Baby Soul POV
Katatapos lang sinabi sa amin yung ranking and great news me is the top 1. Di nga sila makapaniwala eh dahil first time 'tong nangyari na nasa second section yung naging top 1, ako rin naman di makapaniwal dahil ang dami kayang matatalino sa first section. Kinwestyon nga nung adviser ng first section nung nangyari eh but the principal said that the school should be fair, hindi naman porket nasa second section ay wala nang kakayahan."Congrats Soul ikaw yung top 1 plus best in Math and Science pa!" Bati ni Mijoo.
"Hehe... Di nga ako makapaniwala eh😅"
"Anong di makapaniwala? Ang talino mo kaya😊"
"Di naman. Teka, punta muna akong CR"
"Osige"
Pumasok na ako sa toilet at maya-maya pa ay naramdaman kong may pumasok din sa CR.
"Bakit? Ginawa ko naman yung best ko ah" mangiyak-ngiyak na sabi nung babae.
"Okay lang yan Yein. Baka di lang para sa'yo yung time na 'to" sabi naman nung kasama niya.
Yein? So si Yein yung umiiyak. Kawawa naman siya, di siguro siya sanay na have hindi maging top 1.
"Di 'to okay. Gusto ko ako yung best. Gusto ko ako lang! Papagalitan ako ng parents ko nito"
"Tama na yan"
Natapos na rin ako kaya lumabas na ako at naghugas ng kamay. Mukhang di yata nila ako napansing dalawa.
"Alam mo, di naman importante yung rank, as long as ginawa mo yung best mo, tanggapin mo nalang yun dahil kung hindi ka man naging top 1 sigurado akong may dahilan ang Panginoon dun. Wag mo nalang questionin yung naging desisyon Niya dahil tandaan mo mas maganda yung plano Niya kaysa sa atin. Everything happens for a reason so just accept it para hindi ka masasaktan" sambit ko. Di ko na napigilan yung sarili ko eh. Pagkatapos ko namang sabihin yun ay umalis na ako kaagad.
Jisoo POV
Sinamahan ko si Yein sa CR para maglabas ng hinanakit, di niya kasi matanggap yung naging resulta. First time niya kasi 'tong naging top 2.
Di naman namin namalayan na may kasama pala kami kaya medyo nabigla kami nung magsalita siya.
"Alam mo, di naman importante yung rank, as long as ginawa mo yung best mo, tanggapin mo nalang yun dahil kung hindi ka man naging top 1 sigurado akong may dahilan ang Panginoon dun. Wag mo nalang questionin yung naging desisyon Niya dahil tandaan mo mas maganda yung plano Niya kaysa sa atin. Everything happens for a reason so just accept it para hindi ka masasaktan"
Pagkatapos niyang sambitin yun ay umalis na siya agad."Teka, sino yun? Para namang kaluluwa, bigla-bigla nalang nagpaparamdam"
"Si Baby Soul yun" sabi ni Yein habang may kunting iyak parin sa boses niya.
"Kilala mo siya?"
"Siya yung top 1" nabigla naman ako sa sinabi niya. Siya pala yun? "Ang dali niya lang sabihin yun dahil di naman siya yung nasa sitwasyon ko" dagdag pa niya.
Pero tama rin naman yung Baby Soul eh, di naman importante yung rank dahil pag namatay tayo di naman natin yan madadala tapos di naman yan masusulat sa kasaysayan ng Pilipinas noh at pagkatapos ng ilang libong taon ay di naman yan malalaman ng lahat ng tao. Pero naintindihan ko rin naman 'tong kaibigan ko dahil ang laki kasi ng expectations ng mga magulang nito sa kanya eh.
Luhan POV
Grabe lalo na tuloy ako naiinlove sa kanya. Biro niyo yun top 1 siya tapos best in Math and Science pa. Ang galing talaga ng Baby Soul ko. Pero dahil din dun unti-unti rin akong nawawalan ng pag-asa sa kanya lalo na nung nalaman kong ang dami palang nagkagusto sa kanya pero katulad ko natotorpe rin sila, mukhang si J.Don palang yata yung nakapag-confess sa amin eh. Siya naman kasi yung tipo ng babaeng natatakot kang saktan, siya yung tipong siniseryoso.
BINABASA MO ANG
It Still Remains
FanfictionLOVING is the most beautiful thing that you would experience in this world. Love doesn't requires an exchange, if you love someone you give your whole even though it has no in return. Love also, is not about owning someone but it is about how you...