CHAPTER 11

1K 17 0
                                    


CHAPTER 11: 2ND ANNIVERSARY
[AT PARIS]

Kaye's POV:


"Where we go next?" Tanong ni Copper pagkalabas namin ng shop.

"Hmm." Nagisip pa ko ng gusto kong puntahan,

"Kumain muna tayo." Sabi ko na agad niyang tinanguan, sasabihin ko sanang manood kami ng sa Theatre, kung saan live silang maga-act may special guest din kasi mamaya, some kind of popular artist nowadays.

Magkahawak kami ng kamay ni Copper habang naglalakad sa Paris, sa kabila kong kamay nandun ang mga shopping bags na binili ko para pasalubong ko sakanila pag-uwi, may dala din si Copper na binili niyang pagkain.

Pumasok kami sa isang sikat na restaurant, woah! Pagpasok na pasok ko nagutom agad ako dahil sa naamoy kong masarap na pagkain.

Fancy ang restaurant, sobrang ganda ng designs ng wall, floor at lahat ng makikita mo ang ganda sa paningin.

Pinanghila ako ng upuan ni Copper na agad din naman akong nagpasalamat, kinuha ko ang menu na nakalapag sa table at namili ng pagkain.

"What do you want, wife?"

Tinuro ko ang "Roast Beef!" Excited na sabi ko kaya natawa siya.

"Okay, we'll eat Roast Beef and Lasagna." Pagkarinig ko niyan agad akong na-excite kumain.

Tinawag ni Copper ang waiter at sinabi ang gusto naming kainin, habang nag hihintay sa pagkain namin, nag masid muna ako sa labas glass wall naman kaya kitang kita ko ang labas.

Aaminin ko, ang daming gwapo dito syempre mga amerikano yan hindi ko talaga maiwasang mapatitig sa mga lalaki, alam kong ganun din naman si Copper nagmamasid din yan sa paligid at tumitingin sa mga magagandang babae, syempre lalaki siya ganun naman talaga ang mga lalaki.

Tinapunan ko nv tingin si Copper at nahuli ko siyang nakatitig sakin. Nung una kaya ko siya nilingon dahil para maikumpirma na tumitingin siya sa mga babae kaso mali ako sakin lang pala siya nakatingin.

Naman Copper eh!

"Looking at someone else huh?" Nakangising sambit niya.

Napaiwas naman ako ng tingin, oo aaminin kong tumitingin ako sa mga lalaki pero kahit tingnan ko sila siya ang Mahal ko, at malaki ang pagkaiba nun.

"Nakatingin lang." Kumpensya ko kaya napailing siya.

"Atleast your looking at the other guys, bad."

"Atleast I only looked at them, and I'm loving you, see the differences Mr. Bautista?" Nakangising tanong ko.

"I don't get your point Mrs. Bautista." Napahinto ako ng tawagin niya kong Mrs. Bautista, seyoso? Nagbabago na ba talaga siya?

Hindi na lang ako nakaimik, iniisip ko ngayon kung nagbago na nga ba si Copper ng nakaraang buwan cold ang pakikitungo niya sakin hanggang sa napunta kami sa US dun na siya nagbago, tapos magbabago na naman siya pagbalik namin sa Pilipinas? Ang gulo niya, naisip ko na siguro kaya siya iba dahil nasa ibang bansa kami kukunti lang ang kakilala niya dito at pagbalik namin sa Pilipinas paniguradong malaking isyu 'to, isang may-ari ng kompanya at biglaang kasal na sa isang empleyado, kahit ako pag nalaman ko 'to sa iba panigurado maiintriga ako.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon