Chapter 1

207K 1.8K 83
                                    

Chapter 1

5 Years Earlier

"Sheila, mauna na kami mukhang may maghahatid naman na sayo." nguso ni Brooke sa lalaking parating. Sya na naman?!! Talaga namang ang tatag ng fighting spirit neto. Nagbuntong hininga na lang ako at tumango.

"Sige ah. Ingat ka. Sakto makakasabay ako umuwi kay Steven." mahinhin na tawa ni Brooke.

"Jackie, sabay ka na samin para makatipid ka." yakap pa ni Brooke kay Jackie. Kumpara kasi samin si Jackie ang pinaka praktikal palibhasa laki sa hirap.

"Gusto ko yang mga ganyan pero wag ngayon, kay Bianca na lang ako sasabay. Guguluhin ko yung date nila ni Luigi! Hahaha!" hay nako sira-ulo talagang babae na'to.

"Hay nako! Magboyfriend ka na kasi ng matino! Lagi ka na lang namin nakikita sa bar na may kahalikan eh. Look at Sheila tignan mong ganyan yan pero malapit na ding magka-lovelife. Hahaha. Napag-iiwanan ka na huy!" inirapan ko na lang si Biancx kasi alam ko naman na nangangantyaw lang sya.

"Tse! Yayaman ba ko pag nagboyfriend ako? Okay na ko sa fling no. Tara na talaga. Malapit na yung papabols ni mareng Sheila.'

"Lubayan mo ko Jacques ah!" at inaamba ko na sa kanya yung flying kick ko. Nandito ko sa gym para magpractice dahil ako ang team leader ng taekwondo club. Dati talaga hinihintay nila ko bigla lang umepal yung makulit kong 'manliligaw'.

"Oy oy subukan mo lang!" natawa naman kami sa reaksyon ni Jackie dahil awtomatiko syang napaamba ng suntok sakin. Lagi kasi syang bugbog sarado sakin. Hahaha.

"Makaalis na talaga! Oy Sheila Estevan! wag ka munang bibigay ah!" bago pa ko makaapuhap ay mga nagsitakbuhan na sila palabas ng gym. Tsk. Parang di college students kumilos ah?! Asa naman bumigay ako, hindi ako tanga para gawin yun.

"Hi honey." inakbayan nya ko at binigyan ng nakakalokong ngiti. Talagang sinusubukan ako ng lalaking 'to ah bukod sa ang yabang na eh may pagka malikot pa ang kamay. 

"Honey your face!!" at agad kong kinuha yung kamay nya at pinilipit ito sanhi para mapaupo sya sa sahig dahil doon agad ko syang dinaganan para hindi na sya makapalag pa.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon