Chapter 13
Sheila's POV
"Kasi nasa tabi ko na yung star."
Utang na loob! Gusto ko ng matulog! Kanina pa umaalingawngaw sa isip ko yung sinabi na yun ni Luigi. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ay peste! Ganito rin ang naramdaman ko kay ano eh. Nagtalukbong ako ng kumot at impit na tumili dahil sa frustration na nararamdaman ko.
Bakit ba sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal saka naman dumarating yung mga lalaki sa buhay ko. Hindi naman sa kinokonsider ko na gusto ko si Louie pero parang ganun na nga. Hala! Ang gulo.
Umupo na lang ako sa kama at sumandal sa headboard.
Nagitla ako ng tumunog yung cellphone ko na nasa sidetable. Sino naman kayang matinong tao ang tatawag sa ganitong oras?!
Inabot ko yung cellphone at nagulat na yung taong iniisip ko ngayon yung nasa caller I.D, huminga muna ko ng malalim bago ito sinagot.
"Hey."
(Hey. Nagising ba kita?) he said gently.
"No. Actually nagpapaantok pa lang ako." sabi ko.
(Uh? Akala ko nagtatrabaho ka pa eh. Haha. Magpahinga ka lang huh?" shit! Bakit ang sweet ng boses nya? Akala mo siya boyfriend na nag-aalala. Kinikilig ako eh!
"Hala? Grabe ka naman. Natutulog din naman ako. Ikaw din. Goodnight." ibababa ko na sana yung phone..
(Wait! Ahmm. Gusto mo mag lunch bukas?)
"I'm not sure if may free time ako. I'll text you tomorrow. Bye."
(Okay. Sweetdreams my lady.) bago pa ko maka-react eh napatay na niya yung phone at ako eh naiwan na nakanganga.
Ibinalik ko na yung phone sa may sidetable at humiga sa kama ng nakangiti. Pumikit at natulog ng mahimbing.
***
Maaga akong nagising dahil may appointment ako sa new client ko. Agad akong naligo at nagbihis. Isang semi-formal corporate attire lang naman ang suot ko. Usual ko na ding suot 'to. Dinaig ko pa ang office girl o ang outfit ng isang lawyer. Haha. Mas bagay kasi sa personality ko. Tough and sophisticated.
Ganito na lang araw-araw gigising ng maaga, traffic, coffee at trabaho. Buong araw ko yun lang naman ang nangyayari minsan lang ako marelax kapag nagkikita kaming magkakaibigan o pag lumalabas kami ni Louie. Nakakasawa na din pero wala akong magagawa dito lang naman umiikot ang mundo ko. Sabagay sa dalawang bagay lang naman umiikot ang mundo ko sa trabaho at sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride
RomanceLESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag magsasalita ng tapos.