Chapter 24
Sheila's POV
Magkahawak kamay kami ngayon ni King habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Papunta kami sa unit ko para makapagpalit ako ng damit at napag-usapan namin na magmomove siya sa condo unit ko sa susunod na mga araw. Nakipag-usap na din siya kanina sa abogado niya sa America para alamin yung nangyaring arrangement 5 years ago, nagtataka nga yung abogado niya dahil walang conjugal property akong nakuha kung talaga nag divorce kaming dalawa. Napakasama talaga ng magaling kong mother-in-law. Nangangati na naman yung kamay kong sampalin siya.
"Love." tawag ko kay King.
"Ano yun?" at hinalikan niya ang kamay ko na hawak pa din niya.
"Nagbago na pala yung isip ko. Ako na lang lilipat sa mansion niyo." ngumisi ako sa kanya. Parang may binabalak ata akong masama ay hindi pala mang-aasar lang ako ng kaunti. Hahaha.
"Ha? Andun sila mama at Marcella." tinapik ko lang siya sa balikat at bumitaw sa kamay niya.
"I can manage my love." saktong pagbukas ng elevator kaya naman mabilis akong lumabas bago pa siya makakontra. I have an idea. Hahaha. Giyera kung giyera.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Louie sa tapat ng condo unit ko at mas lalo akong nagulat ng yakapin niya ko ng mahigpit. Napanganga lang ako sa ginawa niya, pinilit kong kumawala pero lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin.
"L-Louie?"
"Ano bang nangyari sayo She? Pinag-alala mo ko alam mo ba yun?!" humiwalay na sa pagkakayakap sa akin. Natigilan ako dahil alam kong nasa likod ko lang si King. Damn!
"Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko? Kagabi pa ko naghihintay dito sa unit mo." bahagya akong naguilty kay Louie. He's my bestfriend. Siya lang yung lalaking hinayaan kong makalapit muli sakin noong mga nakalipas na taon. Siya yung dahilan kung bakit nakakatawa pa ko.
"Ahmm. Na-stranded kasi ako sa Laguna nung nag site inspection kami ni Engr. Romualde." nakita ko na lumihis yung tingin niya mula sa likuran ko at nilingon ko din kung sino ang tinitingnan niya. Nakita ko na nakakuyom yung mga kamao ni King at halata na nagseselos ito.
"Ahmm. Hinatid ako ni Engr. Romualde kasi ano kasama ko siya na nastranded. Salamat pala." binigyan ko ng makahulugang tingin si King.
"Sige. Alis na ko." gusto ko sanang habulin si King ng naglakad na ito palayo ngunit muli akong hinawakan sa braso ni Louie at hinarap dito.
"Magkasama kayo buong magdamag? Akala ko ba ayaw mo na siyang makasama?!" nangunot yung noo ko ng pasigaw na nagtanong si Louie. Ngayon pa lang niya ata ako pinag-taasan ng boses.
"Eh magkasama nga kami kahapon sa trabaho. Sige na papasok na ko sa loob pagod ako eh." nilagpasan ko na lang siya at kinuha yung susi sa bag ko.
"Nag-alala ko sayo ng sobra. Magpahinga ka ng mabuti ah." tinuloy ko pa din yung pagbubukas sa pinto ko at hindi siya pinansin. Nag buntong hininga na lang ako ng maramdaman na tumalikod na siya para umalis.
"Sandali!" nagtatakang lumingon sa akin si Luigi ng tawagin ko siya. Nginitian ko siya.
"Thank you Louie." I said at pumasok na sa loob ng kwarto ko.
Pagkapasok sa unit ko ay agad akong dumiretso sa banyo upang maligo muli at para makapagpalit na din ako ng damit, papasok pa kasi ako sa opisina dahil marami pa akong trabaho. Ilang saglit din akong nagbabad sa shower bago lumabas ng banyo. Agad akong nagpalit ng simpleng white haltered blouse at slacks. Isinuot ko din yung red stilettos ko.
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride
RomanceLESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag magsasalita ng tapos.