CHAPTER 4

970 29 0
                                    

Chapter 4- Misunderstanding..



Habang nag dridrive pauwi, hindi ko maiwasang mapangiti, hindi ko lang talaga maiwasang maging masaya dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganito, dati rati mga high school days ko.. I admit, madaming nanligaw sakin but for me? Wala akong pakielam sakanila, Why? Because of him.

Sobrang daming nanligaw sakin, bukod sa maganda daw ako mabait at palangiti ako, madaming boys na nag surprise sakin, gave me roses, chocolates but i dumped them all..

Anong silbi nila kung hindi sila si Copper?

Simula highschool i already love Copper, lagi akong nakasunod sakanya, puro laman ng cp ko stolen pics niya, hindi mabubuo araw ko nv hindi makikita si Copper, pinilit ko si Daddy na makipag share sa Company nila Copper nung una ayaw ni Daddy dahil ang kompanya daw nila Copper ay hindi gaano kalakas, but i convince Dad lahat ginawa ko para mapansin ni Copper ako pa ang nag-aya makasal kay Copper. Weird right? Pinilit ko si Daddy na maikasal ako kay Copper pumayag si Copper dahil pag hindi siya pumayag mawawala lahat ng share namin sa kompanya nila. Pumayag siya, so maganda ang setup namin ng una akala ko talaga mabait siya sakin simula ng ikasal kami mabait, gentleman siya kaso.. Saktong pagkatapos ng kasal namin ganito ang nangyari.

Flashback:

WEDDING DAY
DATE: November 7, 2016

"Congratulations!"
"Congrats!"

"Thank you, thank you po!" Sigaw ko at mangiyak iyak na, eto na kasal na kami ng taong mahal ko kasal na talaga kami.

Hindi ko na kayang pigilan pa ang emosyon ko at umiyak na ko, sobrang saya ko lang.

"Hon, sshh.. Tama na." Sabi ni Copper at niyakap ako.

"Ma-masaya lang ako dahil.. Kasal na tayo."

"Tahan na, huwag ka ng umiyak magugulo make-up mo." Sinabi niya yan habang hawak ang magkabilang pisngi ko.

Tumigil ako sa pagiyak at ngumiti sakanya, ngitian niya din ako kaya mas gumaan ang loob ko.

Masaya ang naging reception namin sa Hotel, sobrang saya! Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na 'to.

Matapos ang kainan, nag paalam na sila para umuwi habang kami naiwan sa hotel syempre pagkatapos ng kasal? May honeymoon.

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon