Tipid kong tinignan sila queen, kanina pa sila nagbabangayan kung sino sino ang pwedeng pumalit sa pwesto ng tatlong nakakatanda dahil hindi pwedeng walang papalit 'don.
"Hindi ba pwedeng ipakillala natin ulit si duchess sa danger zone? Para naman malaman ng buong mundo na nagbabalik muli si duchess" countess suggested
"unahin natin ipakilala si duchess then we will start to find three people who are suited to be the next elders" queen said
"perfect plan!" ani empress
"Nasaan si princess?" I asked them
Nagkatinginan sila pero wala akong nakuhang sagot, mukhang hindi nila alam kung nasan ang prinsesa.
"Baka umuwi sakanila" lady said
"luh? Si princess pa—'e hindi naman umuuwi sakanila 'yon" sabi naman ni countess
Napailing naman ako, "let her be, baka may inasikaso lang siya"
"inasikaso pero hindi man nagpapaalam. Pagalitan ko nga mamaya" komento naman ni queen
"Nakaready na ba ang penthouse ko?" tumango si lady
"inayos na namin ni Killian noong isang linggo"
"at hinihintay ka din pala ni Killian sa labas"
"what? Sinabi niyong nandito ako?" napakamot naman si queen, "hehe sorry duchess—excited kasi ako na magkareunion kayo ni duke. Hindi ka naman siguro galit sa'kin diba?"
Binigay ko sakanila ang susi ng kotse, "kayo na bahala sa kotse ko, ihatid niyo sa penthouse"
"yes ma'am!"
Lumabas na ako sa bahay at bumungad sa'kin si Killian na nakasandal sa sasakyan, this man—I missed him a lot.
Walang sabi sabi na niyakap ko siya, "I freakin' miss you, duke" niyakap naman niya ako pabalik. Namiss ko ang amoy niya
"hindi kana siguro magtatago?"
Mahina akong umiling, "no—tapos na ang plano ko"
Pagpasok namin sa kotse na siya ang nagmamaneho, ay may napansin ako sa katawan niya
"Nag-gym ka ba?" mahina siyang tumawa, "halata ba?"
Mahina ko namang pinisil ang biceps niya, "medyo lumaki, 2 yeasr ago medyo payat pa 'to" ani ko
"sinabihan kasi ako ni queen na magready kasi baka mapa-aga ang balik mo kaya hindi ako nagdalawang isip na mag-gym agad"
"si queen talaga, kamusta ang sugat mo? Nandiyan pa ba ang peklat?"
Umiling siya, "pinatanggal ko na—dalawang taon na ang makalipas naalala mo pa 'yon"
"sino ba naman hindi makakalimot kung muntikan na tayong mamatay sa helicopter diba"
"Kain muna tayo, gutso mo?"
"sige basta libre mo"
"ang kuripot mo talaga"
Natahimik ako dahil may naalala ako sa senaryo na 'to. Kai. Kamusta na kaya siya.
"Hey, natahimik ka—may problema ba?" he asked again, umiling ako
"may naalala lang ako" mahina kong sabi
NANDITO kami ngayon sa favorite namin na restaurant ni duke, at kahit dalawang taon na ang makalipas noong last na kain ko dito—wala pa rin nagbago. Nadagdagan pa 'nga ng pagkain sa menu nila.
"Wala naman nanliligaw sa'yo habang malayo ka sa'kin diba?" tumawa ako ng mahina, "at sino naman nagbabalak ligawan ako. Baka ibully pwede pa"
"binubully ka?"
BINABASA MO ANG
Royalty 1: Duchess
Aksiyon❝I'm back bitches and I'll hunt you down❞ She is the Royalty's Duchess and she's back from the dead. Royalty Series 1: Duchess Started: February 1, 2021 Ended:
