Chapter 22
Hindi ko gusto yung ganitong open forum pero wala akong magagawa kundi sagutin ito. Ayoko naman ng maging duwag pa. Somehow kailangan ko ding harapin yung realidad. Nasaktan na ko kaya kung ano pa man yung maririnig at maririnig ko sa pag-uusap na'to handa na ko.
Huminga ako ng malalim at muling lumagok sa beer ko. Bahagya akong nakaramdan ng pagsakit ng lalamunan ngunit alam kong hindi dahil sa alak iyon na nanunuot sa lalamunan ko. Hindi ko akalain na darating yung pagkakataon na magkaka-usap pa kaming muli ni King ng ganito. Naramdaman ko na hinawakan ni King yung kamay ko. Ilang beses ko bang pinangarap na mahawakan muli yung kamay niya? Na maramdaman kung gaano ako ka-safe sa mga kamay niya.
"Bakit ba naging ganito yung sitwasyon natin?" tanong ni King na may halong hinanakit sa boses nito.
"Hindi ko din alam, nagising na lang ako isang umaga na hindi na katulad ng dati kung ano yung meron tayo." malungkot kong sabi sa kanya. Nararamdaman ko na naman yung kirot sa puso ko sa tuwing naaalala yun. Bakit ba ganito ang masaktan? Sumasakit yung puso ng literal.
Parang inlove na inlove pa kami noon pero nagbago simula nung nagpakasal kami o sasabihin kong dahil sa nanay niya? Sino nga bang dapat sisihin sa mga nangyari? Sino ba sa amin ang tunay na nagkulang? Ako ba o siya? Limang taon ko din itong tinanong sa sarili ko at sa tingin ko dapat ng sagutin. Masaktan na kung masasaktan, sanay naman na ko.
"Bakit mo ko sinaktan King?" hinarap ko siya at hinayaan na umagos ang mga luha ko na ilang taon ko ding pinigilan. Gusto kong manumbat! Gusto ko siyang sigawan sa lahat ng pasakit na naranasan ko!
"Alam mong sayo ko lang pinagkatiwala yung puso ko pero bakit kailangan mo kong saktan ng ganun?! Alam ko namang minsan manhid ako pero hindi ako bato!! Nasasaktan ako!!" I said. Ngayon ko lang nailabas ng ganito yung emotions ko usually nahihiya ako na ilabas yung nararamdaman ko dahil sa pride ko.
"Bakit? Ikaw lang ba ang nasaktan Sheila? Mahal na mahal kita at ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito! Sa kabila ng ginawa mo ikaw pa din ang mahal ko eh!" sigaw din niya sa akin at makikita mo na nasasaktan din siya. Naguguluhan ako.
"Mahal?! Pero niloko niyo ko ni Marcella at hanggang ngayon kayo pa din tapos sasabihin mong ako pa din ang mahal mo?!! Pwede ba wag na tayong maglokohan pa King! Sawang sawa na ko sa mga kasinungalingan mo!!" shit! Ayaw na talagang tumigil nitong mga pesteng luha ko. Ang pinaka ayoko talagang aminin eh yung makalipas ng limang taon kay King pa din pala tumitibok ang puso ko.
"Pinagsisihan ko na yung nagawa kong yun Sheila at mali ka ng iniisip sa amin ngayon ni Marcella. Sinubukan kong humingi ng tawad sayo noon sa America pero inunahan mo naman ako ng pakikipaghiwalay." nakita ko yung sakit sa mga mata niya ngunit nangunot yung noo ko sa huli niyang sinabi.
"Ano kamo?! A-ako pa?!! Ikaw ang nakipaghiwalay! Ikaw ang nakipag-divorce!" galit na galit kong paratang sa kanya ngunit ramdam ko may mali.
"Ano?!! Ikaw ang nagpadala sakin ng divorce papers." nalilito na niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
The Virgin's First Night 3: Once Upon A Bride
RomanceLESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wag magsasalita ng tapos.