LESSON: No matter how strong you are, there's always someone who can make you weak.
Chapter 9
Sheila's POV
Maaga kaming gumising ni King para humanap ng isusuot namin sa kasal namin mamayang gabi. Nagpunta kami sa isang shop and namili ng wedding dress, alam nyo yung rush wedding? Eto yun! Ni wala nga ata kaming bisita dahil nagtanan lang naman kami atsaka asa namang imbitahan ko yung Marcella na yun kahit ba kababata pa sya ni King eh.
Nakapili naman ako ng isang simpleng wedding dress para sa simpleng wedding ceremony lang na gaganapin. Sana nandito sina Brooke, Bianca at Jackie. Medyo nakaramdam ako ng lungkot at pag-iisa pag naiisip ko yun. Hindi naman kasi 'to yung pinangarap kong kasal eh. Sabagay, matagal naman nang sira yung dream wedding ko dahil matagal ng patay yung dapat na maghahatid sakin sa altar.
I miss my family and my friends. Sana naman pagkatapos ng kasal na'to eh hindi na kumontra yung witch. Happily ever after na sana. Hindi naman na siguro makakareklamo yung witch kasi hello kasal na ko sa anak nya at wala na syang magagawa. Mag tiyaga sya habambuhay na ako ang manugang nya no'. Sisiguraduhin kong sya ang mapapalayas ng bahay at hindi ako. Hahaha. Nahawa na ata ako sa pagiging sira ulo ni Jackie at kung anu-ano na ang naiisip ko.
Anyways, kumain lang kami ng lunch ni King pagkatapos mamili ng damit na susuotin namin mamaya. Ninong daw niya na jugde yung magkakasal sa amin at dito na daw naka-base sa America yun pati ang pamilya nito. Bigatin naman pala mga kamag-anak ni King pati na din yung mga taong nakapaligid sa kaniya, ako lang ata yung nag-iisang busabos na masasampid sa pamilya nila. Wala akong magagawa mahal ko si King eh.
Peste! Tuluyan na talagang lumambot ang puso ko simula ng mahalin ko si King, nagawa ko ngang iwan yung buhay ko sa Pilipinas para lang sa kaniya eh. Mahal na mahal ko talaga si King na hindi ko na ata kayang mabuhay kung mawawala sya ngayon.
I can't quit now. I can't take one more sleepless night without him.
***
8pm
Nandito ako ngayon sa hotel at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kasal. Nauna na muna si King dun sa venue which is sa function hall para asikasuhin yung mga papeles para sa kasal namin samantalang ako naman eh naiwan muna dito sa room namin para mag-ayos.
Oh my gosh!! Kinakabahan ako! Hindi sa kasal eh! Dun sa pagkayari ng kasal!! Alam nyo na yun!! Hindi na talaga ko mapakali kanina pa ko palakad lakad dito sa loob ng kwarto, kailangan ko ng makaka-usap!!
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride
RomanceLESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag magsasalita ng tapos.