PROLOGUE:

20 4 0
                                    

Nakaupo lang kaming dalawa dito sa bench sa may soccer field nang tawagin niya yung pangalan ko na siyang dahilan para mapunta sa kaniya yung buong atensyon ko.

"Soul..."

"hmm?" sagot ko habang nakatingin sa mukha niyang ang layo ng tinatanaw na para bang hindi mapakali.

"ahm... gusto ko malaman mo na... M-maha-"

"Mahal din kita" sabi ko with matching sweet smile pa.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap o/////o

"Mahal na mahal kita Soul"

Aiy ang sweet naman niya, kinikilig tuloy ako😊, niyakap ko rin siya dahil gusto ko talaga siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit.

"Mahal din kita"
~~~~

"Yuck!!! ate anong ginagawa mo?! ewwww, umalis ka nga!" galit na sabi ng kapatid ko.

Eh? nasan ako? diba nasa soccer field ako kanina?

"Hay naku, nanaginip ka siguro sa crush mo noh? ayiiiieee~ may pa-mahal mahal din kita ka pang nalalaman ah" pang-aasar niya. Huh? ano daw? panaginip? panaginip lang yun? T.T

huhuhuhu.... yun na yun eh T.T

"Anong nanaginip? di ah" tanggi ko pero alam ko namang di maniniwala 'tong mokong na 'to eh, tsss.

"hehehe, di daw? may pa-yakap yakap ka pa nga eh😒" pabulong na sabi niya pero dinig ko pa rin.

"Anong sabi mo?!"

"Wala, sabi ko maliligo lang ako, baka kasi may germs yang kamay mo tapos niyakap yakap mo pa sa akin. It's ewwey kaya" maarteng sabi niya.

"Tsss! arte nito kala mo naman kung sinong malinis kung makapagsalita. Hoy! para sabihin ko sa'yo malinis 'tong kamay ko noh safeguard kaya gamit ko kaya 99.9% germ free"

"Osige na, alam ko na yan. Mahal din kita😂" with matching mapang-asar face pa talaga ah, asar!

Sana maumpog ka diyan sa banyo ng sa ganun ay ma-amnesia ka! hay, asar! ibabalita na naman niya ito sa mga barkada niya, kainis! bakit ba kasi dito siya natulog sa kwarto ko eh! T.T

****

"hala! di ka pa maliligo?" tanong na naman ng isang 'to, bakit ba di 'to naumpog para makatawag na ako ng ambulansiya?😒

"Aiy tapos na, kaya nga nandito pa ako sa kama eh nakahiga dahil tapos na ako maligo" pamimilosopo ko. Well, diyan ako magaling😂.

"Aiy galit"

"Di, masaya"

"Sarap mo rin kausap ate noh?"

"Aiy talaga? so, kinakain mo ako tuwing nagsasalita ako?"

"Tsss! layo ng narating tinatanong lang naman kung bakit di pa siya naliligo😒 palibhasa hanggang ngayon single pa rin😒"

"Malamang ginamit mo yung banyo ko eh, paano ako maliligo aber? at saka bakit kini-question mo yung pagiging single ko? Palibhasa kasi ang bilis mo pumapaniwala dyan sa mga lalaki kaya ayan simpleng the moves lang sa'yo ni Mark sinagot mo na. Tss! lakas sabihin nitong single ako"

"Single ka na man talaga ate ah at saka wag mo idamay si Mark dito dahil mabait siya" sabi niya.

"Weh? mabait lang naman yan sa umpisa eh pero iiwan ka rin nyan"

"Yan, yan yung dahilan kung bakit single ka, ang bitter mo kasi at manhid. Tignan mo yung crush mo, ilang taon ulit yun naghintay sa'yo? 5 years? diba ang tagal kaya kahit sinong lalaki magsasawa talagang maghintay ng ganun katagal kaya ayon naghanap na ng iba pero ikaw hanggang ngayon nganga" eh grabe to makapagsalita ah, expert lang ang peg?

"Wala kang pake!"

"Tss! bahala ka nga, halata namang mahal mo pa siya eh at di ka pa nakapagmove-on" -siya

"Move on? Di naman naging kami ah, ba't ako mag move on?"

"Maligo ka na nga, first day mo ngayon sa Grade 12 kaya maghanda ka na" paalala niya. Eh? nanay lang ang trip?

"Yesh mommy😂" masiglang sabi ko kasabay ng paglabas niya ng kwarto.

Hay, tama yung kapatid ko. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ngayon malungkot ako at puno ng pagsisisi *sigh*.
Bakit ba kasi hanggang ngayon mahal ko pa rin siya? Bakit hindi ko pa rin siya magawang kalimutan?

Why I'm so stupid?

Why? Why he still remains here in my heart?

Why all the pain still remains in me? T.T

Why I'm still remain single? ahw hahaha... sarrey, naisingit eh ^_^.




*****It Still Remains*****
#########################

AUTHOR'S NOTE:

Hi po✋, first time ko pong magsulat dito sa wattpad kaya kinakabahan ako na baka hindi niyo magustuhan yung story ko but I will do my best!

Lahat po ng characters sa story na 'to ay k-pop pero hindi ko po ginaya yung mga ugali nila at kung ano man yung mga personality nila dahil gusto ko po kasi na maging creative naman yung story ko at siguro meron akong kinuha pero kunti lang✌😁

At isipin niyo na lang na mga teen-version pa ng mga characters ang iba jan.

The names of the characters are based on all my k-pop idols from lovelyz, AOA, EXO, girls generation, N'Flying, Apink, 2ne1, red velvet, bigbang, sistar, GFriend and etc.

Sana po suportahan niyo yung story ko🙏

Yung mga susunod na chapters po, yun po yung nakaraan nung bida dyan sa kwento. Kaya basahin niyo po para maintindihan niyo yung mga pinagsasabi nila dyan sa itaas.

Yun lang po and ENJOY READING!!!

It Still RemainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon