Chapter 17

71.6K 1.1K 189
                                    

Chapter 17

Sheila's POV

Napatigil ako ng maramdaman na mataman lang akong tinitignan ni King. Napatahimik ako sa pagtawa. Unti unti siyang lumapit sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Bigla na lamang bumilis yung tibok ng puso ko at animo may mga kuryente na dumadaloy sa mga ugat ko.

 Bago pa ko nakapag-isip ay inilagay na niya ang kamay niya sa batok ko at inangkin ang mga labi ko.

Napapikit ako at sinubukang pumalag ngunit traydor ang katawan ko kahit na umaayaw ang isip ko. Ilang taon ko na din bang hindi naramdaman 'to. Naiinis ako. Bakit sa isang dampi lang ng labi niya ay nawawala lahat ng galit at hinanakit ko sa kanya? Bakit ba namimiss ko itong mga haplos niya at mga halik.

Lumalim ang pinagsasaluhan naming halik at napakapit na ko sa batok niya. Halos mapugto ang mga hininga namin. Akala mo bumabawi kami sa ilang taon na pagkakahiwalay. Ito yung pinakakinamumuhian kong pakiramdam. Yung kahit na galit ako pero oras na nasa mga bisig ako ni King nagiging mahina at feeling ko hindi ako nag-iisa. Eto na naman, pinaparamdam na naman niyang nasa tabi ko siya lagi at hindi niya ko iiwan ngunit kabaligtaran naman lahat ng yun.

Naramdaman ko na lang yung mainit na likido na dumadaloy sa pisngi ko na siyang naging dahilan kaya napabitaw sa akin si King. Bakas sa mukha niya ang pagkalito at pag-aalala. Habang ako ay yumuko lang. Ewan ko ba. Nasasaktan na naman ako. Hindi ba talaga kaya ng isang tao na maging manhid na lang? Napakaimposible ba na hindi masaktan ang isang tao?

"What's wrong?" tinangka niya kong lapitan ngunit lumayo ako. Frustrated na lamang niyang binaba ang mga kamay niya. Ngayon pa niya papahirin ang mga luha ko? Ngayon pa kung kailan huli na ang lahat?! Tinatagan ko ang sarili ko. Kung may isang bagay akong kakamuhian sa sarili ko ay ang sitwasyon na umiiyak ako ngayon sa harapan ni King.  Pinahid ko ang mga luha ko at hinarap siya.

"Wala kang karapatan na halikan ako!! Akala ko ba magtatrabaho tayo as civil and professional?!! Pinapaalala ko lang sayo Mr. King Romualde na ikakasal ka na." mahinahon ngunit mariin kong sabi sa kanya. Agad naman siyang yumuko at huminga ng malalim.

"Look I'm sorry. Nadala lang talaga ko. Namiss kasi kita." peste! Bakit ang sincere ng pagkakasabi niya?!! Eto na naman ako at humihinahon sa mga sinasabi niya. Ako na naman ang talo sa laban na'to oras na magpakita ko ng kahinahaan.

"Namiss? Bakit mo naman ako mamimiss? Tandaan mo tapos na ang lahat sa atin King. Kaya tigilan mo ko sa mga drama mong yan. Sawang sawa na ko sa mga salita mo." malamig kong sbai sa kanya at tinalikuran na siya patungo sa kotse ko. Muli akong humarap sa kanya bago sumakay sa loob sa kanya.

"And one more thing King Romualde. Hindi na ko ang babaeng mapaglalaruan mo." sumakay na ko sa kotse at pinaharurot ito. Napa busina na lamang ako ng mariin dahil sa sobrang pagka-asar.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon