Nandito ako ngayon sa farm at inaalagaan yung tanim kong kamote.
"Luh! bakit? huhu... ninakaw yung kamote ko..." mangiyak-ngiyak na sabi ni Hyejeong. Actually maliit pa yung bunga nun dahil ilang buwan pa lang kasi simula nung tinanim namin 'to. Kaya lang bakit ninakaw? makakain na ba yun kahit maliit palang?
"Inaalagaan ko pa naman yun ng mabuti tapos... ganito lang?! It's unfair!" dagdag pa niya. Yeah, lahat naman yata kami inaalagaan talaga yung tanim namin dahil siguro may pagka-ignorante pa, kasi nga first time 'to naming magtanim eh.
"Ganun talaga, kahit inalagaan mo siya at ginawa ang lahat para sa kanya, darating parin yung araw na nanakawin siya ng iba" singit na naman ni Krystal. Yung totoo... saan ba talaga nanggaling yang hugot? Sino ba nagpasimuno niyan ng mabigyan ko ng award?
"Oo nga... huhu"-Hyejeong
"Tanim ka na lang muli gwapa" suhesyon ni Krystal.
Gwapa? Ano yun?
"Ok gwapa. Tulungan mo ko ah" sagot naman ni Hyejeong.
"Ano yung 'gwapa'?" tanong naman ni Chanmi.
"Gwapa means maganda. Bisaya yan siya girl" sagot sa kanya ni Krystal.
Ok na sana yung takbo ng buhay namin dahil nasulusyonan na yung problema ngunit...
"Ano ba... tumugil ka nga..." sabi nung babae. Ugh! kainis yung pagkasabi niya! Yung alam niyo na yung may pagkalandi... ewan ko kung landi ba yun basta naiinis ako sa kanya.
"Luhan akin na yan..."
Ugh! pwede lang naman siguro siyang magsalita ng normal diba? I mean yung normal na wala ng patawa-tawa o ngiti-ngiti na parang malandi. Tss! Di ako nagseselos ah naiinis lang. Linilinaw ko lang.
"Ano? Selos ka?" the hell? ako? no way!
"Hindi ako nagseselos Hyejeong ah" sabi ko sa kanya.
"Ok lang yan gwapa, ganun naman talaga yung mga lalaki papaasahin ka lang na sasaluhin ka pero pag nahulog ka na hahayaan at iiwan ka lang pala" said Krystal.
"Tumigil nga kayo. Di ako nagseselos" sabi ko. Di naman talaga ako nagseselos, sadyang mainit lang yung ulo ko. Bahala na kayo kung ayaw niyong maniwala.
"Weh? Kahit na dyan?" sabi ulit ni Hyejeong sabay turo kay Luhan at Soojeong na naghahabulan na dito sa farm. Yes, si Soojeong yung girl, ang ganda nga niya eh sobra, tss!
Ok lang naman yung maghahabulan sila eh, bakit pa kasi may kasamang yakap-yakap? Itong si Luhan talaga pag tinitignan ko sila sobrang touchy na.
Well, yung totoo kasi kinuha nitong si gwapong Luhan yung jacket nung magandang si girl, kaya itong si girl habol ng habol tapos nung naabutan kinuha yung jacket pero ayaw ibigay nung boy kaya ayon humantong sa mga touchy happenings at nung nabawi naman nung girl inagaw ulit ni boy kaya hayon si boy naman yung naghabol at nung naabutan ayaw ulit ibigay ni girl dahil nga sa kanya yun kaya may mga touchy happenings na namang nangyayari, tss! feeling ko tuloy ugh! wag na lang nga!
Buti nalang at time na kaya di na masakit sa mata ahw hahaha.
~~~~MATH~~~~
"Psst! psst! psst! Baby Soul" the hell! ako ba tinawag niya? Sabagay ako lang naman yung Baby Soul dito, hahaha... tanga lang Baby Soul?
Lumingon naman ako at si Luhan pala yung tumawag sa akin hehe... masaya naman si Baby Soul dahil dun😂.
Ngiti muna para maganda sa paningin niya😂.
"Pakibigay nga kay Soojeong" sabi niya sabay abot nung pangit na jacket ahw hahaha joke. Nagbago naman kaagad yung expression ko siyempre nung tinawag niya ako sobrang saya pero inutusan lang pala! tss!
BINABASA MO ANG
It Still Remains
FanficLOVING is the most beautiful thing that you would experience in this world. Love doesn't requires an exchange, if you love someone you give your whole even though it has no in return. Love also, is not about owning someone but it is about how you...