LESSON: It is never wrong to be happy. Especially when you know it's about time that you deserve to be.
Chapter 8
Sheila's POV
Walang pag-aalinlangan akong sumama kay King patungong Amercia. Hindi alam ng mama nya na maski ako kasama. Sabi ni King tinulungan daw sya ng papa nya na asikasuhin ang passport at visa ko para lang daw maisama ako sa America ni King. Buti na lang pala at sumama ako dahil wala na daw pala talagang balak yung mama nya na pabalikin pa sya dito at para mapaghiwalay kami.
Hindi ko ba alam kung ano ang ayaw ng mama ni King sakin. Pinapakisamahan ko naman sya sa kabila ng pagpapakita nya ng disgusto nya sa akin. Masyado nga siguro kong kaawa-awa dahil sino nga bang magulang ang magkakagusto sa isang babae na pinag-aaral lang naman ng isang naawang negosyante at nag-iisa lang naman sa buhay. Hindi ko naman sya masisisi pero hindi ba mahalaga na mahal ko ang anak nya? Kesa naman sa mga taong yaman lang naman ang habol sa kanila. Hindi kaya iniisip nya na kauri ko din ang mga yon?
Ilang oras na lang at lalapag na ang eroplano na sinasakyan namin ni King, hindi ko alam kung anong buhay ang magkakaron kami sa pagtungtong namin sa America pero kung ano mang buhay ang naghihintay sa amin haharapin ko yun basta kasama ko lang si King. Hangga't nasa tabi ko sya hindi ako matatakot. Nandito na 'to eh kailangan na lang panindigan.
Lumipas ang oras at lumapag na ang eroplano. Unti-unti na akong nilukuban ng kaba. Biglang hinawakan ni King ang kamay ko at ngumiti, ngiting nagbibigay ng assurance sa akin na hindi nya ako papabayaan. Huminga muna ko ng malalim bago gumanti ng ngiti sa kanya, binigyan ko sya ng ngiti na nagsasabi na hindi ako nagsisisi sa pagpili na makasama sya.
Minsan lang naman ako magmahal at minsan ding magpapakatanga. Bakit hindi ko pa lubusin ng sa ganon masaktan man ako atleast alam ko na ang magmahal. Kung hindi lang din naman si King pwes hinding hindi na ko susubok na magmahal pa.
"Are you nervous?" King asked.
"Hindi. Basta alam kong nandito ka sa tabi ko wala akong dapat ikabahala." hinalikan nya ko sa noo at iginiya na palabas ng eroplano.
"Si Marcella nga pala yung kababata ko ang susundo sa atin. Sya ang inutusan ni mama na sumundo sa akin."
"Pero paano ako? Baka malaman ng mama mo na kasama mo ako." pinisil nya ang kamay ko at hinalikan ito.
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride
RomanceLESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag magsasalita ng tapos.