"Hwaahhh!!! Bukas na yung pasukan at wala pa tayong mga gamit, huhu, naiiyak na talaga ako" sabi ng kapatid kong si Namjoo. Eh? OA lang masyado?
"Ano ka ba? Bibili tayo mamaya noh" sabi ko naman. Oh, by the way I'm Soojung, Lee Soo Jung to be exact A.K.A Baby Soul, yan ang tawag nila sa akin kaya nasanay na rin ako. May 3 akong kapatid, si Namjoo, which is ang bunso namin, si kuya Tao na mag g-grade 10 na at si kuya TOP na meron nang asawa.
"Pero marami nang tao mamaya, nakaka-hagard" sagot niya sa akin.
"Grabe ah, ang OA mo masyado, grade 5 ka pa nga ang dami mo nang nalalamang ganyan" sabi ko. {A/N: Isipin niyo na lang na bata pa si Namjoo ng Apink jan, hehe}.
"Sige na nga! Kainis naman kasi 'tong si mama, ang daming ginagawa napakabusy ng schedule! Wait... kung tayong dalawa nalang kaya ang pumunta, ate" suhisyon niya.
"Ano ka ba? Papagalitan tayo ni mama at isa pa wala si Mang Ben, paano tayo makakabili kung wala tayong sasakyan?"
"Asan naman kasi siya?"
"Malamang umuwi sa kanila dahil may pamilya rin yung tao noh at balita ko ay bukas pa yung uwi niya".
"Edi mag ta-taxi na lang tayo"
"Hindi ako marunong pumara"
"Hay grabe, ang tanda mo na, hindi ka pa marunong?" mapang-asar na sabi niya
"Ano ka ba? Magg-grade 7 pa ako noh" sabi ko naman sa kanya.
"Hay🙀, buti pa pumunta nalang ako kina kuya" naiinip na sabi niya.
"Wala si kuya TOP sa kanila noh dahil nanganak na yung asawa niya"
"Edi matulog nalang ako", hahaha, hindi talaga siya halatang naiinip noh? Nakakatawa siya.
***
Pagdating ng hapon ay namili na nga kami ng mga gamit namin at yung kapatid ko? Ayon tuwang-tuwa dahil sa mga bago niyang mga gamit, hay... napaka-isip bata talaga.
***
Ang bilis talaga tumakbo ng oras and now it's already morning and now is the first day of school. Kinakabahan na rin ako dahil ito yung unang araw ko sa high school. OH MY, this is it!
Inihatid na nga kami nung driver namin.
"Sige ate, dito na lang ako, bye. Good luck sa high school" paalam ni Namjoo sa akin nung makarating kami sa school nila at ngayon naman ay papunta na kami sa school namin. Ugh, kinakabahan talaga ako .Nung nasa may gate na kami ay mas lalo kong naramdaman ang aking kaba. Oh my, this is really it!
"Bye po Manong" paalam ko doon sa driver.
"Hey, Soul" nakita ko namang tinawag ako ni Sooyoung kaya lumapit ako sa kanya, kapit-bahay kasi namin sila.
"Excited ka na ba? Ang ganda dito sa high school, sigurado ako na mag-eenjoy ka talaga dito" sabi niya, grade 8 na kasi siya.
"Talaga? Mababait ba yung mga teachers dito?" tanong ko sa kanya.
"Merong mababait meron ding hindi, pero sigurado ako na masisiyahan ka talaga dito" sagot niya.
"Kinakabahan na ako"
"Ano ka ba? Wag kang kabahan, oh sya, mukhang ikaw nalang mag-isa ang pupunta doon sa building niyo, nando'n kasi sa kabila yung building ng grade 8 eh"
"Sige"
Okay, ako na lang mag-isa ngayon ang naglalakad papuntang building namin, bakit naman kasi napakalaki ng school na 'to?
BINABASA MO ANG
It Still Remains
Fiksi PenggemarLOVING is the most beautiful thing that you would experience in this world. Love doesn't requires an exchange, if you love someone you give your whole even though it has no in return. Love also, is not about owning someone but it is about how you...