Chapter 1: Dumb

1.7K 45 1
                                        

Chapter 1

"Therese! Tawag ka ni Miss Chan sa faculty" tawag sakin ng kaklase ko, kaya't napatigil ako sa pagsusulat at napataas ng kilay. Miss Chan? Akala ko ba nakamaternity leave si Miss Chan? Pinagloloko niya ba ako? Ibinaba ko ang salamin ko at tumayo. I have no choice but to go to the faculty.

Naglakad na ako papaalis sa classroom pero bago pa ako makalayo ay may tumawag sa pangalan ko.

"Therese!" tumigil ako at tinignan 'yon, it was Christian. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Stop playing dumb, Therese." Napakunot ang nuo ko.

"Ha??" I heard him 'tsk' at napailing pa ito na para bang hindi makapaniwala. He suddenly held my hand and pull me away.

"S-Saan tayo pupunta?" Christian Guevarra, a repeater. Una kong siyang nakita noong enrollment last year. I admit he is good looking but na-ah. Hindi ko siya type at wala pa akong plano na umibig.

"Hindi ko alam kung bakit nasa star section ka at isa ka pa sa officer ng SSC, ang tanga tanga mo naman. Psh, Miss Chan is not around because she had a maternal leave. You totally forget?" Yumuko nalang ako.

"Tama nga ang sabi ng iba, mailap ka nga" mahinang bulong niya pero narinig ko naman. Sana nilakasan nalang niya, bumulong pa siya kung gusto naman niya magparinig. Tch.

Tumigil ako sa paglalakad at ganon din siya, kanina pa niya ako hinihila hindi ba niya naiisip na napapagod din kao? Tsk, halos malayo na rin ang nilakad namin dahil sa paghihigit ng kamay niya sa kamay ko.

Tinanggal ko ng dahan dahan ang kamay niya sa kamay ko at tumingin sakanya, "Kung wala naman pala si Miss Chan edi babalik nalang ako sa room. May tinatapos pa ako" sabi ko sakanya.

Hindi ko maiwasan hindi ngumiti sakaniya dahil 'nga pagod na pagod na ako sa paglalakad. Pakiramdaman ko bibigay na ang paa ko sa sobrang pagod. Mukhang kailangan ko ng magexercise sa bahay.

"Salamat nalang" sabi ko pa at iniwan ko siya mag-isa sa hallway.

Mahina akong napailing nang maalala ang tingin niya sa'kin, para bang naiinis na siya sa katangahan ko. Wala naman akong pakialam dahil eto talaga ako. Therese Salvador—isang dakilang tanga pero matalino sa klase. Therese na madaling mauto ng kahit sino.

Bumalik ako sa classroom at napansin ko na tumigil ang mga kaklase ko sa pag-uusap at pagtatawanan lalo na ang sinabihan ako na pumunta sa faculty

Umupo na ako at nilapitan naman ako ng kumausap sa'kin kanina, hindi ko alam ang pangalan niya at kahit may name plate ang uniform namin wala akong balak tignan 'yon. Sayang lang sa oras ang makilala kung sino sila. Matapos ko lang ang plano ko ay okay na 'ko. That was my goal for almost 2 years.

Tumatawa ang tao na nasa harap ko ngayon na para bang successful ang ginawa niyang pang-uuto sa'kin

"Bakit ba ang tanga mo, Therese? Hindi mo ba alam na wala si Miss Chan pero umalis ka pa?"

Yumuko lang ako at hindi nagsalita, ayokong makipag-usap sa isip bata. 22 years old na ko pero nandito pa rin ako sa senior highschool dahil sa plano ko. At etong kaharap ko ay isang 19 years old, napaka-isip bata pa rin para maging 19 years old 'to.

Umakto akong nagulat nang ibagsak niya ang kamay niya sa mesa ko, "nawalan kana ba ng dila?"

Sinuot ko ang salamin ko at tumingin sakaniya, mukhang nagulat pa siya pero nawala din ito agad

"Baka nakakalimutan mo na ako pa rin ang president ng Student Council" napalunok siya sa sinabi ko

Agad naman siyang nilapitan ng isang babae na mukhang kaibigan niya, may binulong ang babaeng 'yon sakaniya kaya umatras sila pareho

Umalis na ang babae at naiwan nalang ang kaibigan nito, "s-sorry po pres" at umalis na siya

Mahina akong napailing, mabuti pa ang kaibigan non marunong mag-sorry. Well, sorry not accepted. Tumingin ako sa paligid at nakatingin sila sa'kin ngayon, nginitian ko lang sila at bumalik na sa ginagawa ko.

Kahit na ganito ako, kahit na uto-uto ako—ako ang naging president ng student council ngayong taon. Kahit 'nga ako nagulat kung paano ako nanalo pero nagpasalamat nalang ako dahil nangyari 'yon kundi mahihirapan ako sa plano ko ngayon.

Ngayon na ang huling taon na papasok ako sa unibersidad na 'to at sisiguraduhin ko na worth it ang dalawang taon na pagtatago ko bilang Therese Salvador. 

Royalty 1: DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon