CHAPTER 7: Feelings

10 2 1
                                    

Baby Soul POV:

Nagdaan na ang ilang araw at buwan at wala pa ring pagbabago, hahaha di joke lang.

"Tss! nandito na naman 'tong lalaking 'to. Agang-aga nanliligaw" sabi ni Mina.

-_-

":-D "- Luhan

"Sagutin mo na kasi yan Soul, kawawa naman" sabi ulit ni Mina. Eh? sino? anong sasagutin ko?

[Ako~ Luhan~ Mina]

yan yung posisyon namin ngayon. Actually si Mijoo yung nakaupo dyan sa inuupuan ni Luhan kaya lang ewan ko kung nasaan na yung babaeng yun nagsususuot, pasalamat siya at wala kaming klase ngayon sa first period dahil may meeting yung mga teachers.

"Ha? May sira ka na ba Mina?" tanong ko naman sa kanya.

Walangya! Anong problema ng Luhan na 'to, ba't siya tingin ng tingin?

"Wag ka nga. Nakakasira ng araw yang tingin mo eh" saway ko dito.

"Bayaan mo na yan Soul, nagandahan siguro sa'yo. Sige ah alis lang ako para naman makapag-usap kayo😁" sabi ni Mina sabay alis. Bah! walangya yung babaeng yun ah, iniwan ba naman ako dito sa, mukhang ewan na taong 'to, ngiti lang ng ngiti di naman nagsasalita. Luh! may topak na.

*stare*- Luhan

-_- (ako)

Hay, baliw na 'to.

"Ayiieee~ may couple pala tayo dito" sabi naman ni Hyoyeon.

Tss! Couple daw. Talaga ba.

***

2nd period na kaya ang saya ko, dahil sa wakas may teacher na na papasok. Pano ba naman kasi yung Luhan na yun parang sira.

Tiningnan ko naman siya sa upuan niya sa kabilang row at... walangya! sakto namang tumingin siya sa akin kaya hayon nagtama yung paningin namin. 0////0

"Alam mo Soul may nabasa ako na kung magtatama daw yung paningin ng dalawang tao yung alam mo na yung babae at lalaki, may meaning daw yun kaya nga sinisikap ko eh na magtatama yung tingin namin ni Kris😆" biglang sabi ni Mijoo, di naman niya alam na nagtama yung paningin namin ni Luhan pero ganun siya eh kung may nalalaman siya isasabi niya talaga iyon sa'yo.

"Wala yung meaning. Paniwala ka naman dyan, baka coincidence lang" sabi ko naman. Di kasi ako naniniwala sa mga yan eh.

"Ah basta, ako naniniwala ako dyan. Sabi kasi dun sa nabasa ko na pag nangyari daw yun, meaning daw nun ay may gusto kayo sa isa't isa"

"Pano nga pag coincidence lang?"

"Alam mo di naman yung isang beses lang nangyari eh, dapat yung sa tuwing tumingin ka sa kanya nakatingin rin siya sa'yo,yung parang di mo maintindihan dahil palagi nalang nagtatama yung paningin niyo" paliwanag pa niya. Luh! ganun rin yung nangyari sa amin eh, di lang naman kasi 'to ngayon nangyari, sobrang daming beses na nga eh, luh! di kaya gusto ko na siya? pero di pwede yun dahil may nakalaan na para sa akin at hinihintay ko nalang yung pagbabalik niya. Hay,ewan nalilito na ako.

Patuloy lang sa pag discuss si Ms. CL sa harap, science kasi yung subject namin ngayon. Di naman ako nakapag-concentrate dahil iniisip ko kasi yung sinabi ni Mijoo eh. Yeah I know na sinabi ko kanina na hindi ako naniniwala sa mga yan pero di naman mawawala talaga sa atin yung maniwala tayo sa mga ganyan diba, at isipin na pano kung totoo nga, pano kung may gusto nga ako sa kanya?

Hay, di ko na nga lang yun iisipin.

****

TLE na namin ngayon, ang subject na hate namin. Pano ba naman kasi naging magsasaka na kami dahil sa subject na 'to, may farm kasi yung school namin tapos kami yung pinapalinis, tss! kapagod.

It Still RemainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon