Lay's POV
Yeah, me again :) hi fans...
Nandito kami ngayon sa group namin dahil may activity daw kasi kami para sa Science subject namin 'sound' na kasi yung topic namin eh.
Inutusan kami ni Ms. CL kanina na magcount-off para magkaroon ng group kaya lang itong si J.Don at yung iba pang kabarkada namin, nagcount-off nga kaya lang di naman pumunta sa group nila at doon sumali sa group ko para daw magkakasama kami. Tss! Babakla talaga pero alam ko naman kung bakit sa group ko sumali si J.Don eh dahil nandun si Soul, alam niyo na crazy inlove kahit nabasted na sige parin. Hay, pag-ibig nga naman.
Ang group naman namin yung sobrang ingay, alam niyo na mga lalaki kung anu-ano lang yung sumasagi sa isip.
Kami rin kasi yung pinakamarami dahil nga- alam niyo na yung dahilan.
Sila Soul at Soojeong lang naman yung babae naming ka-grupo. At yung Soul- ewan ko pero mukhang naiilang siyang kumausap kay Soojeong, parang galit na ewan, siguro may nagawa si Soojeong sa kanyang di maganda na siya lang yung nakakaalam. Hay.... Ewan ko sa kanilang dalawa.
"So, itong group niyo yung magiging banda niyo. Alam naman natin na 'SOUND' na yung topic natin kaya kailangan niyong magperform gamit lang ang native na mga instrumento para makalikha ng tunog, music or sound. So ano? Ready na kayo? The presentation will be on Friday kaya may dalawang araw pa kayo para makapag-practice. Ngayon, ang gagawin niyo lang ay mag-isip ng kantang kakantahin. Depende na sa inyo kung ilan yung kakanta basta siguraduhin niyo lang na makapag-participate lahat" pagpapaliwanag ni Ms. CL.
Native na mga instumento- kagaya ng flute na gawa sa kawayan, gitarang gawa sa ewan ko dun saan yun gawa basta maliit siya tapos basta yun na yun, drums na gawa sa mga malalaking lata- pwede rin kasi daw gumamit ng recycled materials, meron rin kaming instrumento na gawa sa pinagsama-samang tanzan ng softdrinks. Meron ring lyre na kahoy. Basta kung anu-ano pa.
Yung kanta naman namin ay "Wouldn't Change a Thing" by Camp Rock 2 cast. Dalawa yung kumanta niyan bale duet kung baga kaya pinili namin si J.Don at Baby Soul bilang mga singers. Actually, marami namang magaganda yung boses sa amin eh kaya lang pagbigyan na natin si J.Don, umiibig eh.
***
Soojeong POVAnnyeong... Hahaha ...
Dahil nga may activity kami sa Science namin, kaya heto ako ngayon nagmamakaawa sa kapatid ko na pahiramin niya ako nung gawa niyang tanzan, alam niyo nangangaroling kasi 'to sila kasama yung mga kabarkada niya. Sabi nila trip-trip lang daw at para narin makalakwatsa, para-paraan din.
"Sige na, please" huhu kawawa naman ako nagmamakaawa. Sana ako na lang yung kakanta kaya lang sabi ni Lay sila Soul at J.Don lang daw. Hay, pumapag-ibig na talaga. Pero pa'no naman ako? Di ba importante yung nararamdaman ko? *sigh * OK hayaan nalang, wala rin naman akong magagawa.
"Bahala ka dyan, gumawa ka ng sa iyo!" Sagot naman niya. Luh! Walang modo!
"Please ... "
"Bahala ka "
"Ako gagawa ng assignment mo for 1 month " huhu bahala na wala na akong maisip na ibang paraan eh T_T
"Nandun sa drawer ko kunin mo "
Grabe kailangan talaga may kapalit? Huhu but it's okay at least may magagamit na ako.
***
Kinabukasan ay nagpractice na nga kami. Ang ganda naman nung kanta. Ang ganda rin ng boses ni Soul at okay si J.Don na rin (^///^)
Pero pansin ko lang. Galit ba si Soul sa akin? Bakit iba yata yung pakitungo niya sa akin? Luh! Baka gusto niya rin si J.Don tapos nalaman niyang crush ko rin siya 😱. Patay! Baka yun nga yung dahilan. Ayoko pa namang may galit sa akin, huhu...
***
Baby Soul POVNgayon na kami magp-present nung sa activity namin kaya naghanda na nga kami. Nandito kami ngayon sa multipurpose hall kaya ang daming nanonood lalo na yung grade 10, nasa building kasi nila yung multipurpose hall eh.
"Batang Kaluluwa! Good luck (^O^)"
Hay, di ko na kailangan pang sabihin sa inyo kung sino yung nagsabi niyan dahil isang tao lang naman yung tumatawag sa akin ng ganyan eh at grade 10 rin siya ∪ˍ∪
Inirapan ko lang siya. Duh! Wala ako sa mood hahaha kinakabahan kasi ako eh.
"Di mo naman sinabi na may fan ka pala dito " biglang sabi naman ni Lay. Tss! fan kuno daw. Kaaway ko kaya yan →_→
Unang nagperform yung grupo nila Luhan. Ang galing niya palang mag-flute. Maganda yung boses niya kaya lang di panglalaki yung kinanta nila eh. Inaabangan ko pa naman siyang kumanta.
Eh? Ako ba may sabi nun? Bakit ko naman siya aabangan kumanta?
Luh! Kami na yung susunod. Hinga muna ng malalim. Kaya mo yan. Tiwala lang. Magaling ka. *dugdug *dugdug * luh! Kinakabahan talaga ako. T_T
Nagperform na nga kami at di ko naman maiwasan ang mailang, alam niyo naman na bago lang siya nag-confess sa akin pero nagawa naman namin ng maayos at maganda naman yung naging performance namin kaya thanks also to our group mates dahil ang gagaling nila.
Luhan POV
Hay... Natapos na rin sa wakas yung activity namin. Bumalik na agad ako sa classroom namin, ano pa bang tatagalan ko dun?
"Luhan... Pupunta ka ba sa classroom natin? Sabay ako "
Sabi niya kanina kaya ito kami ngayon magkasama rito yiiee ~ ang sweet >///<
"Ang galing mo naman kanina. Pwede tumugtug ka ulit? " sabi ng Soul ko, hehe...
"Ahh sige. Para sa'yo " yieee ~ dumada-moves na si ako.
Tumugtug na nga ako, maya-maya pa ay sinabayan niya naman ito ng kanta. Di ko talaga makakalimutan 'tong araw na 'to. Hindi ko kasi nakikitang cold siya sa puntong 'to eh. Nagtataka nga ako eh dahil para siyang panahon sa bundok pabago-bago minsan ang taray, minsan cold, minsan naman sweet...
"Ayiiieee ~ Ano yan? " biglang sabi nung istorbong Lay. Hay, kainis esh.
Dahil dun bigla nalang ulit bumalik sa pagiging cold nung tingin ni Soul at tumayo na bigla. Kainis talaga 'tong Lay na 'to!
############################
BINABASA MO ANG
It Still Remains
Hayran KurguLOVING is the most beautiful thing that you would experience in this world. Love doesn't requires an exchange, if you love someone you give your whole even though it has no in return. Love also, is not about owning someone but it is about how you...