Chapter 27
Kakababa ko lang ng kotse bitbit si Yvette at ang mga gamit nito ng mapansin kong may isang kotse sa may garage ng mansion. Pamilyar yung kotse ngunit hindi ko matandaan kung saan ko nga ba nakita yung kotse na yun eh. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na sa loob ng bahay.
Naabutan ko sa loob ng bahay si mama habang nagkakape sa may sala, hakatang nagtataka siya kung sino yung batang kasama ko.
"Hi ma. Anak nga pala ni Brooke 'tong bata sakin muna ng ilang araw."
"Eh bakit na sayo?" tumayo si mama at lumapit sa akin. Biglang humagikgik si Yvette kaya naman napangiti si mama. Aba naman! Ngumingiti si mama sa mga bata? Kailan pa siya nahilig sa mga bata?
"Napaka cute naman nitong bata na'to. Anong pangalan niya?" iniabot ko sa kanya si Yvetteat sinimulan na niya itong aluin.
"Yvette po pangalan niya." sabi ko habang ibinababa yung mga gamit ni Yvette sa sofa.
"Naku matagal ko ng gusto magkaanak na babae kaso naman isa lang binigay sa amin." yung feeling na akala mo napakaclose naming dalawa kung mag-usap. Haha. Para bang yung bata yung dahilan kung bakit nagkakasundo ngayon. Eh teka bakit dati ayaw niya sa anak ko? Bakit kailangan niyang pumayag sa gusto ng doctor. Hays. Naalala ko na naman.
"Ano gusto ng bata? Huh? Napakacute at bungisngis na bata." napangiti ako ng mapagmasdan si mama na nilalaro si Yvette.
"Mamaya sakin na matutulog si Yvette para hindi na kayo maistorbo pa ni King." nakakapagtaka talaga 'tong si mama. Lately bumabait na sakin. Bagong buhay na ba ito? Nagsisi na sa lahat ng kasalanan niya? Kasi naman ayaw pa niya kami maistorbo ni King. Nakakatouch lang sobra!
"Uhmmm sige po. Kanino nga po pala yung kotse sa labas?" ayan nagiging magalang na tuloy ako bigla kay mama dahil sa kabaitan niyang pinapakita sa akin. Hahaha.
"Kay Marcella yun. Pinauwi niya galing America." napakunot yung noo ko. Sa America pa pala galing yung kotse na yun pero bakit parang nakita ko na yun somewhere? Hindi ko lang talaga matandaan eh. Ibang kotse lang kaya yun?
"Sige na umakyat ka na sa taas para makapagpalit ka na ng damit." napailing na lang ako at umakyat na sa hagdan. Kakaiba talaga si mama ngayon.
Nakasalubong ko sa hagdan si Marcella na pababa naman. Nag smirk lang siya at tinignan ako ng masama. Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat na lamang ng hagdan. Napapagod ako physically and emotionally at gusto ko magbabad ngayon sa bathtub.
Mabilis akong naghubad ng damit pagkarating sa kwarto namin ni King at ibinabad ang sarili ko sa maligamgam na tubig. Nagbukas din ako ng wine at uminom habang nakababad sa bathtub ang katawan ko. Atleast kahit papano narelax yung katawan at isip ko. Ipinikit ko yung mga mata ko at nagmuni-muni.
Bumalik sa isip ko yung nangyari limang taon na ang nakakaran.
Naglalakad ako sa kalsada noon papunta sa bus station. Malamig. Halos umuusok yung bibig ko sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Patawid na sana ako nang bigla na lamang akong may narinig na malakas na busina. Paglingon ko isang humahagibis na kotse ang palapit sa akin. Hanggang sa tuluyan na kong masilaw sa liwanag at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride
RomanceLESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag magsasalita ng tapos.