CHAPTER 6: Manhid

6 3 0
                                    

Baby Soul POV

Iimbitahin ko na sana yung mga kaklase ko nang biglang magsalita si Choa.

"Guys, punta kayo sa bahay mamaya. Birthday kasi ng mama ko, please..."

"Sige ba" sagot naman ng mga kaklase namin.

"Thank you guys😁" pagpapasalamat niya.

Hindi ko nalang tinuloy yung balak ko dahil doon. Ugh, I thought this will be the coolest birthday party ever but I'm wrong, but it's okay atleast binigyan nila ako ng birthday gifts.

Nakaupo parin ako sa upuan ko at bigla namang lumapit si Sehun sa akin.

"Pasensya ka na Soul ah hindi kami makapunta sa inyo mamaya, birthday rin kasi ng lola ni Luhan eh"

"Ahh ganun ba?" pagkadismaya ko.

"Pasensiya ka na talaga"

"Ah hindi, okay lang"

Hay, bakit ba ang daming may birthday ngayon?

****

Uwian na kaya yung iba naming mga kaklase ay dali-dali nang umalis para makapaghanda sa pupuntahan nilang party sa bahay nila Choa.

"Okay lang yan Soul, pupunta naman kami nila Jiae at Mina sa inyo eh" sabi ni Mijoo nang makita niya akong malungkot na pinagmamasdan ang mga kaklase namin na nagsilabasan.

"Oo nga Soul. Magiging masaya parin naman yung party mo nang wala sila" sabi naman ni Jiae.

"Teka lang Soul dadalhin mo ba lahat yang bulaklak? Eh kung itapon mo nalang kaya yang iba" suhesyon ni Mina.

"Ayyy oo nga, nalanta na kasi yung iba"- Mijoo

"Itapon mo nalang yang iba, yung medyo pangit na para hindi ka mahirapang dalhin yan" sabi ni Jiae.

"Itapon? Ganun naman talaga eh kung pangit ka hindi ka na lang papahalagahan at itatapon ka nalang" biglang singit nung... teka sino yun?

"Hay, ayan na naman yang hugot mo Krystal. Akalain mo nga naman sa ganda mong yan ang lalalim ng mga hugot mo parang may pinagdadaanan" -Mina

"Hahaha... wala lang sumasabay lang sa uso. Sige bye, uwi na si ako" -Krystal

"Ok bye, ganun naman talaga magpaparamdam lang saglit tapos iiwan ka rin" sabi ni Jiae.

"Wow, hugot!" - Mijoo

"Eh? hugot ba yun?" tanong ko naman.

"Luh! alam mo Soul di lang talaga kita kaibigan kanina pa kita pinatay"- Jiae

-_-

***

Luhan POV

Nandito ako ngayon sa labas ng classroom namin hinihintay si Sehun, pinapunta pa kasi siya ni Ms. CL sa faculty room at kailangan ko naman siyang hintayin dahil sabay kaming pupunta sa bahay ng lola ko.

Habang naghihintay, nakita ko naman si Baby Soul na lumabas ng classroom pero parang hindi niya yata ako nakita dahil nakatalikod kasi siya sa akin at naglakad papuntang garbage can. Nagulat naman ako sa mga dala niyang mga bulaklak, yun yung binigay ko ayyy este binigay namin ni Sehun sa kanya pero mas nagulat ako ng ilagay niya ang mga yun sa garbage can.

Ouch! Ang sakit! The hell!

Tumakbo pa kami ng ilang daang milya para lang dyan tapos itatapon niya lang ng basta-basta?! The hell talaga!

Dahil doon ay dali-dali akong umalis at umuwi ng bahay and not minding about Sehun and the birthday of my dear lola, I'm feel out of space.

I just found myself sitting to our long sofa in the living room and my mind is always rewinding about what she did.

"Dahil manhid ka, Manhid ka. Walang pakiramdam. Oh babe, manhid ka, manhid ka..."

Ugh, I hate the person who is playing that song!

"Patayin mo mga yan!" sabi ko sa nakakabata kong kapatid na si Sunny, the one who is playing that shit music!

"Bakit naman? Maganda naman ah. Si Vice Ganda kayang kumanta niyan"

"Wala akong pakialam kahit na si Vice President pa yung kumanta niyan! Basta patayin mo yan!" sigaw ko sa kanya pero yung bubwit tinawanan lang ako😠.

"Kuya, paano ko papatayin yan eh CD yan eh, wala yang buhay" Ugh! I can't take this.

"Kung ikaw ang patayin ko!" sigaw ko ulit kaya hayon mukha namang natakot kaya dali-dali niyang pinatay yung DVD player.

"Hmmp! sungit! Palibhasa manhid yung crush niya kaya ganyan" she mumbled and I just ignored it.

******

Kinabukasan nakita ko kaagad si Sehun na ang sama ng tingin sa akin.

"Hey dude" bati ko naman sa kanya.

"Wag mo akong madude-dude! Walangya ka iniwan mo ako tapos di kapa pumunta sa birthday party ng lola mo, alam mo bang hinahanap ka niya?!" galit na sabi niya.

"Pasensya naman tol, nawala sa isip ko eh"

"Grebe tol! Asan na yung utak mo?!" nagtitimping sabi niya.

"Nasa ulo?" tanong na sagot ko naman :-D

"Ewan ko sayo!" sabay alis.

Ugh, I really hate people. Di ba nila ako maiintindihan? Ako na nga 'tong nasaktan, ako pa yung papagalitan:'(

############

It Still RemainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon