Chapter 25

71.1K 979 56
                                    

Chapter 25

"This is war Sheila!"

"Game on" balik hamon ko sa kaniya.

Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog yung doorbell. Alam ko na si Marcella na yun kaya naman inunahan ko na agad siya sa pagbubukas ng pintuan.

"Good Evening Marcella." bati ko sa kanya na puno ng pang-aasar.

"W-what are you doing here?!" she said.

"Umuuwi lang sa bahay namin. Ikaw bakit ka nandito? Kailan pa naging hotel itong mansion?" pumasok na ko sa loob ng bahay at naupo muli sa sofa at silang dalawa ay halatang nag-uusap sa mga tingin.

"At pano ka naman makikitira dito eh hiwalay na kayo ni King?!"

"Pwede naman. Pinaka simpleng sagot na yung nagkabalikan kami ni King at pinaka bongga sa lahat kasal pa din kami. Eh kayo ba ni King ano? Hahaha." nakita kong naningkit yung mga mata ni    Marcella.

"Panong nangyari yun?" sumama yung tingin ko kay Marcella. Nakikita ko sa mga mata niya na may alam siya sa nangyari noon.

"Yan nga din ang pinagtataka ko eh! Akala ko ba divorce na sila?!" hindi ko maintindihan bakit parang nag-aaway pa ata silang dalawa?! Magsasalita pa sana ko ng bigla kong narinig ang boses ni King.

"Love, okay na yung mga gamit mo tara na dito sa taas." binigyan ko lang ng mapanlokong ngiti si Marcella at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Pano ba yan punta na daw ako sa taas. Medyo maingay kami mamaya kaya mama and Marcella pasensya na kung hindi kayo makakatulog ng maayos this night. Haha. Alam niyo na namiss namin ng asawa ko ang isa't-isa." tumalikod na ko sa kanila at sikretong napatawa sa reaksyon nilang dalawa.

Marcella's POV

Tinignan ko ng masama si Sheila habang papaakyat ito ng hagdan. Naikuyom ko yung kamay ko sa galit. Damn it! Ito ang dahilan kung bakit hindi kami makapagpakasal ni King dahil sa pesteng kasal na yan! Bakit pa kasi scam lang yung divorce! Ayoko naman makasuhan ng forgery pero ayoko din makasuhan ng adultery! Punyeta naman oh! At ngayon nalaman na nila yung katotohanan ano pa kayang laban ko!! Akala ko talaga maaalis na landas ko si Sheila at dahil sa mga ginawa ko ay kamumuhian na nila ang isa't-isa. 

"Akala ko ba hiwalay na sila legally?! Eh ano 'tong sinasabi ni Sheila na kasal pa sila?!" pagalit na tanong sakin ni Tita Emily.

"Ayaw kasi magpabayad ng korte kaya kailangan ko gumawa ng fake divorce papers. Hindi ko naman alam na after all these years eh mabubuko pa tayo." sabi ko kay tita. Naupo ako sa sofa at inilabas yung sigarilyo ko.

"Akala ko ba sila mismo nag-decide na maghiwalay?!" naguguluhang tanong ni tita sa akin.

"Okay, hindi ko sinabi yung lahat Tita and I'm sorry. Ano ng gagawin natin ngayon?! Kailangan mapaghiwalay natin ulit sila!" 

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon