CHAPTER 19

685 14 0
                                    

a/n: first of all, sorry dahil late ang update ko na writer's block ako, nag iisip na kasi ako ng ideas para sa mga susunod na chapters kaso nga lang, parang nag ka-mali ako kaya na writer's block ako, tsk! pero nag try naman akong mag update ngayon, sana magustuhan niyo.

-
Chapter 19: Secrets.

"Good afternoon Mr. and Mrs. Bautista."

"Good afternoon." bati ko sa guard at nginitian siya.

Mag ka-hawak ang kamay namin ni Copper ng pumasok kami sa opisina nila Vinz.

Ang iba'y nag tataka, sabagay isang beses lang ako naka pasok dito at yun yung time na may meeting kami ni Vinz at dahil ang dami naming ginawa ni Copper pumunta kami sa Paris at pinag diwang ang birthday ko, kaya hindi na ako masyado nakapunta dito. Dapat tuloy na ako sa trabaho ko dito pero dahil sa nabuntis ako hindi na ako pinayagan ni Copper pumasok sa opisina, sinabi niya na kaya sakanila?


"Kaye!" narinig ko ang malakas na sigaw ni Hans kaya napalingon ako.

Napa-ngiti ako ng makita si Hans, na miss ko siya.

"Hey." naka ngiting sambit ko at niyakap siya.

"Enough." agad akong nilayo ni Copper kay Hans kaya napa irap ako ng bahagya.

"Tsk." reklamo ni Hans kaya napatingin ako kay Copper.

"Stay here with Hans, I need to attend the meeting right now." sambit ni Copper kaya napa nguso ako, iiwan niya ako dito?

"Bakit, bawal ba ako sumama sa loob--"

"No, just... stay here, okay?" sabi niya at hinalikan ang noo ko at tuluyan na siyang nag lakad palayo.

Pinanood ko lang mag lakad si Copper papalayo sa'kin, asar naman bawal ba ako sumama do'n sa meeting niya, bawal ba maki-seat in? tsk.

"Kamusta, Kaye?" napalingon ako kay Hans, nginitian niya ko at inayang umupo.

Umupo ako sa tabi niya at sumandal sa upuan, nakatingin lang si Hans sakin at nag aantay ng sasabihin ko.

"Okay lang naman, ikaw? ang tagal na nating hindi nag uusap ah." sambit ko at nginitian siya.

Napalitan naman ng lungkot ang mukha niya, bakit?

"May problema ka ba?"

"Wala, Na-miss lang kita. Okay na ba kayo ni Copper?" tanong niya na agad ko namang tinanguan.

"Oo, ang totoo niyan." sabi ko at ngumiti, hinawakan ko ang tiyan ko at, "Buntis na ako." sabi ko at nilingon si Hans.

Halata ang pag ka-gulat sa mukha niya, parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"Bu-buntis ka na?" may halong lungkot ang pag kaka-sabi niya niyan, agad ko namang hinawakan ang kamay niya.

"Oo, tatlong buwan na." sabi ko at inilagay ang kamay niya sa tiyan ko "At, lalaki siya." natutuwang sambit ko.

"Ha-HaHa! masaya ako para sayo." sambit niya at nginitian ako pero halatang pilit lang ito.

Tumayo siya sa pag kaka-upo at tumalikod.

Agad din akong tumayo at lalapitan sana siya kaso lumayo siya.

"Hi-hindi mo pa ba alam?" halos pabulong na saad niya.

Agad namang kumunot ang noo ko, anong ibig niyang sabihin?

Lumapit ako sakanya at hinarap siya.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon