The Story Behind the Story (Special Chapter)
Tahimik lang akong umiiyak habang nakatanaw sa kalangitan. Narito ako ngayon sa baywalk at sinasariwa ang malamig na hangin kasabay niyon ang paglimot sa limang taong pag-ibig ko sa unang lalaking minahal ko ng husto. Sa lalaking inalayan ko ng sarili ko. Nakakapagod din pala ang magmahal kahit na gaano mo siya kamahal puso na din pala yung kusang susuko, darating sa puntong isusuko mo siya hindi dahil sa hindi mo na siya mahal kundi masyado ka ng nasasaktan.
Puso lang siya napapagod din masaktan ng paulit-ulit.
Kahit na sabihin natin na maaari pa kaming magsimula ulit pero paano kung matagal na palang tapos ang lahat sa inyo? Na akala mo maibabalik pa ang dati. Sinubukan ko naman. Pinilit ko naman. Pero wala na talaga.
Ilang beses kong pinakiramdaman ang sarili ko. Hindi na siya. Hindi na ako nabubuhay para sa kanya.
Naranasan niyo na ba yung akala mo hindi na kayo makakabangon mula sa isang break-up? Akala mo siya lang talaga? Akala mo hindi ka na mabubuhat kasi nawala siya? Pwes, mali! Dahil ang pinaka masayang nangyari sa isang katulad kong nasaktan ng husto ay yung gigising ako sa umaga na hindi na siya yung unang iniisip ko.
Kung kailan ayos na ang lahat ngayon pa ko susuko? Oo, dahil matapos ang lahat hindi man kami ang nagkatuluyan sa huli marami naman akong natutunan.
Una, pahalagahan ang isang tao habang nariyan pa siya sa tabi mo.
Pangalawa, gaano mo man siya kamahal kung hindi na katulad noon ang ngayon matuto kang magpalaya,
At huli, pansinin ang taong gusto kang pasayahin habang busy ka pang nasasaktan noon sa ibang tao.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Pupunta kami ni King bukas sa America para mag file na ng divorce. This time totoo na'to. Sigurado na ko gaya kung gaano ako kasiguro sa nararamdaman ko. Dumilat ako para pagmasdan ang madilim na kalangitan ngunit nagtaka ako sa nakita ko.
"Nasan na yung mga bituin?" tanong ko sa sarili ko. Kanina lang ay maraming bituin sa langit malamang natabunan na'to ng makakapal na ulap.
"Nasa harap ko kasi yung bituin." napangiti ako. Nilingon ko yung lalaking nasa gilid ko. He gave me a boyish grin. Bigla na namang nagwala yung tibok ng puso ko last time na naramdaman ko 'to eh limang taon na ang nakakaraan. Nakakatawa nga lang at hindi na para kay King itong pagwawala ng puso ko.
Ayoko pang pangalanan itong nararamdaman ko, kailangan ko pa ng sapat na panahon. Marami na ding pinagdaanan ang lalaking 'to parehas kaming nasaktan ng husto eto kami lang pala ang magmemend ng sugat ng isa't-isa.
"Gasgas na yang linya mo Luigi. Wala bang bago? Hahaha." lumapit siya sa akin at masuyong hinaplos sa mukha ko ang kanyang palad kasaby ng pagpahid niya sa mga luha ko.
"Meron." ngumiti siya sa akin habang titig na titig pa din sa mga mata ko. Ngumiti lang ako sa kanya na naghahamon.
"Sige nga! Ano yun?" masigla kong tanong sa kanya. Like what I've said before si Luigi lang ang lalaking hinayaan kong mapalapit sa akin noong mga panahon na miserable ako. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng comfort.
'I love you." halos pabulong lang niya iyong sinabi pero rinig na rinig ko iyon. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Sa tuwing ganito na lang nagwawala ang puso ko. Tama ba 'tong conclusion ko? Mahal ko na si Luigi?! Matagal ko din 'tong pinag-isipan. Nagsasama pa lang kami ni King inisip ko na kung tama ba yung pagbabalikan namin. Naging tanga na naman ako at padalos-dalos sa mga desisyon ko. Nakipagbalikan ako kay King kahit hindi naman ako sigurado sa sarili ko kung mahal ko pa ba siya o hindi na.
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride
RomanceLESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag magsasalita ng tapos.