PLAY NIYO YUNG SONG HABANG BINABASA NIYO. SAKTO!
Chapter 28
Matapos umiyak kagabi ay nakatulog na lamang ako sa mga bisig ni King. Pagkagising ko wala na si King sa tabi ko at nakita ko na lang yung note sa bedside table.Mag lunch daw kami mamaya at susunduin na lamang niya ko dito sa bahay. Masama ang pakiramdam ko kaya naisip kong wag na munang pumasok ngayong araw na'to.
Bumaba ako ng komedor at naabutan si mama na umiinom ng kape. Naupo ako sa tabi niya at nagtimpla ng sarili kong kape.
"Kamusta na pakiramdam mo? Napano ka kagabi?" tanong ni mama. Nilingon ko siya at nagulat ng makita na nag-aalala ang mga mata niya. Sincere ba siya?
"Hindi pa din okay lalo na at alam kong may kriminal na nakikitira dito sa mansion niyo." tinignan ko siya ng masama at nagsimula na namang manggilid ang mga luha ko. Tumayo ako at kinuha yung tasa ng kape at iniwan siyang mag-isa doon.
Ininom ko sa may sala yung kape at pagkatapos nagpunta ako sa silid kung nasaan si Yvette. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Bakit ganito? Ang sakit sakit talaga eh. Hinding hindi ko mapapatawad si Marcella.
Pagkatapos makipaglaro kay Yvette ay naligo na ko at nagbihis para sa lunch date namin ni King. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Marcella at mama na nagtatalo. Ito na ata yung right time para komprontahin ko sila.
"Ano?!! Ginawa mo sa kanya yon?!! Kriminal ka! Ikaw pa pala ang dahilan kung bakit nawala ang apo ko!"
"Inalis ko lang sa landas ko yung magiging hadlang sa amin ni King tita! Sa tingin niyo ba iiwan ni King si Sheila kung hindi nalaglag yung anak nila?!"
"Pero kahit na apo ko pa din yon! Hayop ka! Kriminal ka!" sigaw ni mama. Napatakbo ako sa tabi ni mama at tinignan sila ng nagtataka. Kung ganoon walang alam si mama sa nangyari?
"Siguro naman Sheila alam mo na kahapon pa na ako ang driver ng kotse na nakabundol sayo? Ako lang naman ang dahilan kung bakit ka nakunan. Hahaha." sabi ni Marcella. Naikuyom ko yung kamao ko ngunit hinawakan ako sa braso ni mama.
"Walanghiya ka Marcella! Ginusto pa man din kita para sa anak ko pero hindi ko alam na mas masahol ka pa sa demonyo! Paano mo naatim idamay pa dito yung apo ko!"
"Wag kang impokrita tita! Nagawa ko lang 'to para samin ni King! At ikaw tinulungan mo pa siyang dalhin sa hospital! Sana hinayaan mo na lang mamatay yang si Sheila!" sigaw ni Marcella.
"Hindi ko nga gusto si Sheila pero hindi akong kasing sama mo!" sigaw din ni mama.
"Napakasama mo Marcella! Sisiguraduhin ko na makukulong ka!" sigaw ko sa kanya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na masaktan siya dahil alam ko oras na mahawakan ko siya eh mapapatay ko na siya.
"Pinatay mong anak ko!!" sigaw ko.
"A-anak?" napalingon kaming lahat sa direksyon ng nagsalita at nagulat kaming tatlo ng makita si King na nakatayo sa may pintuan.
"K-king?" bigkas ni Marcella sa pangalan ni King samantalang kami ni mama ay animo tuod na nakatayo lamang at gulat pa din sa di inaasahang pagdating ni King.
"Anong anak ang pinagtatalunan niyo!!" sigaw ni King at halatang nalilito. Nagsimula na akong umiyak.
"B-buntis ako ng sumama ka kay Marcella. Nasagasaan ako at nakunan." sabi ko habang humahagulgol na.
"A-ano?!! Nagkaanak tayo?" animo naupos na kandila si King na napaupo sa sofa at naihilamos yung mga kamay sa mukha nito.
"Si mama yung andoon nung nahospital ako. Tinulungan niya ko pero hindi na nailigtas yung bata eh." sabi ko. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak pag ako na mismo yung nagkkwento sa mga nangyari. Sariwa pa kasi yung pain eh.
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride
RomanceLESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag magsasalita ng tapos.