CHAPTER 21

605 12 1
                                    


Chapter 21: Her Desicion.

Hans Grey Villamour

"Damn it." nasabi ko na lang at bumangon sa kama, what was that? kanina pa ko nakakarinig ng ingay.

Hindi ako makatulog dahil do'n.

Aso ba 'yon? o baka naman multong umiiyak?

Damn it.

Nilingon ko ang orasan at 2 na ng gabi! agad akong bumangon sa pagkakaiga at sinuot ang tsinelas ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ko mas lumakas ang ingay na naririnig 'ko, ano ba talaga yon? asong umiiyak?

Sinundan ko ang naririnig kong ingay hanggang sa makarating ako sa kwarto ni Kaye.

Dito nanggaling ang ingay?

Inilapit ko ang tainga ko sa pinto at... May umiiyak!

Teka, dito ba nanggagaling ang ingay--- Umiiyak si Kaye?!

Agad kong kinatok ang pinto at biglang tumigil ang pag-iyak.

Si Kaye nga ang umiiyak, pero... Bakit?

-,-

Akala ko aso.

Inilapit ko ulit ang tainga ko sa pinto at tanging tunog ng TV na lang ang naririnig ko.

Tulog na kaya siya?

Unti-unti kong binuksan ang pinto at nakita kong mahimbing na palang natutulog si Kaye.

Lumapit ako sakanya at tinitigan siya, umiyak ba siya?

Mukhang hindi naman. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV, nilingon ko ulit si Kaye at hinawi ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya.

Tulog na nga siya, kinuha ko ang kumot at ipinatong sakanya.

Tsk, akala ko pa naman umiiyak siya

Paalis na sana ako ng may mahagip ang mata 'ko, may papel sa kama niya.

Agad napakunot ang noo ko, bakit may mga papel sa kama niya?

Kinuha ko lahat yon at lumabas na.

Inilukot ko ang mga papel at itinapon sa basurahan, lulukutin ko na sana ang papel ng may mabasa akong pangalan ni Carol.

'Nagmamahal, Carol.' ang nakalagay sa bandang huli, ano 'to liham?

Kinuha ko ulit ang mga papel sa basurahan at binuklat ito. Nang mabasa ko lahat, agad ko 'tong nailukot at inihagis sa basurahan.

Damn it, sabi na kasalanan talaga ng lalaking 'yon.

Agad akong napalingon ng may marinig akong papalapit sa'kin, nakita ko si Kaye sa likod 'ko.

Umiiyak siya.

"Ba-bakit nasa iyo yan? sabi na at kinuha mo e, a-akin na nga yan." sabi niya at pinunasan ang patak ng luha niya, itinaas ko lang ang papel para hindi niya maabot pero pilit niya 'tong inaabot habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata niya.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon