Baby Soul POV
July 5 na ngayon kaya isang buwan na talaga ako dito sa school na 'to.
Habang naglalakad ako patungong main gate dahil uuwi na sana.
"Hoy, ligaw na kaluluwa!"
Ugh, yung lalaki na namang yun, bakulaw talaga!
"Bakit ba 'bakulaw'?" iritadong tanong ko sa kanya. Ugh, sino nga namang di mairita dito sa taong 'to? kung makagawa ng palayaw wagas. Anong tingin niya sa akin mukhang naliligaw? tss!
"Hoy, para sabihin ko sa'yo di bakulaw ang pangalan ko, napakagwapo ko naman yata para maging bakulaw" . Tss! hangin, ito yung dahilan eh kung bakit napakaraming bagyong lumalapit dito sa Pilipinas, lakas kasi ng hangin. Pakulong niyo nga 'to.
"Ano ba kasi!?"
"Grabe ang sungit. Dapat sabihin mong 'ano yun gwapong Kris?'"
"Ugh!" -ako sabay lakad ng mabilis, kaya lang yung tatlong hakbang ko isa lang sa kanya kaya wala rin yung palakad-lakad ko daw ng mabilis. Huminto na lang ako kapagod na kasi.
"Hoy, ikaw ah, hinintay kaya kita dahil ang tagal niyong umuwi tapos ngayon iiwan mo lang ako at di papakinggan yung sasabihin ko? Alam mo bang ang sakit maghintay tapos iiwan ka lang?"
Eh? Hugot si manong?
"Hindi ko alam, buti pinaalam mo, salamat" -_-
"Tss! Pilosopo talaga. Hoy, para sabihin ko sa'yo may utang ka pa sa akin"
"Talaga? di ko alam yan ah. Palautang na pala ako ngayon?" -_-
"Kailan kaya kita makakausap ng matino?"
"Bakit? Tuliling ba ako?" -_-
"Tss! tama na nga 'to. Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na dahil may utang ka sa akin dahil di ka nakakuha ng number ni Hyejeong ay papupuntahin mo ako sa inyo bukas"
Eh? Bakit siya pupunta?
Aiy alam ko na, maglalandian na naman 'to silang dalawa ni kuya Tao."Pwede ba?" tanong niya ulit.
"Bakit ba? Ano bang meron sa bahay namin bukas?" takang tanong ko. Hehe, nagtataka talaga ako dahil wala naman si kuya sa bahay namin eh dahil nasa dorm niya😂.
"Pagkain"
Eh? Yung totoo, matakaw na siya ngayon?
Takang tiningnan ko ulit siya.
"Aiy grabe, nakalimutan mo?"-siya
"Ang ano?"
"Hay grabe, dapat di Baby Soul yung tawag sa'yo eh dapat Old Soul" sabi niya at dahil pikon ako, umalis na ako kaagad baka ano pa magawa ko sa taong 'to, tss! Buti naman at di na siya sumunod dahil kung sumunod siya ipapa-rape ko talaga siya sa classmate kong bakla kahit wala naman akong classmate na ganun.
***
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sila mama sa living room na may ginagawa.
"Oiy ate, nandyan ka na pala?" sabi ni Namjoo. Wala silang pasok ngayon eh, ang unfair T.T
"Aiy wala pa, tss!" kita na ngang nandito ako diba.
"Tingnan mo anak oh ang ganda ng mga invitation cards" sabi ni mama sabay pakita ng mga invitation cards na hawak niya.
"Para saan po yan?"
"Aiy, di mo alam ate?"
"Bakit tatanong ko ba kung alam ko na? Ok ka lang?"
BINABASA MO ANG
It Still Remains
FanficLOVING is the most beautiful thing that you would experience in this world. Love doesn't requires an exchange, if you love someone you give your whole even though it has no in return. Love also, is not about owning someone but it is about how you...