Chapter 2: Kai

1.1K 39 2
                                    

Chapter 2

"Wala ka bang balak magbayad, Salvador?!" sigaw sa akin ng landlord ng apartment kung saan ako nakatira, kaya't napatigil ako sa pagbabasa dahil sa sigaw niya.

"W-Wala pa po kasi akong nahahanap na trabaho" mahinahon na ani ko, " Wala pa?! Bakit hindi ka tumayo jan at maghanap sa labas hindi 'yung nandito ka lang" singhal niya ulit sa akin, napatahimik naman ako. Hindi pa kasi ako tinatanggap sa convenience store na inapplyan ko noong isang araw.

"Bibigyan lang kita hanggang bukas, Salvador at paghindi ka pa nakapagbayad papaalisin kita dito" at umalis na siya sabay bagsak ng pintuan. Bumuntong hininga ako at tinignan ang email ko—kung suswertehin ka 'nga naman. Kakatanggap lang sa'kin, kaya agad kong kinuha ang number na nasa email at tinawagan 'to.

"Good afternoon po"

"yes? Who's this?"

"ako po yung tinanggap niyo na magttrabaho—pwede ko po bang i-advance ang sweldo ko ngayong buwan?"

"Duchess..." the other line said

Napatigil naman ako because I know that voice

"Queen..."

BUMUNTONG HININGA ako ng malalim nang tignan ang envelope na nasa mesa ko, it was from Queen. Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera ngayon hindi ko 'to tatanggapin. I can't touch my bank account for the reason that they will know I am alive.

"it's been a while, duchess. I'll send you money every month but in one condition. We need to see each other. I miss you for pete's sake and I want to kiss you so bad."

Binilang ko ang laman ng envelope at hindi ko mapigilan mapangisi sa sobrang laki ng halaga na nandito. God, fifty thousand per month? Are you kidding me, Queen?

Kumuha ako ng sampung llibo doon para pambayad sa landlord ng apartment na tinitirhan ko. Kung tutuusin limang libo bawat buwan ang bayaran dito pero dahil late na ko ng dalawang buwan dahil nakakapos ako sa pera kaya sampung libo na ang ibabayad ko. Tsk, pasalamat siya hindi ko pa matapos tapos ang trabaho ko kundi wala na siyang pagkakakitaan dito sa bulok niyang apartment.

Konting tiis nalang—makakaalis na ko dito at makakasama ko na sila queen.

Nakareceive ako ng text message sa isang unknown number at nakilala ko agad kung sino 'yon.

From: +6392836*****

Hi, I got your number from Mitch. I hope you're okay in the city, Thyra. Hope to see you again...

Hindi ko na nireplyan ko dahil paniguradong alam niyang hindi ako mahilig magreply sa text. I am more in call than text. Ewan ko ba pero nakakatamad magtype

Pumunta na ako sa cr para maghilamos at nagpalit na rin ako ng damit.Sinulyapan ko ang gamit ko sa school, damn it—may pinapagawa pala yung teacher namin. Fuck.

Agad kong tinawagan ang isang tao na sobrang close ko sa school at nakakaalam ng plano ko. He is one of my trusted people

"Napatawag ka, Thyra?"

"can you stop calling me Thyra? Therese is the name, Kai" he softly laughed

"so what do you need, Therese? Magpapagawa ka ba ng assignment?"

"classmate kita diba? Gawan mo ko nang pinapagawa sa atin, tinatamad ako" at humiga ako sa higaan at tumingin sa kisame

"ayan tayo 'e, may bayad 'to ha"

"sige magkano ba gusto mo" ang kapal ng mukha kong sabihin 'yon dahil may pera ako galing kay queen

"bibigyan mo ko?"

Royalty 1: DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon