di niya alam ay pagpapanggap lang ni Dale ang lahat dahil ito ang plano nito para maipaghiganti si Adriana sa mga binabalak ni Kiara dito.
Tiniis ni Dale ang ilang araw na di pagpansin sa Anae niyang si Adriana at ang ilang araw din na di niya pagpaparamdam at ang di niya pagbisita dito. Tiniis niyang lahat yun para lang kay Kiara. At sa plano niya. Pero pagkatapos ng lahat ng gagawin niyang paghihiganti ay lalayuan na niya si Kiara at babantayan at aalagaan na niya ang Anae niyang si Adriana kahit na alam niyang ang kapatid/Kuya niyang si Kent ang mahal nito. Dahil alam nitong kapag nalaman niyang pinagkasunduan lang siya ni Kent at ni Kiara ay masasaktan pa din ito. Kaya kailangan niyang gaiwn ang lahat para lang maalagaan at hindi masaktan si Adriana.
BINABASA MO ANG