CHAPTER 3

951 36 0
                                    

Chapter 3- Try.



"Manang? Si Copper po.. Umuwi na po ba siya?" Kakagising ko lang at yan agad ang tinanong ko kay Manang pagkapasok niya sa kwarto ko.

"Hindi pa siya umuuwi hija, 'wag mo munang intindihan ang asawa mo. Halina't kainin mo 'tong sopas na niluto ko." Sabi ni Manang sabay patong ng soup sa gilid ng table.

Nalungkot naman ako ng malaman kong hindi pa umuuwi si Copper dito sa bahay namin, saan kaya siya pumunta? Saan siya natulog? Kahit medyo nagalit ako sakanya dahil sa pagsabi sa'kin kanina na tanga ako, hindi ko pa din maiwasang hanapin o alahanin siya.

Napailing na lang ako at kinain na ang Soup na niluto sakin ni Manang.

Hindi ako pumasok ngayon sa Kompanya namin ni Copper dahil sabi nga ng doctor kailangan kong mag pahinga. Siguro bukas na lang ako makakapasok, habang hinihigop ko ang mainit na soup bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

Si Dad.

"Hello Dad?" Bungad ko.

"[Anak, nandiyan ba si Copper?]"

"Ah, wala pa po eh nasa opisina pa Dad. Bakit?"

"[Hayy. Pasabi na lang tong sasabihin ko sayo ngayon, 2 weeks na lang at kailangan nasa America na kayo madami kayong aayusin ni Copper sa America at syempre ako na ang bahala sa mga gastusin niyo, inaasikaso na namin ang Passport niyo mag handa na kayo dahil 2 weeks na lang flight niyo na.]"

Tumango tango ako at "Opo Dad, mag hahanda na po kami."

"[Sige Anak, bye.]"

"Bye."

Arghh, kailangan makabili na ko ng bagong gamit ko..

Habang kumakain ako, naisipan kong pumunta muna sa SM wala naman akong ginagawa ngayon? At panigurado wala na kong free time dahil puro trabaho sa opisina namin ang aasikasuhin ko. Ngayon lang ang freetime ko kaya hindi ko na sasayangin pa, at gusto ko ding lumabas labas ngayon para naman kahit ngayon lang walang Copper na sasagi sa isipan ko.

Naligo ako at nagsuot ng plain white dress na above the knee, sleeveless siya at white sandals na 2 inch ang takong, nag suot din ako ng Gucci bag na regalo ng dad ko sakin, nilugay ko lang ang wavy dark brown hair ko at nag lagay ng foundation at light lipstick.

Naisip ko na, bakit ang arte ko ngayon? Minsan naman hindi ako masyado nagaayos simpleng T-shirt at jeans lang kaso ngayon.. Iba eh? Hindi ko din alam kung bakit ganito ako ngayon hayaan na nga!

"Kaye? Ang ganda mo naman ngayon hija, saan ka pupunta? Akala ko ba'y magpapahinga ka?" Bungad agad sa'kin ni Manang pagkababa ko ng hagdan.

"Okay lang naman po ako, tsaka wala din naman po akong ginagawa ngayon kaya. Naisipan ko pong mag SM"

"SM? Akala ko pa nama'y may lakad kang importante at bihis na bihis ka. Oh sige, ingat ka."

"Salamat po, pasabi na lang po kay Copper kubg sakaling umuwi siya, pasabi na umalis lang ako at hindi din naman ako magtatagal." Sabi ko at kinuha ang susi ng kotse ko, ayokong hanapin niya ko. At alam ko namang wala siyang pakielam sakin kaya wala akong oras magpaliwanag sakanya kung saan ko gustong pumunta.

Nag lalakad lakad ako ako ngayon sa SM, naghahanap ako ng magandang store na pwede kong pagpilian ng magandang damit..

Habang nag lalakad lakad, naisipan kong pumunta muna sa coffee shop, in-order ko ang best seller na coffee nila pagkatapos umupo ako sa spot na malapit sa pinto,

Tinary kong tawagan si Francis para naman hindi ako nagiisa ngayon kaso hindi niya sinasagot mukhang magisa ako ngayon, tsk.

"Miss?" Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino nagsalita, at. May nakatayong lalaki sa harap ko nakangiti siya, tiningnan ko muna ang buong katawan niya.. Pogi din pero mas pogi si Copper-- ano ba yan! Hindi ko dapat iniisip si Copper ngayon.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon