CHAPTER 23

1.1K 25 12
                                    


C H A P T E R  2 3 :
NEW LIFE

'Viella Kaye Natividad'

"Happy Birthday!" agad napamulat ang mata ko ng may sumigaw.

Nakita ko si Hans na nakatayo sa harap ko habang naka suot ng pang alis. Agad napakunot ang noo ko at umupo sa kama, umagang umaga nangigising siya.

"Saan punta?" tanong ko at napahikab, lumapit siya sakin at mabilis na hinalikan ang labi ko kaya agad nawala ang antok ko at sinamaan siya ng tingin.

"Birthday mo ngayon, lola." sambit niya at napangiti, agad naman akong napangiti at natawa. Hinagisan ko siya ng unan habang siya ay sinasalag ang unan.

Agad naman akong napahinto,  birthday ko ngayon? napatingin ako sa kalendaryo at Nov 14 na-- birthday ko na pala.

"Hindi mo alam na birthday mo? haha lola ka na talaga." sambit niya kaya mas naasar ako at hinagisan siya ulit ng unan.

"Hans! umagang umaga binubwisit mo ko!" sigaw ko kaya napatakbo siya palabas ng kwarto ko.

"Mag asikaso ka na pupunta tayo Resort!" rinig kong sigaw niya kaya napailing ako.

At dahil na excite ako agad akong bumangon sa kama at dumeretso sa banyo, agad kong tinitigan ang sarili ko.

Nang nakaraang isang buwan lamamg ay nag pagupit ako ng buhok hanggang sa balikat ko.

Tinitigan ko ang itsura ko at agad akong nalungkot at napayuko na lamang.

Mag aapat na buwan na.... sa loob na apat na buwan na 'yon madami ang nangyari sa buhay ko. Apat na buwan na kami ni Hans dito sa Pilipinas at apat na buwan ko na din siyang nakakasama sa iisang bahay at nag tutulungan sa lahat. Napaka daming nangyari na halos makalimutan ko na ang nangyari sakin sa America, iniwan ko sila Dad at Copper sa America. Nag laho ako na parang bula at hindi na muli nag pakita o nag pakiramdam man lang, ni hindi ko man sinabi kung nasan kami ngayon. Ngunit, sobrang nasaktan talaga ako sa ginawa sakin ni Copper. Hindi ko kinaya ang nagawa niya sakin dumating na sa punto na halos mamatay na ako sa kakaluha at sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Naalala ko ang hitsura ni Copper ng iwan ko siya at mas piniling sumama kay Hans, hindi ko na alam ang gagawin ng mga oras na 'yon gusto ko siyang balikan at ayusin ang gulong ginawa niya.

Ngunit... Sa sobrang nasaktan ako sa ginawa niya, mas pinili kong sumama kay Hans at iwan siya. Gusto kong ma-realize niya ang mga ginawa niya sa'kin, gusto ko ding maramdam niya ang sakit na naramdaman ko ng malamang may ibang anak siya maliban sa anak namin.

Agad akong nabigla ng makitang may tumulo na palang luha sa mata ko, pinunasan ko 'to at umiling.

Kaarawan ko ngayon hindi ko dapat siya iniisip, ang kailangan kong gawin ay mag saya at kalimutan ang sakit na binigay ni Copper kahit ngayon lang.

.

Nang matapos akong maligo, nag bihis lang ako ng plain pastel pink dress na above the knee at nag suot ng white doll shoes at white shoulder bag. At dahil maliit na ang buhok ko sinuklayan ko lang ito, sunod ko namang inayos ang mukha ko. Nag foundation, masscara at peach lip stick lang ako.

Nang maayos ko na ang sarili ko, tumayo ako at hinarap ang sarili ko sa salamin. At talagang namang kapansin pansin ang malaki kong tiyan, isang buwan na lang... Makikita ko na ang anghel ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon