Chapter 20: The Festival

78 2 0
                                    

(Third Person's POV)

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng mga estudyante ng Infinite Academy at lahat ay nag enjoy sa iba't-ibang mga booth sa Infinite Grounds. Yung iba na magpeperform ay naghahanda na para sa gagawin nila sa kadahilanang malapit na ang oras ng concert nila. At habang nangyayari ang paghahanda magkasama sina Caroline at Dianna na naglalakad para hanapin si Kiaralyn. Habang naglalakad ang dalawa nakasalubong nila si Briar.

Nagtitigan lang sina Caroline at Briar. Walang imikan, walang batian at ni walang ngitian. Awkward kumbaga.

"Tara na,Carol." Aya ni Dianna kay Caroline na kasalukuyang nawala sa kanyang sarili. at agad nitong hinala palayo si Caroline. Samantalang si Briar naman tinignan lang sila lumayo.

(Kent's POV)

Kailangan ko ng sabihin kay Kiara na hindi ko na itutuloy yung napagkasunduan namin lalo na ngayon na mahal ko na talaga siya. Hindi ko kayang saktan siya. Di ko kaya na saktan si Adriana dahil lang sa pinagkasunduan namin siya ni Kiara. Nung una aaminin ko ang goal ko naman talaga ay gawin yung pinagkasunduan namin ni Kiaralyn pero ngayon iba na e. Nag-iba yung feelings ko. Di ko akalain na mamahalin at mahuhulog ang loob ko kay Alexa.

Kanina ko pang hinahanap si Kiara pero hindi ko siya makita tinanong ko na din sila Caroline kung nasaan siya sabi nila umuwi muna daw saglit kanina pa kaya baka naman daw nasa dressing room ito ngayon. Kaya pinuntahan ko siya sa dressing room at ayun nga andun ito. Kaya kinausap ko siya agad. Pero pagkapasok ko sa dressing room niya ngiting nakakaloko ang sinalubong niya sakin.

"Kamusta Kent? Hindi mo pa siguro nakakalimutan yung kasunduan natin." wika niya.

"Oo hindi ko nga nakakalimutan. At nandito ako para dun."

"Nagawa mo na ba kaya ka nandito?"

"Hindi pa. Nandito ako para sabihin na wag na nating ituloy yung plano. Ayoko na Kiara. Hindi mo din naman ako mahal di ba? Si Dale ang mahal mo. Kaya tama na. Mahal ko si Alexa at di ko siya kayang saktan." Seryoso kong sabi sa kanya. Pagkatapos nun lumapit siya sakin at..

*PAK!*

Sinampal niya ako ng malakas.

"Don't mess up with me Kent. Ayoko sa lahat yung hindi tumutupad sa kasunduan kaya kung ayaw mo nang ituloy ang plano sige pero hindi mo maiiwasang hindi siya masaktan" Sagot niya sa akin na may ngiting nakakaloko.

(Dale's POV)

Asan na ba si Kiara? Bakit hanggang ngayon wala pa siya? Kanina pa akong naghihintay sa kanya dito pero wala pa din siya. Nag-uumpisa na yung concert at kami na yung susunod na magpeperform pero wala pa siya. Tss.

"Mr. Young after 5 minutes kayo na yung magpeperform. Where's your partner?" sabi sakin nung staff.

"Wala pa po e. Kanina ko pa pong hinihintay."

"Pakicontact mo na siya. Kailangan nandito na siya."

"Sige po." sagot ko. okay sana kung nakocontact ko e. Kaso ring lang ng ring yung phone. Tsk. Pano na?

"May problema ka ba,Kuya BF?" rinig kong may nagtanong sakin mula sa likudan ko. At hindi ako pwedeng magkamali kung sino yung nagsalita na yun. Kilalang kilala ko ang boses na yun at siya lang yung tumatawag sakin ng Kuya BF.

"Ah. Wala naman,Anae. Wag kang mag-alala" sagot ko sa kanya saka ako humarap sa kanya at ngumiti.

"Ah. Buti naman." Sagot niya at saka ngumiti. Napaiwas naman agad ako ng tingin sa kanya. Nakaayos uli kasi siya e. Tsk.

The Heiress Fall and The Brothers Conflict (Slow Updates&On Major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon