CHAPTER 13

912 18 4
                                    

   

      CHAPTER 13: DON'T MAKE THE BLOOD BOIL. 


"Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?"

"Oo Kaye, bakit hindi mo tanungin asawa mo?!" napayuko na lang ako, pinili kaya siya ni Copper? akala ko ba...  nagkaka-ayos na kami? ang gulo niya.

"Mag-usap na kayo. sige ah! CR muna ako." sabi ni Francis at umahon sa swimming pool, iniwan niya kong mag-isa dito.

"Problema mo?" nabigla ako ng may magsalita sa gilid ko, pag lingon ko nakita ko si Hans may hawak na baso ng alak.

"Anong kailagan mo?"

"Haha. wala, gusto lang kitang makausap." medyo tipsy na siyang maglakad, bumaba siya sa swimming pool at tumabi sakin.

Giniginaw na din ako dahil kanina pa ko nakababad sa tubig.

"Birthday na birthday mo pero parang hindi ka nag e-enjoy, anong problema Kaye?" sambit niya at nilagok ang natitirang alak sa baso niya.

"Si... Copper kasi." nakita ko naman siyang ngumisi.

"Copper na naman."

"Si Megan kasi ang bagon--"

"Acting CEO sa kompanya mo? nung una nagtaka din ako, hindi ko din alam kung bakit siya ang pinili ni Copper."

Napayuko na lang ako, nasasaktan ako kasi parang feeling ko may namamagitan na naman sakanilang dalawa.

Agad lumapit sakin si Hans at inakbayan ako, lasing na talaga siya.

"Alam mo Kaye, kung ako na lang ang minahal mo hindi ka sana mag kakaganito."

"Hans, lasing ka na. bitawan mo ko." sambit ko at pilit kumakalawa sa pag kakaakbay niya sakin.

Damn, lasing na talaga siya.

"Hindi ako lasing Kaye, alam mo namang gusto kita diba?" sabi niya at tinanggal ang pag kaakbay sakin, agad naman niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at iniharap ako sakanya.

"Naalala ko sayo si Ella." sabi niya at mas lumapit sakin.

E-ella?

"Si-sinong Ella?"

"Yung taong mahal ko." pagkatapos niyang sabihin yan, agad niyang hinawakan ang bewang ko.

"I love you Ella." bago pa ako makalayo sakanya, hinigit niya ang bewang ko sakanya at hinalikan ako.

Shit, he kissed me!

Hindi ako maka-atras dahil ang lakas niya! hawak niya ang bewang ko shit lang.

Pagkatapos niya kong halikan nakatulala pa din ako, what just happened?!

"Ella, comeback to me."

Ako ba yung sinasabihan niyang Ella?! may Ella ako sa name ko galing sa 'Viella' pero pano? bakit Ella tawag niya sakin? ako ba yung Ella o akala niya lang ako si Ella na kilala niya?.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon