Baby Soul POV:
Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harap ng classroom namin kasama yung mga kaklase ko. Ewan ko ba kung bakit sarado pa 'tong classroom namin hanggang ngayon eh, sa kabila naman bukas na. Nadaan-daanan na nga kami ng mga taga first section eh dahil nga magkatabi yung classroom namin.
Ugh! Grabe naman makatingin yung mga taga first section, parang sinasabi ng mga tingin nila na loser kami, ang sama ng mga ugali palibhasa nasa first section.
"Oyy, ano 'to? Sira ba classroom niyo? hahahaha" sabi pa nung isa at tumawa naman yung mga kasamahan niya. tss!
Wala namang umimik sa amin dahil alam naman nating lahat na wala talagang may lakas ng loob na kalabanin yung mga taga first section. Hello?!. sila kaya yung mga ginagalang na mga estudyante dahil nga matatalino at kilala ang mga pamilya.Kaya nga dahil sa pakikitungo sa kanila ay lumaki na yung mga ulo at aapak-apakan nalang yung mga hetero sections.
"Guys, wag kayong ganyan tandaan niyo mga estudyante rin yan ng Anderson High kaya schoolmates natin sila at dapat hindi natin sila maliitin dahil pantay-pantay lang naman tayo dito eh. Kaya sana hindi tayo magmataas dahil lang first section tayo, dapat maging magkaibigan tayong lahat dito" sabi nung babaeng curly yung buhok na bumagay naman sa kagandahan niya at may kasama naman siyang dalawang babae na obviously kaibigan niya.
Pagkasabi niya nun ay para namang nahiya yung limang lalaki at humingi ng tawad sa amin.
At dahil doon masasabi kong ang babaeng ito ay ginagalang talaga.
Wow, napaka-inosente ng mukha niya.
Pagkaalis naman nung lima, napunta naman kaagad yung tingin niya sa amin.
"Pasensya na kayo sa mga kaklase namin ah, ganun lang talaga yun sila napaka-bully" paghingi niya ng tawad sabay ngiti.
"Okay lang yun" sagot naman ni Hyejeong.
"By the way, kung di niyo pa ako kilala ako nga pala si Yein Jung, ito namang nasa kaliwa ko ay si Jisoo at ito namang nasa kanan ay si Jin" pagpapakilala niya at ngumiti naman sa amin yung mga kaibigan niya.
"Of course we know you because your family name is very known especially in business world and about you... We all know you because of your intelligence, you are the class valedictorian during elementary in a very known school in our country" sabi ulit ni Hyejeong. Eh? Bakit di ko siya kilala? Aiyy tama kilala ko na nga pala siya ngayon. Ang hina mo talaga Soul.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na sila dahil malapit nang magsimula yung klase nila. Kami naman ay nakatayo parin dito at si Hyejeong naman ay umalis para pumunta ng faculty room para sabihin na sarado pa yung classroom namin.
"Hi Baby Soul, ang ganda mo talaga bagay sayo yung suot mo" sabi naman ni Hyoyeon. Ugh! I really hate their praises. Ayoko kasing pinupuri ako eh, alam niyo na yung sasabihan kang maganda, matalino at kung anu-ano pa, ewan ko pero ayoko talaga nun.
At dahil ayaw ko nun ay tinapunan ko siya ng masamang tingin. Ano ba kasing ikinaganda ko sa suot ko eh naka skinny jeans lang naman ako, rubber shoes at naka white T-shirt. See, my outfit is just a simple and ordinary one tapos kung makapuri siya sa suot ko parang fashionista ako. Tss!
"Ang taray mo naman eh nagsasabi lang naman ako ng totoo" sabi niya pa sa inosenteng paraan, naawa tuloy ako pero basta ayoko kasing tinatawag akong ganun eh at siya yung napakakulit na palaging nagpupuri sa akin kaya puro masasamang tingin yung binibigay ko sa kanya.
Maya-maya pa ay nabuksan na rin yung classroom namin at nagsimula na rin yung klase namin.
Sa kalagitnaan ng klase namin sa English ay para namang may sumitsit kaya tumingin ako sa kabilang row at nakita ko naman si J.Don na nakatingin sa gawi ko at nung nakita niyang lumingon ako ay bigla nalang siyang kumindat sa akin. Yuck! Just like eww!
Dahil d'on ay mabilis akong tumingin sa harap at maya-maya pa'y sumitsit na naman ito. Ayokong tumingin pero parang may humihila sa akin na lumingon kaya lumingon ulit ako at ganun parin ang ginawa niya at hindi na siya nag-iisa dahil nakisali na rin si Lay sa kanya, tss! magbarkada nga. Feeling ko naman pinagkakaisahan lang nila ako kaya ang ginawa ko ay gumanti ako ng kindat at effective dahil pagkatapos ko siyang kindatan ay namula siya at tumigil na at parang yumuko, hahahaha... Kakatawa.
Pero nagkamali ako, hindi pala sa kindat yun dahil pagbalik ko ng aking paningin sa harap ay nandoon na pala si ma'am sa mismong harap ko at nakapamewang pa at parang galit na.
Patay! Siya pa naman yung kinatatakutan kong guro dahil ang taray at English pa talaga yung subject niya ah and speaking of English, I'm very slow of that subject and I really hate that subject.
"Ms. Lee, what do you think are you doing?" tanong ni Ms. Seulgi kahit parang alam na naman niya yung ginawa ko. Kainis!
*****
Kainis talaga! Hindi pa rin talaga ako naka-recover sa nangyari kanina, eh pano ba naman kasi dahil sa nahuli nga niya akong hindi nakikinig ay pinasalaysay niya pa talaga sa akin yung nangyari sa estoryang binasa niya and take note English yung subject niya kaya feeling ko na tuloy naubos na yung dugo ko kaka-English:(
"Kumusta yung dugo mo? Anemic na ba?" pabirong tanong naman ni Mijoo. Wow ah, poket ang galing sa English binunully nalang ako? Ok fine! Ako na yung mahina sa English, masaya na?! Di naman kasi English yung inaaral ko eh Japanese para naman pag nanonood ako ng anime di na ako tumutingin sa subtitle para makapag-focus nalang ako sa mukha ni Sasuke😆.
########
Don't forget to Comment and vote:))
BINABASA MO ANG
It Still Remains
FanfictionLOVING is the most beautiful thing that you would experience in this world. Love doesn't requires an exchange, if you love someone you give your whole even though it has no in return. Love also, is not about owning someone but it is about how you...