CHAPTER 5

906 29 1
                                    

Chapter 5- Runaway.

"Kaye, Wedding ring ba to o hindi?"

"Oo."

"Ka-kasal ka na?" Nag tatakhang tanong niya kaya mas lalo akong yumuko.

"O-oo." Sabi ko "Ha-hans, mamaya na ko mag eexplain--" napatigil ako sa pagsalita ng bigay niya sakin ang bag ko at mabilis na naglakad palayo.

Ang tanga ko, argh!! Dapat sinabi ko na sakanya ng una pa lang kaso. Mas inisip ko ang sarili ko, naasar ako sa sarili ko!

Wala akong ganang bumalik sa table ko, parang gusto kong umiyak.

"Kaye?"

"Ay umiyak!" Nabigla ako kay Francis!

"Anong umiyak?! Ano na namang problema mo Kaye." Sabi ni Francis at lumapit sakin, huminga muna ako ng malalim at.

"Nakita niya ang Wedding Ring ko, nalaman niya na din na kasal na ko. Francis hindi ko na alam gagawin ko gusto ko pa siyang makasama ayokong layuan niya ko" maluha luha kong saad, kahit kakikilala lang namin ni Hans gustong gusto ko na siyang makasama palagi.

"Gusto mo siyang makasama? Edi hiwalayan mo muna si Copper." Pagkarinig ko niyan.

"Ano?!" Sigaw ko, hindi ko kaya yun.

"Bakit? Gusto mong makasama yung tao eh may asawa ka ngang! Hindi ka pinapansin!" Sabi ni Francis at pinandiinan niya talaga ang 'hindi ka pinapansin'

"Pero, mas hindi ko kayang mawala si Copper--"

"Hay ewan ko sayo Kaye! Bakit ba gustong gusto mo si Copper! Eh wala nga sabi siyang pakielam sayo! Nandiyan na nga si Hans oh! Papakawalan mo pa!" Sigaw ni Francis, mabuti na lang wala pa yung iba naming ka officemate, kung di.

Napasubsob na lang ako sa table ko hindi ko na alam ang gagawin ko.

.

Tapos na kami ngayon sa trabaho namin, nag uuwian na kami ngayon kasabay ko sila Francis at Bryan sa paglalakad.

"Frans, mauna na kayo." Sabi ko kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Bakit?"

"Aantayin ko lang si Hans, mag papaliwanag lang ako sakanya." Sabi ko at agad naman silang tumango

"Sige, ingat ka na lang." Sabi ni Bryan at umalis na sila habang ako naiwan, umupo ako sa upuan na kahoy at nasa harap ko ang napakalaking fountain, ang ganda lang. Malapit din ako sa parking lot kaya naman makikita ko agad si Hans.

Maya maya, nakita ko na si Hans nag lalakad mag isa papunta sa kotse niya.

Bago siya makapasok sa kotse..

"Hans!" Sigaw ko kaya napalingon siya sakin at halatang gulat na gulat siya.

Tumakbo ako palapit sakanya at "Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko nasa harap ko na ngayon si Hans medyo nakatingala nga lang ako pagkausap siya dahil matangkad siya.

Umiwas muna siya ng tingin at "Sige, saan--"

"Ako nang bahala kung saan, kotse ko na lang ang gamitin ko." Sabi ko hindi naman siya nakatanggi at sinarado ang kotse niya at sumunod sakin papunta sa kotse ko.

Tahimik lang kami ngayon sa loob ng kotse, nakatingin lang siya sa daan habang ako ay busy sa pagdridrive,  hindi ko pa din alam kung saan ko siya dadalhin ngayon.

Hans Grey Villamour's POV:

"Dito tayo mag-uusap?" Takhang tanong ko pagkababa ko sa kotse.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon