CHAPTER 3: Love at First Sight

6 2 0
                                    


Luhan's POV:

Matagal akong nakatitig sa salamin, 'mukha ba talaga akong babae o bakla?' tanong ko sa aking sarili *sigh*   inggit lang saguro sila sa akin dahil napakagwapo ko.

Teka lang, may napansin din ako, bakit may kaklase kaming kaluluwa? ay mali, bakit baby soul pala ang tawag ng mga kaklase ko kay ms. Lee? napagkamalan ko tuloy siyang kaluluwa. Hay! Ano bang iniisip ko at naiisip ko siya? Hay... pati tuloy ako naguguluhan na sa mga pinag-iisip ko.

Kailangan kong maging gwapo ngayon para mapansin niya ako, teka, kanino ba ako nagpapapansin? Wala naman siguro akong gusto sa school namin. Aiy, hindi ko na pala kailangang magpapogi dahil napaka-pogi ko na, hehe.

Umalis na ako sa harap ng salamin dahil feeling ko mababaliw na ako sa sobrang kagwapuhan ko.

Kinuha ko na yung mga gamit ko at pumunta na ng paaralan, kailangan maaga ako dahil lunes ngayon. Bakit? Dahil wala lang gusto ko lang maaga tuwing lunes.

Nang makababa na ako sa sasakyan ay pumunta naman ako kaagad sa building ng grade 7, malamang grade 7 pa ako, alangan namang sa building ng grade 8 ako pupunta diba?

Kunti pa yung mga estudyante dahil ang aga pa nga. Hay, siguro wala pang tao sa classroom namin.

Ngunit pagpasok ko ay naunahan na pala ako ng kaklase kong babae. Malas naman, hindi ako ang pinakamaaga sa amin*sigh* but it's okay.

Nagkasalubong naman yung paningin naming dalawa at nasilayan kong muli yung maganda ngunit inosente niyang mukha, ang mukhang noong una ko pa lang nakita ay nakabighani na ng puso ko. Nagkakamali pala ako kanina na wala akong gusto dito sa paaralan namin dahil ang totoo noong first day of school pa lang ay may gusto na kaagad ako dito sa kaklase ko.

Siya na yung unang umiwas ng tingin at ako naman ay pumuta na sa aking upuan.

Ilang minuto pa lang akong naka-upo ay nabingi na kaagad ako sa katahimikan. Wala kasi akong kausap, malamang sa malamang kaming dalawa lang dito ng crush ko at hindi naman kami close noh para mag-usap at alangan naman kausapin ko ang sarili ko para lang makagawa ng ingay, para na akong baliw nun.

Ang ginawa ko na lang ay pinagmamasdan ko siya at may sinusulat siya ngayon sa kwaderno niya at parang ang seryosong seryoso niya.

"Baby Soul" wala sa sariling sambit ko.

Hala! Patay, bakit ko ba tinawag yung pangalan niya? Ano bang iniisip mo Luhan? Nababaliw ka na ba?

"Hmm?" tugon niya at parang hinihintay yung sasabihin ko.

Anong gagawin ko? Ito naman kasing bibig ko kung anu-ano nalang yung sinasabi, kainis!

"Bakit pala Baby Soul yung tawag nila sa'yo" tanong ko nalang, wala na kasi akong maisip eh.

"Ahhh..."

"Oyy, Luhan ang aga mo ah" sabi ng kakarating lang na si Sehun kaya naputol tuloy yung sasabihin ni Baby Soul.

Gusto ko siyang tanungin ulit pero mukhang busy na siya sa buhay niya dahil dumating na rin kasi yung mga kaibigan niya. Gusto ko pa naman sanang malaman yung sagot niya🙀

"Ikaw Luhan ah, nagseselos na tuloy ako dyan sa mga tingin mo kay Baby Soul. Sagutin mo naman ako, bakit maaga kayong dalawa? Siguro may kasunduan kayo noh?" pang-aasar ni Sehun sa akin. Kahit kailan talaga 'tong taong 'to.

"Nagkataon lang yun noh"

"Hindi eh, feeling ko talaga iba na eh" pang-aasar niya ulit kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Sige na, suko na" sabi niya at itinaas ang kamay. "Pero bakit ba ang aga mo?" tanong na naman niya.

"Lunes kasi" sagot ko naman

It Still RemainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon