CHAPTER 2

1K 31 0
                                    

Chapter 2- Awake.


"Kaye, okay ka lang ba?" Yan agad ang bungad sakin ni Francis pagkapasok ko sa Office.

I sighed and "Okay lang ako." Okay na okay, dahil pagkapasok ko sa Office bumungad sakin ang napaka kapal na folders na nasa ibabaw ng desk ko, eto na naman siya. Binibigyan na naman ako ng napaka daming trabaho, lalo akong nahihilo tingnan ko pa lang kung gaano kakapal ang folders na aayusin ko sa computer ko, mahihimatay na lang ako.

"Gusto mo hati tayo? Akin na yu--" pinigilan ko si Francis sa pagkuha ng folders sa ibabaw ng desk ko.

"Okay lang Francis, baka magalit si Sir."

"Grabe naman kasi yang asawa mo? Asawa mo ba talaga ya--"

"Sshh! Ang ingay mo Francis! Sayo ko lang nga sinabi yung tungkol samin eh." Si Francis lang ang may alam, wala ng iba.. Dahil panigurado pag kumalat na asawa ko ang may ari ng kompanyang to este kompanya namin, at dapat ako ang Vice President kaso hindi pumayag si Copper kaya isa lang naman akong empleyado.

"Hays, Oo na. Pero kung ako sayo Kaye? Hiniwalayan ko na yan," napatigil naman ako sa sinabi ni Francis, hiwalayan?

"A-ano bang pinag sasabi mo? Mahal ko si Copper--"

"Kaye, okay na yung mag pakatanga ka pero wag naman yung sobrang tanga. Naku Kaye! Harap harapan ka na nga niyang niloloko at pinapakitang wala siyang pakielam sayo kaso, eto ka naman! Nag papakatanga."

Hindi ko na lang sinagot si Francis, tama naman kasi talaga siya Hindi ko lang talaga alama kung bakit pa ako nag papakatanga kay Copper.

.

"Kaye? Kain muna tayo, mamaya na muna yan." Sabi ni Francis kaso umiling ako.

"Maya-maya na lang, susunod na ko."

"Siguraduhin mo lang Kaye, kahapon Hindi ka kumain tapos kaninang umaga di ka pa nag breakfast, kulang pa tulog mo. Baka mamaya mawalan ka na lang ng malay diyan"

"Oo, kakain ako mauna muna kayo limang folder na lang." Sabi ko at patuloy pa din sa pag type sa computer.

Habang nag tytype ako, nakaramdam na talaga ako ng gutom sobrang sakit ng sikmura ko, nahihilo pa ko.

Pinilit kong tumayo para bumili ng makakain sa labas, gutom na talaga ako parang may nagwawala sa tiyan ko.

Habang nag lalakad sa hallway ng office, umiikot na talaga ang paningin ko para akong lasing mag lakad. Hanggang sa makarating ako sa elevator,

Pansin kong may lalaki akong kasabay sa Elevator, sana naman matulungan niya ko.

"Miss? Okay ka lang?" Rinig kong sabi ng lalaki at nakalapit na agad siya sakin,

"Miss, dadalhin kita sa Hospita--" napatigil siya ng bumukas ang elevator.

"Hahaha! Babe you tell me that you will show your Office to m--"

"Kaye!!" Pagkarinig ko sa sigaw ng lalaki, agad na kong nawalan ng malay.

.

Nagising ako sa lakas ng pagkalampag ng pinto, unti unti kong minulat ang mata ko at.

"Kaye! Ayos na ba pakiramdam mo? Ano ba kasing nangyari sayo?!" Sigaw agad ni Francis ang bumungad sakin pagkagising ko, umiling iling pa ko dahil pag kamulat ko ng mata ko. Para bang umikot yung mata ko, nahihilo ako.

"Anong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay sa Elevator! grabe Kaye! Kung nakita mo lang yung asawa mo kanina sobrang nag papanic siya, sigaw siya ng sigaw sa kompanya kanina. Grabe lang talaga" pabulong na saad ni Francis, nag-alala siya sakin?

"Teka lang, tatawagin ko lang yung doctor sasabihin kong gising ka na." Lumabas si Francis sa kwarto kaya nabalot agad ito ng katahimikan.

Hindi ko talaga akalaing mawawalan ako ng malay, dahil lang sa mga trabahong binigay sakin ni Copper aish! Ang tanga ko kasi hindi pa ko kumain, tsk.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang Doctor kasabay si Copper pumasok.

"Miss?" Tanong ng doctor at halata sa tono niya na tinatanong niya ang pangalan ko.

Napalingon naman ako kay Copper, Mrs. Bautista ang sasabihin ko? O Miss Natividad? Alam kong ayaw ni Copper na ginagamit ko ang ipilido niya kaya.

"Miss Kaye Natividad po." Sabi ko at tumingin kau Copper na naka poker face lang at walang pakielam.

"Ms. Natividad, makakasama sa kalusugan mo kung ipagpapatuloy mong hindi kumain at matulog sa tamang oras, maaring magkaron ka ng ulcer. Mas maganda kung mag pahinga ka lang kahit dalawang araw at kumain ng prutas at gulay." Paliwanag ng doctor kaya tumango tango ako,

"Sir? Patient's?" Tinatanong ng Doctor si Copper, at halata sa tanong ng doctor tinatanong nito kung kaano ano niya ko.

Ayokong marinig ang sasabihin ni Copper, pero may kunting pagasa sakin na. Sana sabihin niyang Asawa niya ko o Boyfriend man lang.

"Patient's Friend." At pagkarinig ko sa sinabi ni Copper parang gusto ko ulit mahimatay na lang, sobrang sikip ng dibdib ko.

"Sir, pakisabi na lang sa siblings ni Miss Natividad na kailangan niyang magpahinga at kumain ng maayos, dahil oras na mawalan ulit siya ng malay. Hindi na namin siya tatanggapin sa Hospital na 'to, simple lang ang gagawin ng pasyente ang matulog at kumain ng maayos, at inaasahan ko na sana, hindi na ule siya mawalan ng malay." Sabi ng doctor at parang walang narinig si Copper at hindi pinansin ang sinabi ng Doctor. Medyo naasar ata yung doctor kay Copper kaya lumabas na lang ito ng Room.

Saktong pagsara ng pinto, tumingin ako kay Copper na nakatayo at ang sama ng tingin sakin.

"Alam mo ba kung anong katangahan ang ginawa mo?" Mahinahon na pagkasabi niya ay seryosong tumingin sakin,

Naasar ako sakanya, kasalanan ko bang mawalan ng malay?!

"Tanga ka din huh? Sino ba nag sabing wag kang kumain?! Paano na lang pag nalaman to ng Dad mo? Anong sasabihin niya sakin, na pinapabayaan ko ang prinsesa niya?! Na kasalanan ko ba kung sa tanga ang anak niya at ayaw kumain? Pssh. Ayusin mo yang kinikilos mo, papapuntahin ko si manang sa bahay para bantayan ka. Madami akong gagawin sa Opisina wala akong oras na alagaan ang tangang katulad mo." Tuloy tuloy at walang hinto ang panlalait niya sakin, paulit ulit niyang pinamumukha sa'kin na tanga ako! Na tanga nga ako!

Naasar ako sakanya! Hindi ko kasalanan kung mawalan ako ng malay dahil ang inisip ko lang naman ay matapos ko ang binigay niyang trabaho sakin?! Tapos ako pa ang tanga, gago pala siya eh!

Kunti na lang Copper, nawawalan na ko ng pasensya sayo.

Nagising nga ako sa katotohanan na,wala talaga siyang pakielam sakin..

Im Awake. Awake in pain, Awake in for being dumb, I'm Awake that Copper will never love me.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon