Friday na ngayon at ngayon daw kami mag-eelect ng officers sabi ni Ms. Menzy."Hoy, Baby Soul gawin nating muse si Hyejeong" sabi ni Mijoo. Hay, ayan na naman po siya sa muse thingy niya. Bakit ba pag tumatawag siya ng pangalan may 'hoy' talaga? Pwede na man sigurong wala diba?
"Depende kung gawin nga siyang muse ng mga kaklase natin" sabi ko naman.
"Hay! Ewan ko sa'yo!". Eh? Ano bang ikinagalit niya sa sinabi ko? Bahala nga siya.
"Hoy Mina, gawin nating muse si Hyejeong" sabi ni Mijoo kay Mina.
"Hindi 'Hoy Mina' yung pangalan ko noh, pero gusto ko yang plano mo. Sige, ikaw na yung magnominate sa kanya at ako na yung mag-vote" sabi ni Mina.
"Ano ka ba? Tayong dalawa yung magboboto sa kanya. At para marami tayo sasabihan ko rin yung iba nating mga kaklase" sagot naman ni Mijoo. Hay, hindi ko talaga sila maintindihan, bakit ba gustong-gusto nila na maging muse si Hyejeong, eh pwede namang mas mataas pa na posisyon ang makuha niya dahil base sa group activity namin kahapon ay may kakayahan naman siya bilang isang pinuno.
Tatayo na sana si Mijoo para sabihan yung mga kaklase namin ngunit sakto namang dumating si Ms. Menzy kaya bumalik na lang siya sa kanyang upuan.
"Good morning, class. Ngayon na nga natin gagawin ang ating election for officers, kaya magsimula na tayo" sabi ni Ms. Menzy.
"Gawin natin siyang muse ah?" sabi na naman ni Mijoo sa aming dalawa ni Mina. Ugh, she's so annoying.
"Okay, the table is now open for the nomination of the class President" panimula ni Ms. Menzy.
"I nominate Baekhyun for president" sabi ni Chanyeol.
"Ok, Baekhyun is nominated for president"-Ms. Menzy
"Hoy, muse natin si Hyejeong ah?" Sabi na naman nitong katabi ko, ang ingay talaga.
Nagpasalamat naman ako sa sumunod na nagnominate dahil nang dahil sa kanya ay natahimik na rin itong si Mijoo.
"I nominate Hyejeong for president" sabi ni Yuna.
Hahaha, ano ka ngayon Mijoo? Hahaha... Nakakatawa ka.
"I close the nomination"-Choa
"I second the motion"-Chanmi
"The nomination is now closed. Ok, who is in favour of Baekhyun?" tanong ng guro.
Nakakuha naman siya ng 20 votes at siya rin ang binoto nina Mijoo at Mina dahil gusto yalaga nila na maging muse si Hyejeong.
"Ok, How about Ms. Hyejeong?" tanong ulit ng guro at nakakuha naman siya ng 30 votes at kasama na ako do'n, hehehe..
"So, the president is Ms. Shin Hyejeong. Come here in front" sabi ni Ms. Menzy kaya pumunta naman si Hyejeong sa harap at siya na ang nagpatuloy sa election.
Sa huli, ang napiling vice-president ay si Baekhyun, secretary si Seolhyun, treasurer naman ako(hahaha, akala niyo ah), auditor si Mijoo, P.I.O si Choa, P.O si Chanyeol, muse naman si Soojeong at ang prince ay si Sehun. At doon nagtatapos ang election namin, aiy, wait, may beadle pa pala at si Ms. Menzy yung pumili at ang pinili niya ay si Jiae.
***
Mabilis tumakbo ang oras at ngayon ay uwian na, nagtext naman yung driver nanim na hindi daw niya kami masusundo dahil umuwi daw siya sa kanila sa probinsya at sa susunod na araw pa yung uwi niya. Buti naman at sabado na bukas at wala nang pasok kaya magco-commute nalang ako papuntang elementary dahil kailangan ko pa kasing daanan yung kapatid ko.
BINABASA MO ANG
It Still Remains
FanfictionLOVING is the most beautiful thing that you would experience in this world. Love doesn't requires an exchange, if you love someone you give your whole even though it has no in return. Love also, is not about owning someone but it is about how you...