CHAPTER 8

1K 22 0
                                    

Chapter 8- New Life.

Kaye's POV:

"Ilang hours ba yung byahe?" Tanong ko kay Copper, kaso imbis na sagutin ako.. Nag suot siya ng shades sabay natulog na siya.

Sabi ko nga kakausapin niya lang ako kapag nandiyan sila Dad. Psh.

Nasa err.. Eroplano na kami at sigurado pag gising ko nasa America na ko.

.

"Gisingin mo na si Kaye, Copper."

O___O

"Kaye, wake up now." Rinig kong bulong ni Copper sa tainga ko at mas hinigpitan niya ang yakap niya sakin.

The hell. Kill me now.

Agad kong nilibot ang mata ko sa paligid..

"After 5 minutes, lalapag na ang eroplano." Sabi ni Dad kaya napalingon ako sa likod.

5 minutes? So, nasa  USA na kami? Kyaah!

"Dad? Saan na tayo ngayon?" Tanong ko ng nasa labas na kami ng Airport dala dala namin ang mga bags namin, ang dami naman kasi ng dala ko.

"Wait, sabi niya nandito siya e-- There she is!" Hiyaw ni Dad kaya napalingon kami sa tinuturo niya.

"Ate? Kyaah! Ate Ver!" Sigaw ko sabay takbo papunta kay Ate Ver.

"Woah! You're so pretty Ella!" Sabi ni Ate Ver at niyakap ako.

"Ate naman! Ella pa din tawag mo sakin!" Sigaw ko, Viella first name ko kaya tawag niya sakin Ella.

"Bakit?! Tawag mo pa din naman sakin Ver ah! Sabi ko Nica na lang!" Sabi niya.

Siya si Nica Silvery Bautista, Guess what? Ate ni Copper! Ang cute ng mga names nila! Silver, Copper at syempre ang bunso nila na si Bronze, nung una Crush ko din si Bronze kaso bata pa haha.

"Oo na! Ate Ver! " Sigaw ko kaya kumunot ang noo niya at binaling ang tingin kay Copper na katabi ko.

"Sup, Copper?" Sabi ni Ate sabay pat sa shoulder ni Copper kaya naningkit ang mata ni Copper at iritang lumayo kay Ate Nica.

"Psh. Arte mo!" Sigaw ni Ate sabay pisil sa pisngi ni Copper "Naruto." At pagkarinig ni Copper sa salitang Naruto agad nanlaki ang mata niya at.

"Diba sabi ko ayokong tinatawag mo kong Naruto?" Ayan, nagtatagalog na naman siya. Ano bang meron sa Naruto?

"Bakit Naruto ate?" Tanong ko, ngumisi si Ate at.

"Hahaha! Kasi syem--"

"Fck! Shut up Nica!-- Aww! What was that for?!" Hiyaw ni Copper sabay himas sa ulo niya, himapas kasi ng payong ni Ate haha.

"Ate mo 'ko! Tawagin mo kong Ate!" Sigaw ni Ate Nica kaso nanatiling tahimik si Copper at naka tingin sa paligid habang naka cross arms.

"Psh." Sabi na lang ni Ate at tumingin kila Dad,

"Dad, tara na sa bahay. Iwan na lang natin dito si Copper!" Sigaw ni Ate Nica at inirapan si Copper, Si Copper naman sinamaam lang ng tingin si Ate.

Haha! Ang kulit talaga ng magkapatid na 'to! Lagi na lanh silang ganyan parang mga bata, lalo na si Copper.

Lagi kong naalala si Copper kay Ate Nica, paano ba naman? Magkamuka sila! Parang girl version ni Copper si Ate Nica, parehong pareho sila kaso nga lang kahit ano pang pagkapareho ng mata nila, may iba pa din. Ang nga mata ni Ate Nica ay masaya samantalang ang kay Copper ay emotionless, blanko ang mga titig nito habang ang sa ate niya naman ay puno ng kasiyahan. Kailan kaya magiging masaya si Copper?

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon