CHAPTER 18

627 15 0
                                    


CHAPTER 18- Khayper

After 3 months...

"Copper!" sigaw ko, ang tagal niya ah kanina pa ako nag-iintay dito.

Nagugutom na ako gusto ko ng kumain, hindi ako masyadong nakakain sa niluto ni Dad kanina, hindi ko nagustuhan.

Pinabili ko si Copper ng spaghetti na walang sauce, naiirita ako kasi sobrang tagal niyang dumating.

Gusto ko ng kumain! tsk.

Napatingin ako sa wall clock ng kwarto namin ni Copper at 1:15 am na, napalingon ako sa bintana at sobrang dilim ng paligid.

Makakahanap kaya siya nun? hindi niya ko maloloko dahil ang gusto ko galing sa jollibee at pag nalaman kong hindi galing sa jollibee yang spaghetti niyang walang sauce ihahagis ko sa pag mumukha niya yan.

"Kaye!" napalingon ako kay Dad na nasa pinto ng kwarto ko.

"Nasan na si Copper?!"

"Hinahanap ko din siya Kaye, saan siya nag punta? may tumawag sakin na client niya at gusto siyang maka-usap."

"Pasabi sakanya Dad! bukas na siya tumawag dahil inutusan ko si Copper!"

"A-ano?! inutusan mo siya sobrang dilim pa Kaye!" sinigawan na ako ni Dad kaya mas nairita ako.

"Bakit! gutom na ako e." sabi ko

"Dapat ako na lang, alam mo namang 10 nakauwi si Copper sa opisina dahil ang dami niyang ginawa, ano bang pinabili mo?"

"Spaghetti sa jollibee... Na walang sauce."

"Ano?! Kaye naman! nasa america tayo at bihira lang ang Jollibee dit--"

"Gusto ko nun e, bakit ba?" sambit ko at hindi na pinansin si Dad napalingon ulit ako sa wall clock at 1:30 na ng umaga umalis siya 12:30 kapag 2 na at wala pa siya, humanda siya.

Copper's POV:

"At last, I finally found you!" sigaw ko kaya nag tinginan ang mga tao sakin.

"What are he saying?"

"He said he already found Jollibee, pfft."

"Haha!"

Sinamaan ko ng tingin ang mga tao at pumasok sa loob ng jollibee.

Kakaunti pa lang ang tao, napatingin naman ako aa wrist watch ko at 1:30 na ng umaga, hayst panigurado yari ako kay Kaye nito.

"Can i help you sir?" tanong ng babae.

"Ah, one spaghetti."

"Okay sir." iniabot ko naman ang credit card ko.

Hays, paano ko ba sasabihin to?

"Ah, wait!" pigil ko sa babae.

Nag taka naman siya sa pag pigil ko sakanya, napahawak na lang ako sa likod ng ulo ko.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon